Chapter 43: B-F in Action

2.9K 120 54
                                    

UNEDITIED

TYLER POV

Hindi ako pumasok sa oras na iyon. Gusto ko munang ipahinga ang aking sarili kaya tumambay muna ako sa parke ng paaralan at isinandal ang aking katawan sa puno nang narra na isa sa mga paboritong kung lugar na tambayan.

Nakapagod pala kung puro ka takbo at hindi ipinaglaban ang sarili sa pangungutya nang iba. Nakabakot isipin na ako pala ang katawa-tawa dahil hinayaan ko ang sarili na saktan nila. Ilang pagkataon narin akong umiyak dahil sa isang tao lamang at sa tingin ko'y walang halaga iyong pinangako ko sa kanya nuong mga panahong tinulungan ko sya.

Kailangan ko naring baliin iyon at magsisimulang baguhin narin tung sarili ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata at bumuntong nang malalim na hininga. At ilang sandali pa ay hindi ko namanlayan na nakatulog na pala ako

..........
......

Naalimpungatan ako sa pagkaidlip dahil may narmadaman akong kakaiba. Parang uminit ang mukha ko dahil sa hangin na dumapi nito.

Inimulat ko ang aking mga mata at duon ko natanto na hindi pala ako nag-iisa. Kita ko ang mukha ng isang taong kailanma'y hindi nya kinalimutan ang pagiging magkaibigan namin. Inilayo nya ang kanyang mukha na subrang lapit sa akin.

"Anong ginawa mo dito?" gulat na tanong ko sa kanya.

Tiningnan ko ang buong anyo ng taong nasa harap ko ngayon. Napakagwapo nya sa suot nitong uniporme at nababagay rin sa kanya ang buhok na maayos na pagkasuklay. Hindi parin nagbago ang kanyang kagwapuhan at kakisigan.

Pero ang ikinabigla ay iyong suot nya ngayon. Bakita naka-uniporme sya? Ibig bang sabihin nito, dito sya mag-aaral.

"Kanina ka pa ba dito?" tanong nya sa akin sabay bitaw ng magandang ngiti.

Tango lang aking sagot habang tulala parin ako na nakatingin sa kanya.

"Bakit ka natulala dyan? Alam ko namang gwapo ako kaya hindi maiiwasang pinapantasyaan mo na ako ngayon" birong sabi nito sa akin sabay bitaw ng mahinang halakhak.

"Ulol! Hindi kita pinapantasyahan noh.. Nagtataka lang ako kung bakit nakauniforme ka." sagot ko sa kanya.

"Of course, mag-aaral ako dito. Di mo ba gusto iyon na may partner kana sa kalukuhan mo. Ikaw yata ang pinakatusong kaibigan na nakilala ko nuon. Ang baliw mo kasi at yung kabaliwan mo ang humawa sa akin" dagdag sabi nito.

"Di nga! Mas ikaw yung baliw. Ako yata iyong nahawaan sa kabaliwan mo nuon." nakangisi kung sabi sa kanya at tumayo narin.

"Oo na! Oo na! Nanalo ka na! Baliw ako. Baliw ako sayo." birong sabi nito.

Napaismid nalang ako dahil sa sinabi ny pero hindi ko nalang inintindi iyon dahil alam ko naman hangin din ito minsan si Zach....

Pareho din pala kami ng load ni mukong. Sabi nya kasi gusto daw nya akong makasama dahil namimiss na nya ang pangungupya kaya ayun lahat yata nang asignatura nya ay katulad sa akin.

Matagal pa daw syang babalik sa manila dahil may aasikasuhin pa daw sya dito. At dito muna sya mag-aaral hanggang tapus na yung inaasikaso nya.

Naglalakad kami papunta sa susuond na klase namin. Hindi maiiwasan na panay sulyap ng mga ka schoolmate ko dahil sa aking kasama. Tila ba'y hinuhusgaan na nila ako basi sa tingin nila.

Patuloy kaming naglalakad habang tung kasama ko panay salita. Tawang tawa sya habang inaalala yung mga kalukuhan na ginawa namin nuon. Nakitawa nalang ako habang nakaakbay parin ang kaliwang braso nya sa balikat ko.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon