Chapter 8: Meeting with Mr. Suplado

4.3K 128 0
                                    

TYLER POV

Hindi ako mapalagay sa araw nato. Ang dami kasing nangyaring hindi maganda.

Nandito ako ngayun sa cashier area upang magbayad sa mga binili ko. Ang haba kasi ng pila kaya natagalan ako. At isa pa natagalan rin ako sa paghahanap sa school supply section dahil hindi narin ako nagtatanong pa sa mga taong nakasalubong ko sa mall baka susupladuhan na naman ako.

Ika-tatlo ako sa nakapila. Gumagaan ang aking pakiramdm dahil sa hinaba-haba ng pila ay ako narin sa wakas. Pero nanlaki ang aking mata dahil may lalaking biglaang uminsert sa harapan. Kilala ko ang taong ito. Si Tristan!!

"Bro!! Madami pang nakapila. Ilang minuto narin kaming nakapila dito kaya pumila karin sa likod. First come! First serve po ito." ngiting sabi ko sa kanya.






Hindi umimik si Tristan bagkus ipinagpatuloy niya ang ginawa nito. Tiningnan ko ang mga tao sa likod at tyanya ko ay kaidad ko lahat ang pumila.

Wala akong nakitang pag-iinip sa kanilang mukha at kusang pinabayaan lang nilang pumila ito.

Kita ko rin sa kanilang mukha ang kagalakan at kasayahan ang makita ang lalaking dati kung niligtas. Pero hindi kasi maganda ang ginawa niya. Nawala ang pagiging professional niya.

"Bro! Umalis ka dito dahil kami ang nakaunang luminya. Maawa ka naman sa amin!" buntong hiningang salita ko sa kanya.

Humarap siya sa akin at mariin akong tiningnan. Sa luob ng sampong taong huli kaming nagkita ay malaki ang pinagbago niya. Mas lalo itong gumwapo at tumangkad narin. Ganun parin ang hugis ng kanyang mukha. Medyo maangas narin ang dating niya kumpara nuon.

"Kilala mo ba ako?"nakamulsang sabi nito at madiin ang kanyang pagtingin sa akin.

Tango ang naging sagot ko sa kanya. Pero hindi kasi maganda ang ginawa niya kaya pumalag ako.

"Bro! Bastos lang kasi ang gumagawa sa ginagawa mo ngayon. Hindi rin naman kasi maaring basta-basta lang po kayong uminsert at hindi dumaan sa tamang proseso. Matanong ko sayo!! Señor Citizen kaba? O Person With Disability? Kung isa po kayo duon ay ikagagalak kung paunahin kita."
ngiti kung sabi sa kanya.

Galit siya basi sa ekspresyong binitawan nito. Blankong mukha ang ipinukol ko sa kanya at walang takot na tiningnan ito.

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang nakasunod sa akin na may pagtataka sa kanilang mga mukha. Hala ka! mukhang kinampihan nila ang mukong.

"Really? I dont care!!" ikling tugon nito.

I stare him blankly. Walang kaemosyong hinayaan ko ang pagtitig niya sa mukha ko. Subrang laki ng pinagbabago niya. Ito pala ang tutuo niyang ugali.

"Bakit hindi ka makapagsalita dyan? Bingi ka ba? O gusto mung ulitin ko para marinig mo!!" diing sambit nito sa akin.

"Hmmm! Wala rin naman akong masabi pa pero sige continue what you doing. But ito lang ang masasabi ko sa pagkatao mo! You're unprofessional!!" ngising sabi ko sa kanya.

Pinalikahan niya ako ng mata. Tanging ngiti lang ang pinukol ko sa kaniya kahit subrang galit na ito.









"Sir, kayo na po." sabat na salita ng cashier.

Inilapag ni Tristan ang mga binili nito. Nagtatakang nakatingin sa kanya ang kahera kaya kibit balikat din itong nakatingin sa kanya.

"Pasinsya na po kayo sir. First come! First serve po ang pina-follow namin dito. Pumila po kayo sa likod kasi kanina pa nakapila ang mga taong nasa likod nyo." nakangiting salita ng kahera.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon