Chapter 39: His Apologize

2.6K 109 4
                                    

Note: Hindi pa na edit

*Tyler Pov*

Hindi narin kami nagtagal sa mansyon ni Zach. Alas siete y media na kasi kaya kailangan na naming umuwi baka hinanap na kami ni nanay ngayon. Sa kalahating araw na pagsasama namin ni Zach ay linukob ako ng saya ulit dahil sa mga asaran nila at sa mga kwentong nakakatawa.

Naikwento ko rin kay Zach kung bakit nagbalatkayo ako bilang Kent at nagsusuot ng wig. Naintindihan rin naman nya kaso hindi daw sya sanay sa itsura ko.

Baon ko ang ngiti nang lumabas sa mansyon nila. Buti nalang bumulontaryo si Zach na ihatid kami kasi malayo rin iyong tinuluyan namin.

Nang narating namin ang lugar ay bakas sa mukha ni Zach ang pag-alala. Linibut nya ang tingin sa paligid kung saan kami pansamantalang nanirahan.

"Simula bukas duon na kayo maninirahan sa subdivision na ipinagawa ko. Ligpitin nyo na ang mga gamit nyo ngayon para deritso na ang punta natin duon bukas. Hindi kayo safety sa lugar nato lalo na't uso ang dingue ngayon." seryusong salita habang inilinga-linga nya ang kanyang mata sa paligid.

"Nakakahiya naman sayo Zach. Malaki narin yung inambag mo sa amin lalo na yung donasyon na ibinigay mo sa nabiktima. Kami nalang ang maghahanap ng paraan upang may matutuluyan kami." mahinahong salita ni Aaron sa kanya sabay lagay ng kanyang kanang kamay sa balikat ni Zach.

"Sos! Hindi ka naman mahiyaing tao Aaron. Ikaw yata ang pibakamakapal ang mukha sa mga taong nakilala ko. Wag nyo namang tanggihan tung offer ko sapagkat para naman ito sa kabutihan nyo. Bukas babalik ako dito upang sunduin kayo." si Zach habang hinawi nito ang kamay ni Aaron na nakapatong sa balikat nya.

Hindi narin kami pumalag pa kay Zach. Tutal para naman sa kabutihan namin tung ginawa nya kaya labis ang aming pasalamat sa kanya.

Ilang sandali pa ay nakapagdesisyon narin itong umuwi. Nagpaalam narin ito sa amin at bumitaw ng napakatamis na ngiti.

"Paalam Zach. See you tommorrow at salamat din pala sa binigay mong blessings sa amin." pasalamat at paalam ko sa kanya.

"Sos wala lang yun. Hindi ko kasi matitiis na nahihirapan ka." salita nito sa akin sabay bitaw ng matamis na ngiti.

"Nga pala Aaron iingatan mo tung kaibigan ko dahil hindi ako mapalagay kapag may nangyari sa kanya ng masama. At ingatan mo rin yung sarili mo." huli nitong sabi sa amin at binuhay ang makina ng kanyang kotse.

Tumingin ako ng bahagya kay Aaron. Aba! ngayon ko lang nakitang nakangiti ito habang namumula yung pisngi nya.

Umuwi narin ito sabay kaway ng kanyang kanang kamay para magpaalam gamit ang kanyang Everest na Black Emblem. Ito muna ang kanyang ginamit baka magkagulo naman ang mga tao dito kung yung lambourghini ang ginamit nya.

Buntong hininga nalang ang nabitawan ko habang nakatingin sa kanyang kotseng papalayo sa amin.

Binalita namin kay nanay ang sinabi ni Zach kanina. Tuwang-tuwa nga ito sa balita at hindi makapaniwala sa sinabi namin. Kaya ayun sinimulan narin namin ang pagligpit ng mga kagamitan.

........................
....................

Kinabukasan ay sinundo kami ni Zach gamit yung pick-up car nya. Gulat nga ang mga tao duon sa cover court dahil sa biglaang pagsulpot niya kaya ayun pinagkaguluhan sya sa mga tao na nandun. Marami ang nagpapicture sa kanya at ang iba naman ay nagpa-autograph.

Nang matapus naming ayusin ang mga gamit sa luob ng sasakyan ay sinimulan narin namin ang pagpunta sa sinabi nyang bago naming tirahan. Hindi nga kasya ang iba duon kaya nagpasyahan namin balikan ang ibang gamit.
Mangha at saya ang naramdaman ng kasama ko nang makita nila ang subdivision na tinutukoy ni Zach. Ang ganda kasi ng ambiance ng lugar at ang linis pa.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon