Chapter 51: Tyler's Brother

2.3K 76 16
                                    

TYLER POV

Subrang lakas ng kabog ng aking dibdib nang makita ko ang aking kuya na pumunta sa harapan. Sa limang buwang hindi ko siya nakita ay maraming nagbago sa kanya. Mas naging masayahin ang awra nito at palangiti.

Nang pumunta ito sa harapan upang puntahan ang taong tumawag sa kanya ay mas lalong nanginig ang kalamanan ko dahil nandito rin ang pinaka-importanteng tao na nais kung makita.

Ngiyak-ngiyak akong tumingin sa kanila habang pinagmasdang mabuti ang aking ina na ngayo'y masayang nag-uusap kasama ang naging amo ko.

"Okey ka lang ba Tye?" pag-alalang sabi ni Zach.

Hindi ako makapag-salita dahil sa emosyong bumabalot sa aking sarili. Gusto kung yakapin ang aking ina dahil subra ang pangulila ko sa kanya kaya kusang tumulo ang aking luha habang nakatingin sa kanila.

TRISTAN POV

Nakangiti parin akong pinagmasdan ang taong nasa harapan ko ngayon. Pamilyar sa akin ang kanyang mukha na para bang nakita ko na ito.

May namukhaan ako sa kanya. Ang mata niya, ang tangos ng ilong at hugis ng mukha ay magkapareho sa taong inidolo ko.

"Mas mabuti pang ipakilala mo si Chad sa kaibigan mo Tristan para hindi rin iyan mababagot dito. At tiyak na ikakasaya ito ng mga kaibigan mo" ngiting sambit ng aking ina.

Tango lang ang naging sagot ko sa kanya at tumingin sa mga kaibigan kung nakaupo sa likod. Masaya silang nag-uusap habang linalasap ang pagkaing nakahanda para sa kanila.

"Mas mabuti nga iyan. Oh sya!! Samahan mo si Tristan anak para narin may makilala ka dito. May pag-uusapan lang kami ni Charmaine at ni Edie." nakangiting salita ng kanyang ina.

Tango lang rin ang sagot nito at sumunod sa akin. Subrang tahimik namin kaya hindi mapigilang maging awkward ang paglalakad namin. Sa tingin koy naiilang rin itong kasama ako dahil sa sunod-sunod nitong buntong hininga.

Kumakaway sa akin si Charity habang nakaakbay ang kanyang kaliwang kamay sa balikat ni Goerge. Nakangiti itong nakatingin sa amin habang ang iba nitong kasama ay seryusong nakatingin sa binatang kasama ko.

"Magandang gabi sa inyo lahat. Nga pala may ipakilala ako sa inyo. Ito pala si Chad. Anak ng isa sa mga kaibigan ng ina ko." nakangiti kung pakilala sa kanya.

Ibinaling ko ang tingin sa binata na ngayo'y nakangiti rin sa mga kabarkada ko. At mas lalo umaliwalas ang kanyang mukha dahil sa ngiti nito.

"Its nice to see you guys.. Im chad pala from makati." pakilala nito sa kasama ko.

Nagpakilala rin ang kabarkada ko sa kanya at ganun din si Fretz na halatang na starstruck sa kasama ko. Hindi rin mapigilang mapatili sina Charity at si Analie dahil sa gwapong binatang kaharap nila.

Gulat at panlaki ng mata ang naging ekspresyon ng dalawang babae habang itinuon ang kanilang tingin sa binata. Nagtataka ako kung bakit ganun ang kanilang naging ekspresyon sapagkat ngayon palang nila nakita ang binatang kasama ko.

"Tika!!! Parang kilala kita. Diba ikaw si Chad Demien... Mukhang tama ang hula ko dahil halos araw-araw yata kitang nakita sa larawang nakapaksil sa labas ng unibersidad namin." manghang salita nito sa kasama ko.


Chad Demien? Parang pamilyar sa akin ang pangalang binaggit niya.

"Oo nga.. Talagang magkamukha kayo" sabat naman ng isa kung pang kabarkada.

Nabaling ang tingin ko sa binata. Hindi parin mawala ang naging ekspresyon nito na ngayoy nakatingin sa dalawang bruhilda. Kaya pala familiar sa akin ang mukha niya dahil kahawig talaga niya ang piJgura na nakapaksil sa isang malaking tarpauline sa labas ng unibersidad.

"Sa napag-alaman ko ay may dugong Pielago ang binatang modelo sa larawan. So kung ikaw ang binatamg iyon ay ibig sabihin hindi ka pala basta-bastang tao." taka at manghang salita ni Coach.

Nanlaki ang aking mata dahil sa sinabi ni Coach Noel. Kung siya ay may dugong pielago ibig sabihin ay kilala niya si Tyler. Hindi ko mapigilang macurious dahil sa sinambit nito.

"Kung ikaw ay kadugo ng mga Pielago so ibig sabihin kilala mo si Tyler James Pielago?" seryuso kung tanong sa kanya.

Bahagya itong napatingin sa akin at umiba ekspresyon nito. Bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan nang binaggit ko ang pangalan ng inidolo ko.

Buntong hininga ang ibinitaw niya pero hindi parin mawala ang kalungkutan ng kanyang mga mata. Naging tahimik kami dahil sa reaksyon nito at mas lalo akong nagtataka dahil sa ipinakita nitong ekspresyon.

"Ang taong tinutukoy niyo ay isa sa mga taong sinaktan ko nuon. Galit ako sa sarili dahil sa nagawa ko sa kanya at pinagsisihan ko iyon lahat" malungkot na salita nito. Dama ko kalungkutan at paghihinagpis niya sa bawat bigkas nga mga salitang binitawan niya.

"Tama nga ang sinabi ng iba na makita mo ang importansya ng isang tao kapag nawala ito sayo." dagdag sabi nito.

Tahimik kaming lahat habang nakikinig sa kanya at hindi ko rin mapigilang maging malungkot sa sinabi niya dahil tumagos ito sa pagkatao ko.

Naging repleksyon ang lahat na binanggit niya sa akin. Iyon kasi ang nakita ko sa sarili dahil sa mga masasakit na nagawa ko kay Kent.

Pero hindi ko parin mapigilang mainis sa kanya dahil ang taong sinaktan niya ay naging parte rin ng buhay ko.

"Bakit mo naman iyon nagawa?" inis na sambit ko sa kanya.

"Dahil akala ko ay inagaw niya lahat sa akin." buntong hiningang sagot niya.

"At sino ka naman sa buhay niya" diritsuhan kung sambit sa kanya.

Naging tahimik ito ulit at seryuso itong nakatingin sa akin. Tahimik rin ang buo kung barkada habang nakikinig sa sagutan namin.

"Ang taong tinutukoy ko ay..." tigil niyang salita at bumitaw ng malalim na buntong hininga.

" Ay ang nag-iisa kung kapatid." dagdag sabi nito na ikinagulat naming lahat.

ITUTULOY






















Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon