Note: Hindi pa na-edit
*Tyler Pov*
Dalawang araw narin ang nakaraan buhat nung sinabi ni Tristan na hindi nya kayang ang pag-iwas ko sa kanya. Kailangan ko munang iwasan sya dahil gusto kung paghilumin ang mga sugat sa dibdib na natamo galing sa kanya. Siya kasi ang dahilan kung bakit nawala yung kompyansa ko sa sarili at ang pagbaba ng self-esteem ko.
Hindi narin ako lumapit sa kanya. Kahit imik man lang hindi ko rin magawa. Puro yuko lang ang aking ginawa kapag nakita ko sya. At kapag may tanong sya wala akong sagot kahit tango man lang.
Punagtabuyan nya ako at sinaktan na para bang basura sa kanya. Wala akong ibang hiniling kundi maging kaibigan sa kanya pero puro sakit lang ang aking natamo ng iparamdam ko sa kanya na hindi sya nag-iisa. Ang sakit kung iisipin na ang taong binigyan mo ng halaga ay siya rin ang dahilan kung bakit nagkawatak-watak ang aking sarili sapagkat ipinamukha nya akong walang kwenta, basura na nagpababa sa pagkatao ko.
Sabihin man nyang pipi ako, tanga, bingi at kahit anung sumbat ang maririnig galing sa kanya ay tatanggapin ko pero wala na syang maasahan pa na babalik yung dating ako.
"Oi diba sya yung bakla na nagtrending sa facebook. Aba te ang lupit! May nanalo na"
Hindi ko alam kung sino ang pinarinig nila. Marahil yung tao na nasa likod ko na nakaaunod sa akin. Nandito kasi ako ngayon sa passageway naglalakad papunta sa first subject ko.
Nakaramdam ako ng kakaiba sa mga taong nakasalubong ko dahil sa titig nilang hindi ko maintindihan. Ganun din ang mga umupo sa tabi-tabi na para bang sinuyod nila ang kanilang tingin sa buo kung katawan.
"Ai oo nga pala. Yan, yang mukha na yan ang nagtrending sa facebook. Eeww... Ang dali nyang ma-fall, sa bagay bakla kaya napa-oo kaagad. Sino kaya ang susunod na biktimahin ng weird na bakla na yan." napalingon nalang ako dahil duon sa sinabi ng babae. Nakatingin sila sa banda ko habang patuloy sa pagchichismisan. Pinagpatuloy ko lang ang paglakad baka iba yung pinaringgan nila.
Lakad takbo ang ginawa ko papunta sa room. Alas 8:30 narin kasi kaya nagmamadali ako. Nang nakarating ako sa room ay nagtataka ako sa tingin ng mga kaklase ko. Ang iba ay ngumisi na para bang may ipahiwatig pero hindi ko narin inintindi kasi sanay na ako duon.
Umupo narin ako katabi ni Tristan. Alam kung nakatingin na naman ito sa akin kaya hindi mawala ang ilang kapag katabi ko sya. At mukhang wala pa yata si Fretz. Bakante kasi ang katabing upuan nito.
"Magandang umaga bakla! Yaks ikaw pa yata ang pinatulan ni Fretz na may lawig katulad nya. May nalaman kapang pahalik-halik sa kanya."
Inangat ko ang aking mukha upang tumingin sa higad na babaeng kaklase ko na nasa harapan ko ngayon. Ano yung pinagsasabi nya. Hindi ko gets.
"Alam mo ba umabot na yata ng 10 k yung likes ng pinost ni Fretz kagabi. Ang dali mo namang ma-fall." dagdag sabi nito sa akin kaya naguluhan ako dahil duon.
"Gusto mo bang makita yung pinost nya e pati nga sa University Confession and Memes pinost din nya doon. Ang sikat mo na girl. Ayan oh! Tingnan mo." dagdag sabi nito sa akin at ipinakita nya ang mga pinost ni Fretz.
How to make an Ugly Gay do full in love on me in just 12 days? Ito yung ginawa ko para mahulog sya sa akin.
Day 1
When I meet him or her. Inakbayan ko ito habang mariin akong nakatingin sa kanyang mga mata.
Picture HERE ----------→
Day 2
Sinandal namin ang aming mga sarili sa puno ng narra sa mini-park ng unibersidad. Dito inamin nya na nahuhulog daw sya sa akin nung una pa daw nya akong nakita.
BINABASA MO ANG
Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)
RomanceHis ultimate crush pala ang kanyang sinaktan. Ano kaya ang reaksyon nya kapag malaman nya na ang binully at sinaktan nya ay ang idol pala nya. Tunghayan ang esturya nina Tristan at Tyler na magpa-iyak sa inyo at magbibigay leksyon. The Secret Billi...