Chapter 60

1.9K 71 6
                                    

Ipinagdiwang ng aking magulang ang pagkikita namin ulit at isanama narin dun ang pagkapanalo namin sa interschool compitation. Kunting kasayahan lang ang inihanda namin dahil pili rin naman ang bisitang dumadalo sa nasasabing kasiyahan.

Imbitado sina Goerge at Fretz maging ang ilan kung mga ka-teamate sa basketball. Ganun din ang dati kung mga kasama sa manila ay imbitado rin.

Hindi din mawala ang naging pamilya ko dito sa cebu dahil hindi kompleto ang selebrasyon kung wala sila. Simpling handa lang ang prenepared namin pero subrang saya ko dahil lahat ng mga importanting tao sa buhay ko ay nandito.

"Congratulation Tyler!! Hanggang ngayon ay hindi parin kumukupas ang galing mo." nakangiting papuri ng dati kung coach sa manila.

"Salamat Coach. Alam nyo naman pong kayo ang dahilan kung bakit naging successful ang laro namin. Mabisa kasi ang mga teknik mong itinuro sa akin nuon." nakangiti kung salita sa kanya.

"Tama si Tyler coach. Isa ka talagang magaling at mahusay na coach na nakilala namin. Isang prebilihiyo sa amin ang maging miembro at estudyante niyo." sabat na salita ni kuya kay Coach.

Nakangiting tumango ang iba naming kasama nuon at hindi parin mawala ang papuri nito sa akin.

Sumasabay sa tugtug ang ibang besita habang umiinom ng wine. Nakangiti akong nakatingin sa kanila lalo na sa mga magulang kung ngayo'y masayang nag-uusap kasama ang dati nilang kaibigan. Hindi rin mawala ang tingin ko sa tatlo kung kaibigan na naghaharutan habang umiinom.

Umalis ako sandali at nagpasyahan munang magpahangin sa labas resort. Maganda talaga ang lugar at halos lahat ng pwesto ay pang-photo shoot talaga.

"Prisko ang hangin at maaliwalas ang buong karagatan. Ilang ulit narin akong pabalik-balik dito." mahinang sabi ng katabi ko kaya hindi ko mapigilang mapalingon sa kanya.

"Salamat at hindi mo akong pinigilang lumapit kahit marami akong kasalanang nagawa sayo. Alam mo ba? Nagsisi ako sa ginawa ko sayo nuon. Kung maibabalik talaga ang panahon ay matagal ko ng naitama." buntong hiningang salita nito.

"Ikaw si Kent. Na dati hindi ko gusto ang pagkatao mo. Halos lahat sayo ay kinamuhian ko. Nagagalit ako kapag naramdaman ko ang presinsya mo. Umiinit ang ulo kapag nakita kita pero nuong nakilala kita ng lubusan ay nagbago lahat ang pananaw ko sayo."

"Sabi ko nuon. Wala kang kwenta, isa kang duwag at walang selbi!! Panget ka at weird. Pero bakit? Bakit sa lahat ng nasabi ko ay kabaitan parin ang binigay mo sa akin. Nagkamali akong saktan ka dahil ang nasaktan ko pala ay mahalaga sa akin." emosyonal na sabi nito.

"Lahat ng mga iyon ay pinagsisihan ko. Walang araw na hindi ako nakalimut sa mga nagawa sayo nuon. Kinakabag ako sa konsensya ko at. at.. san.a mapa.ta.wad mo ako." pahinang salita nito.

Umiiyak siya?Kasi rinig ko ang bawat hingos nito at mahinang diing. Ayaw kung lumingon dahil ayaw kung makita ang reaksyon niya. Hindi parin ako umiimik at nakapokus parin ako sa malinaw  na dagat.

"Sampung taon ang nakaraan pero prisko parin ang ala-alang iyon. Naalala ko ang sinabi mo sa akin nuon na protektahan mo ako kahit sa maikling panahong nakasama kita. Takot ako sa dilim pero..pero lahat ng takot ko'y nawala dahil kasama kita sa mga oras na iyon. Ipinaramdam mo sa akin na hindi ako nag-iisa kaya simula nuong naghiwalay tayo ay subra ang pangulila ko sayo. Sa mahabang panahong iyon ay naging tagahanga ako sayo. Naging stalker ako at halos lahat ng pagkatao mo ay kilala ko. Nanalangin ako sa puong maykapal na sana bigyan ako ng pagkakataong makasama kita ulit kahit sa maikli lamang na panahon at iyon nga ay ibinigay niya. Ngunit ang panahon binigay niya ay sinayang ko dahil na.saktan na pala kita." emosyonal na sabi nito sa akin.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon