Chapter 41: Passionate Kiss

2.7K 96 13
                                    

*Tristan POV*

Puro nakaw tingin yung ginawa ko kay Kent habang kumakain ng pananghalian. Buti nalang hindi nya ako nahuli basta ang alam ko lang ay nais ko syang titigan ng matagalan.

Napaismid nalang ako ng nahuli nya akong nakatingin sa kanya. Tuloy nahihiya ako sa aking sarili dahil sa ginawa ko.

Tumayo narin ito dala ang kanyang kubyertos at plato. Pumunta sya sa sink at hinugasan ang mga ito. Sumunod ako sa kanya pero kaba at taranta yung naramdaman ko ngayon habang palapit ako sa kanya.

Napabuntong hininga nalang ako habang inilapag ko ang plato sa sink. Sinadya ko talagang idampi ang braso ko sa braso nya kaya nakaramdam ako ng ibayong saya at kakaiba. Para bang may elektrisidad na dumadaloy sa aking katawan at nagsiliaparang paru-paro sa aking tiyan. Sa kanya lang talaga akong nagkaganito kapag kaharap o malapit ako sa kanya.

Pero ang mas ikinabog ng aking dibdib ng tumingin sya sa akin. Mata sa mata kaming nagtitinginan pero hindi ko talaga sadyaing tingnan yung labi nyang mapupula.

Napalunok nalang ako habang nakatingin parin sa kanyang mapupulang labi. Pero sa hindi inaasahan ay bigla nalang nyang hinawakan yung tagiliran ng labi ko gamit ang kanyang hintuturo.

"May ketsup ka sa labi Tristan." pag-alalang sabi nito sa akin.

Namilog tuloy ang aking mata ng inilagay nya ang hintuturo sa kanyang bibig at kinain ang ketsup na galing sa labi ko. Pula pa sa ketsup yung mukha ko dahil sa ginawa nya.

Umalis narin ito at naiwan ako sa sink na tulala.





*Tyler POV*

Napangisi nalang ako ng makita ko yung reaksyon ni Tristan kanina. Tuloy pinulahan sya ng pisngi dahil sa ginawa ko.

Kaba ang naramdaman ko ng binuksan ang pintuan ni Tristan. Plano ko kasing linisin yung kwarto nya dahil wala na akong magawa pa. Kailangan ko lang ng tapang ng luob na harapin sya tutal nagawa ko rin namang papulahin yung mukha nya kanina.

Wala sya sa luob. Saan kaya sya nagpunta. Gusto ko lang sanang humingi ng pahintulot sa kanya kung okey lang ba na maglinis ako dito.

Tumingin ako sa iba pang pintuan ng kwarto nya. Nakabukas ito kaya nagpasyahan kung pumunta duon. Ilang hakbang nalang upang marating ko yung trangkahan ay may narinig akong mahinang tawa.

Nang naluob ko na ang kabuohang kwarto ay duon ko natanto na tutuo ang sinabi ni Fretz. Napalibutan ito ng mga figurine ng mukha ko at mga ilang litrato na nakasuot ako nang sport attire. Nakatarpauline rin yung litrato namin na minsan na ipinakita ni Fretz sa akin sa kanyang cellphone. Nakaakbay sya sa akin habang abut tinga itong ngumiti.

Likod lang ang nakita ko sa kanya pero randam kung may hinahawakan sya na bagay dahil napayuko ito. Ilang sandali pa ay lumingon ito habang hawak nya ang isang bagay na binigay ko sa kanya nuong bata pa kami.

Ang bagay na nagpaalala sa akin na nandito lang ako para sa kanya at poprotektahan. Bagay na hindi ko kinalimutan kailanman kundi ang sing-sing.

"Anong ginawa mo dito?" nagtatakang tanong nya sa akin.

Napipi ako at hindi makapagsalita. Pero ang mas ipinagtaka ko ng pabaling-baling ang kanyang tingin sa mukha ko at sa mga pigura ko sa bubong.

Tika! Namukhaan na nya ba ako? Hindi maari to. Bakit ba kasi ako pumunta dito?

"Ngayon ko lang napatanto na magkamukha pala kayo. Sino ka ba Kent? Bakit magkamukha kayo?" seryusong salita nito habang humakbang ito papunta sa akin. Napaatras nalang ako at naisandal ang aking likod sa bubong.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon