TYLER POV
Ilang oras din akong nakabantay dito sa room kung saan na-confine si nanay Mig. Hindi parin ito gumising kaya labis ang pag-alala ko sa kanya. Ganun din si Aaron at kanina pa ito paikot-ikot sa room.
Ilang minuto rin ang nakaraan ay dumating sina tatay Endring kasama ang dalwang anak nila. Buti nalang nakapasok sila dahil dalawa lang kasi ang pweding bumisita sa pasyente.
"Kumusta ang kalagayan ni Inay? Pambihira! Hindi sana mangyari ito kung hindi niya kinuha ang karton na yan!" ngiyak-ngiyak na salita ni kuya Jetro habang itinuro ang maliit na karton.
"Baka importanti yan kaya binalikan niya. Buti nalang hindi malaki ang sugat na natamo ng nanay niyo. Ipagdasal nalang natin siya sa mabilisang pagaling niya." alalang salita ni tatay Endring habang hinihimas ang buhok ng asawa niya.
"Tama ka tay! Mabuti naman ang kalagayan ni nanay ayun sa nurse kanina. Medyo magmamaga lang ng kunti ang sugat niya na natamo sa sunog. Wag kayong mag-alala! Malakas si nanay at alam natin yun." ngising salita ko sa kanila.
Tango ang naging sagot nila. Nawala ang pag-alala nila dahil sa sinabi ko.
"Gising na pala si nanay" masayang balita ni Ate Mergie sa amin.
Nabaling ang atensyon namin kay nanay Mig. Yamot itong nakatingin sa amin lalo na sa asawa niya.
"Para kayong namatayan sa itsura nyo. Ang sarap ng tulog ko pero inisturbo niyo ako. Kainis naman! Ang ingay kasi ninyo." natatawang sabi nito sa amin.
"Sa kondesyon mo na yan may gana ka pang magbiro. Bakit mo ba kasi binalikan ang karton na yan? Pina-alala mo kami Honey Pie! Kung nasunog ka ng tuluyan baka letson kana ngayon." banat na salita ni Tatay Endring sa kanya.
"Tay! Wag mo namang pagalitan ang honey pie mo! Baka magtatampo yan!" ngising salita ni kuya Jetro sa ama niya.
"Honey Pie? Wow!! Infairness lumelevel-up na ang asawa ko. Diba nuong isang araw apple pie tapus kahapon Cherry Pie. Ngayon naman Honey Pie. Umalis nga kayo sa harapan ko ang init. Paypayan mo ako Endring!" banat na salita nito kaya di namin mapigilang tumawa sa sinabi niya. Nakitawa rin ang kasama namin sa luob kaya naging maingay ang ward dahil sa amin.
"Ikwento mo naman sa amin ma ang buong pangyayari ! Para mahimashimasan rin kami kahit kunti. Medyo may kunti pa kaming katanungan bakit dumating ka sa puntong ito." seryusong salita ni Ate Mergie sa kanya.
"Ganito kasi yun! Nuong mga panahong nasunog na ang mga kabahayan ng Ermita ay labis akong nag-alala sa kagamitan natin lalo na ang mga papeles gaya ng marraige contract namin ng papa mo at iba pang mga importanteng documento na kailangan kung kunin. Nang linuob ko ang bahay natin ay wala akong kamuwang-muwang na sinukob na pala ng apoy ang ating bahay at mas lalong kumapal ang usok sa loob ng kwarto kaya hindi ko mapigilang ma-sophiscate at mapaso." mahabang salaysay nito.
"And then!" sabat ni tatay Endring sa kanya.
"Karga ko noon ang isang karton at duon nakalagay ang mga importanteng dokumento natin. Nang lisanin ko ang bahay ay hindi ako makapahinga dahil narin sa usok. Akma na sana akong lumabas ng bahay ng biglaang naging maitim ang aking paningin at syang dahilan ng pagkawalang ulirat ko." salaysay nito sa amin at tumingin ito kay Aaron na nakangiti.
"Anak ikaw ba ang nakakita sa akin?" tanong nito kay Aaron na ngayoy nakikinig sa kanya.
"Upo ma kasi nong nabalitaan kung may sunog sa lugar natin ay madali akong pumunta sa bahay. Nakita kitang nakahandusay sa luob kaya humingi ako ng tulong sa kapitbahay natin. Buti nalang nandun si kuya Paterno at si tatay Angki kaya binuhat ka nila habang ako ang nagdala sa kartong akay-akay mo.
Hindi ko sana iyon pulutin dahil bakas sa akin ang takot sa sarili na baka masunog rin ako ngunit napaisip ako na baka iyan ang dahilan kung bakit nangyari sayo ito. Kaya ayun kinuha ko nalang din." paglalahad ni Aaron nangyayari.
BINABASA MO ANG
Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)
RomanceHis ultimate crush pala ang kanyang sinaktan. Ano kaya ang reaksyon nya kapag malaman nya na ang binully at sinaktan nya ay ang idol pala nya. Tunghayan ang esturya nina Tristan at Tyler na magpa-iyak sa inyo at magbibigay leksyon. The Secret Billi...