TRISTAN POV
Magkalipas ang ilang araw ay hindi ko na nakausap pa si Kent. Nahihiya kasi akong lapitan siya dahil sa mga nagawa kung kasalanan sa kanya nuon.
Hindi parin nagbago ang reaksyon ko kapag nakita siya. Mas lalong tumindi ang pagnanasang maka-usap siya pero nabalot ang aking sarili sa hiya. At mas lalong tumindi ang pagkabog ng aking puso kapag nakita ko ang presinsya niya kaya naguguluhan ako kung bakit ganito ang naramdaman ko.
Naiinggit ako kay Zach dahil siya ang palaging kinakausap niya. Nainggit ako dahil nakita kung masaya siya kasama ito na hindi ko nagawa nuon. Ang tanga ko!! Ang tanga ko talaga... Wala akong kwentang tao dahil nasaktan ko siya.
Kabaliktaran lahat ang sinabi ko sa kanya nuon. Mga salitang tagus-pusong nagpasakit sa kanya.
"Wala kang Kwenta!!"
"Ang panget mo! Weirdo!!"
"Tanga!!Bubo!! Bakla!!"
"Wala kang talento! Pulubi!"
Ang mga katagang yan ay pilit kung kinalimutan pero nasabi ko na. Nasaktan ko na siya at huli na ang lahat dahil tinapakan ko na ang kanyang pagkatao. Pinagsisihan ko lahat ang nagawa ko sa kanya.
Tama!! Galit ako sa mga taong weirdo!! Galit ako dahil sa mga nakaraan pilit kung tinatakasan. Sila ang sinisi ko dahil biktima ako sa karahasang muntik na kumitil sa akin at sa taong nagpahalaga sa akin. Pero nagbago ang pananaw ko dahil sa kanya. Kahit ilang besis ko siyang nasaktan ay ipinakita parin niya sa akin ang pagpahalaga at hindi ako nag-iisa.Nang dahil dito ay nakita ko ang katauhan niya sa taong hinahangaan ko hanggang ngayon.
......
.....Ilang araw naring binitawan niya ang posisyon bilang assistant nang aking ina kaya labis itong ikinalungkot ng aking ina dahil naging mabuti itong student assistant kahit sa maikling panahong paninilbihan nito.
Sinisi ko ang aking sarili sa pagbitiw niya baka kasi ako ang dahilan kaya biglaan ang pagresign nito.
"Anak! May problema ka ba?" biglaang tanong ng aking ina.
Maganda ang suot ng aking ina ngayon. Bagay sa kanya ang eliganteng dress at chignon hairstyle. Birthday kasi niya kaya pinaghandaan niya ang araw na ito.
"May inaalala lang po ako mom" pilit na ngiti kung tugon sa kanya.
"Malungkot ka kasi anak kaya naitanong ko. Ilang araw ka na kasing ganyan." pag-alalang salita nang ina ko.
"Sa tutoo lang po mom ay sinisi ko ang aking sarili kung bakit biglaan ang pagresign ni Kent. Baka ako ang dahilan kaya umalis siya." malungkot kung salita sa kanya.
Napabuntong hininga siya at tinabihan ako sa pag-upo.
"Ang dahilan kung bakit bumitiw siya ay gusto daw niya munang magpahinga. Hindi daw niya kayang pagsabayin ang pag-aaral at pagtrabaho kaya nakapagdesisyon siyang bumitiw bilang student assistant ko. Nasabi rin niya na aalis siya at duon ulit ipagpatuloy ang pag-aaral sa manila" nakangiting salaysay ng aking ina. Nabigla ako sa sinabi niya.
Hindi maari!! Aalis siya?
Naguguluhan ako sa rebelasyong na binitawan ng aking ina. Sari-saring emosyon ang bumabalot sa katauhan ko at dumoble ang kalungkutang bumabalot sa aking sarili. Hindi ko mapigilan ang sarili kaya tinakpan ko ang aking mga mata upang hindi makita ng aking ina ang biglaang pagluha ko.
Bakit ang lungkot ko? Bakit subrang sakit? Siguro kung bakit gusto niyang umalis dahil sa mga mapait na karanasan niya dito na gawa ko. Gusto kung bumawi. Gusto kung itama ang kamalian ko pero hindi ko magawa dahil aalis siya.
BINABASA MO ANG
Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)
RomanceHis ultimate crush pala ang kanyang sinaktan. Ano kaya ang reaksyon nya kapag malaman nya na ang binully at sinaktan nya ay ang idol pala nya. Tunghayan ang esturya nina Tristan at Tyler na magpa-iyak sa inyo at magbibigay leksyon. The Secret Billi...