Chapter 57: His Secret Reveal (3)

2.7K 91 19
                                    

TRISTAN POV

Nagsimula ang pang-apat na quarter pero naguguluhan parin ako. Nawala ako sa pokus at pawang si Kent lamang ang atensyon ko. Ganun din ang kalaban namin na halos hindi mawala ang tingin-tingin nila kay Kent.

Kahit si Chad ay hindi rin mawala ang atensyon sa kanya. Dumepinsa nga ito pero hindi siya nakapokus sa bola kundi sa mukha nya. Pero kahit ganun ang ipinakita nilang pagtuon ng atensyon kay Kent ay hindi parin kumukupas ang husay nila sa laro.

Naka-eskor naman ako kahit papaano pero mas marami ang nagawang puntos si Kent kaya hindi mawala ang sigawan ng mga nagmamasid at ganun rin ang malapit na kaibigan niya.

Intense ang aming labanan. Balansi ang nakuha naming eskor kaya tudo ang aming depensa para hindi kami malamangan. Mga ilang minuto narin ang nakaraan at malapit nang matapos ang laro ay pareho parin ang eskor na nakuha namin.

"112-112.. Kaya pa ba tohh!! 1 minute nalang ang natitirang oras" mahina kung sabi sa sarili.

Ang oras ay patuloy na umusad ngunit di ko parin maipasa ang bola dahil sa mahigpit na depensa ng kalaban. Hindi ko rin maipasa sa kasama ko dahil grounded din sila katulad ko. Ngunit di ko namalayan na ang bolang ngayo'y hawak ko ay nakuha ng kalaban.

Nakangisi itong umalis at inirapan ako. Nagsisigawan ang mga tao habang ang iba naman ay desmayado dahil nakuha ang bolang hawak ko.

Ngunit sa ilang saglit pa'y ay mas lalong umingay dahil ang bola na nuo'y nakuha ng kalaban namin ay nakuha ulit ni Kent. Magaling ang pagdribble nito at maayus rin ang ginawang kilos nito upang malusutan ang kalaban ngunit magaling rin ang ginawang depinsa ni Chad kaya di nakalusot si Kent.

Patuloy ang kanyang pagdepinsa sa bola hanggang sa tumalon ito kaya di alintana na sa bawat pagtakbo ng huling limang sigundo ay sumabay rin ang bolang lumilipad patungo sa ring. Naging slomo ang lahat ng pangyayari at lahat kami ay nakatingin sa bolang papunta sa ring.

Maingay!! Subrang maingay dahil ang bolang itinapon ni Kent ay pumasok sa luob ng ring kaya umalingaw-ngaw ang hiyawan ng buong court dahil sa kauna-unahang pagkataon ay kami ang nanalo sa championship.

Ngunit sa pagkataong iyon ay naibaling aking tingin kay Kent na ngayo'y nakahandusay sa korte na walang malay.

"Anong nangyari!!" takang tanong ng coach ng kabilang kupunan.

"Natabig ko po coach.. Hindi ko po sinasadya." takot at panginginig na salita ni Chad habang pumunta ito sa nakahandusay na katawan ni Kent.

Ang ingay ay napalitan ng nabibinging katahimikan dahil ang atensyon ng mga taong nagmamasid ay kay Kent. Nakatuon rin ang atensyon namin sa kanya ngunit nabaling ang aking tingin sa isang buhok na humiwalay sa ulo ni Kent.

Tika!! Bakit?? Bakit may buhok!! Naguguluhan ako!! Hindi ko maintindihan ang aking sarili!! At di ko rin maintindihang ang buong pangyayari!!

Tahimik kaming lahat at patuloy parin ang aming pagmamasid kay Kent na ngayo'y nakatalikod na walang malay na nakahandusay sa korte.

Marami ang magsisidatingan sa harap ni Kent upang tingnan ang kondesyon ng binata. Ganun rin ang mga malalapit na kaibigan niya na nagtatakbuhan papunta rito upang tingnan ang kondesyon ng kaibigan nila.

Nang iniharap nila ang katawan ni Kent ay narinig ko ang malakas na hagulhul ng taong tumabig sa kanya. Malakas ang kanyang pag-iyak at wari bang namatayan ito ng minamahal dahil sa ipinakita nitong reaksyon.

Naguguluhan rin akong nakatingin sa kasama niya at ganun rin ang naging reaksyon nila ng makita nila ang gwapong mukha ng binata.

Di ko maintindihang ang pangyayari lalo na't sa ipinakita nilang reaksyon ng makita ang taong minamahal ko na.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon