Chapter 46: His Talent

2K 80 8
                                    

Tristan POV

Pagud at pawisan kami habang nakikinig sa mga pangaral ni coach. Malapit narin kasi ang interschool competition kaya tudo ang insayo namin sa basketball.

"Pre, napansin ko lang. Kanina ka pa kasi aligaga tas hindi gaano kaayus ang laro mo. May problema ka ba?" pag-alalang tanong ni Goerge sa akin.

Nahalata pala nila ang walang ganang laro ko kanina. Palagi kasi akong pinagalitan ni coach dahil puro violation daw ako.

"Wala kasi akong tulog kagabi pre" pagsinungaling na dahilan ko.

Hindi kaya nagseselos ako dahil sa nakita ko kanina? Bakit ba kasi ginulo niya ang sistema ko? Siya kasi ang dahilan kung bakit wala ako sa wisyo kanina habang naglalaro. Palage kasi ang mukha niya ang rumrehistro sa utak ko.

Tumigil sa pagsalita si Coach nang dumating ang taong hindi ko inaasahan. Nakangiti ito habang kinakausap si coach. Lahat ng atensyon namin ay nasa kanya at tahimik na nagmamasid sa bawat galaw na ginawa niya.

Ilang sandali pa ay nakuha narin niya ang pakay nito at sinimulang edribble ang bulang hawak niya. Tatlo silang maglalaro kasama ang isa pang kaibigan ni Kent. Nadun rin ang magandang babaeng biglaang sumulpot kanina sa klasrom namin.

Ilang sandali pa ay pinasa ni Zach ang bulang hawak niya kay Kent. Subrang lakas ang pagpapasa niya pero mas namangha ako dahil sa ipinakitang bilis sa pagsalo ni Kent. Ang husay ng agility niya na para bang magaling siya sa laro ng basketball.

Sinimulan niya ang tamang pagdribble at hinagis ang bola papunta sa ring pero hindi ito nakaabut. Tuloy pinagtawanan siya ng mga kasama ko dahil sa maling pag-shoot niya.

Pero hindi parin kumukupas ang ngiti niya at ipinagpatuloy ang laro. Umupo muna ang dalawa niyang kasama at hinayaan siyang maglaro muna.

Nagsalita ulit si Coach upang ipagpatuloy ang nasimulan niyang pangaral sa amin. Nabaling narin ang atensyon nang iba kung kasama kay coach pero nakatuon parin ang atensyon ko kay Kent pati narin ang dalawa kung kasama na sina Goerge at si Fretz.

Malapitan ang pagshoot ang ginawa niya at lahat na iyon ay na-ishoot niya. Hanggang sa lumayo ito at lahat nang bulang naitapon niya ay hindi nasayang dahil ang lahat ay naipasok niya sa ring. Naging tahimik kami ulit at yung atensyon ng kasama ko pati si coach ay nakatuon ulit kay Kent.

Mas lumayo ito at nasa kabila siya nang korte. Dahan-dahan ang pagdribble niya at mabilisang hinagis niya ang bolang hawak niya papunta sa ring. Impossibleh!! Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Ang galing niya at nai-shoot niya ang bola kahit subrang layu niya sa ring.

Napanganga lahat yung kasama ko pati narin si Coach. Nakatayong nakatunganga si Goarge habang pinagmasdan bawat galaw ni Kent. Pati rin si Fretz na hindi makapaniwala sa nakita niya.

Malakas ang palakpak ang iginawad nang mga kaibigan niya. Nakayakap sa kanya si Angela habang ang dalawang kaibigan nito ay nakangiting nakatingin sa kaniya.

"Ang galing mo parin. Hindi kumukupas ang galing mo Kent." hangang salita ng kaibigan ni Kent sa kanya.

"Okey ganito ang gagawin natin. Since tatlo lang tayo dito kaya isa sa atin ang dedepensa sa sarili . Dahil sa ipinakitang galing ni Kent kanina ay tayong dalawa ang kakalaban sa kanya" nakangising salita ni Zach habang si Kent naman ay hindi parin mawala ang ngiti nito.

"Hoy Angela!! Ikaw ang scorer!!" pasigaw na salita ni Zach sa babaeng kasama nila. Tango rin lang ang sagot nito.

Nagsimula silang maglaro at dahil nag-iisa lang si Kent kaya sa kanya ang bula. Maganda ang pinakita niyang galaw at matindi ang depinsa niya sa kalaban. Ang galaw niya ay pamilyar sa akin kaya namumutawi sa akin ang pagtataka at pagmamangha.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon