Billionaire

18.6K 312 9
                                    

TYLER POV


Sikat, hinahangaan at pinagpantasyahan. Katangiang mula nou'y meron ako. Bata palang ako ay marami na ang humahanga sa akin. Hindi naman sa ipinagyayabang ay magaling ako sa larangan ng basketball maging sa iba pang sport.

Nabuhay ako sa karangyaan dahil simula nuong ipinanganak ako ay mayaman na talaga kami. Anak lang naman ako ng isa sa pinakasikat na business tycoon nang buong bansa maging sa asya. Pero ang lahat ng karangyaan meron ako ay hindi ko ikinasaya dahil mula nuo'y hindi ko nakita ang karangyaan ng pagmamahal nang aking ama.

Miguel Pielago ang pangalan ng aking ama. Pagmamay-ari niya ang paaralang pinapasukan ko at mga malalaking infrastraktura sa makati. Pagmamay-ari din niya ang isa sa pinakamalaking mall sa buong bansa at mga ilan pang sikat na kainan (foodchain).


Kinakatakutan siya ng lahat maging sa kalaban niya sa negusyo. Estrikto ito pagdating sa trabaho maging sa palakaran ng kanyang negusyo.

Chad Demien Pielago-ang kapatid kung hambugero. Bata pa lamang ito ay palaaway na at lakwatsero. Wala kaming magawa sa kanyang pagkatarantado dahil ang katangian niya'y namana sa ama kung ugaling demonyo.

Gwapo rin siya katulad ko. Pero maraming natatakot sa kanya dahil sa ugali nitong di-makain ng aso. Takot sa kanya ang ilang estudyante sa paaralang pinapasukan ko dahil sa trono nitong "Hari ng angas" at "Dakilang Tuso".

Pero kahit masama ang ugali nila ay mahal ko sila. Hindi man nila ipinakita ang kahalagaan bilang kapatid at bilang anak nila ay hindi parin mai-wawaksi na kadugo ko sila.

Nagpasalamat parin ako dahil meron akong mabuting ina. Siya ang tagpayo at tagapag-ligtas sa akin. Subrang bait niya taliwas sa katangian ng aking ama at nag-iisa kung kapatid. Siya ang naging sandalan ko nuong mga panahong para sa akin ay "dapi't hapon".

..............
..............


Nagmamadali ako dahil may klase ako sa philosophy. May insayo kasi kami sa basketball kaya medyo nahuli ako sa klase. Malapit narin kasi ang interschool compitation kaya tudo ang praktis namin.

Nang marating ko ang silid ay hindi maiwasang ilangin ako sa tingin ng aking mga kaklase. Ang lagkit nilang makatitig pero hindi ko iyon iniinda sapagkat ipinagpatuloy ko ang pagpasok papunta sa upuan.


"Bakit ang tagal mo? Kanina pa kami naghihintay sayo. Ikaw nalang ang kulang. Buti nalang mabait si mam kaya pinagbigyan ka. Sayang rin naman kasi ang score mo kapag di mo maisali ang panghuli nating pasulit ngayong semester." alalang salita ng katabi ko habang ibinuklat ang test paper na hawak niya.

Ibinaling nito ang tingin sa isa ko pang katabi habang bumitaw ng masamang tingin. Bungisngis na nakatingin sa kanya si Zach kaya mas lalong nadagdagan ang kasungitan ni Angela.


"Don't stare me like that Mr. Zacharrean Pielago!! Naasar ako sayo." sumbat nito kay Zach.

Nakangising nakatingin si Zach sa kanya. Basi sa ekspresyon nito ay inaasar niya ang babae kung kaibigan.




"Really? hahah... Mas naasar ako sa mukha mong halos pumuputok na dahil sa laki! Maganda ka sana Angela kaso lumulubo na ang katawan mo. Magbawas ka nga ng sibo.." irap nitong salita kay Angela kaya mas lalo itong nainis.


"Kumusta yung pag-amin mo kanina Angela? Nabalitaan kung nasupalpal karaw ni Tristan. Pambihira!! Nakakahiya naman. Akalain mo sa ikalabing walong pagkakataon pag-amin mo sa kanya. Wa epic parin!! Hahhah" natatawang salita ni Zach kaya hindi mapigilang maibato ni Angela ang hawak nitong ballpen sa kanya.



"Mamaya ka sa akin Zach. Sisiilin kita ng sakal hanggang sa mamatay ka!!" pikon nitong sabi kaya napalingon sa amin iyong iba naming kaklase pati ang guro namin. Lakas kasi ng boses ni Angela.


"Could you please keep quite Angela!! Umaabot ang baho ng hininga mo sa harapan. Zip your big mouth or else I will confiscate your tespaper" sumbat ng guro namin kay Angela. Tuloy tinawanan siya ng mga kaklase ko.


"Sorry po mam" mahinang salita nito habang galit na lumingon kay Zach.

Napangiti nalang ako sa kulitan ng dalawa. Simula kasi nuong highschool kami ay naging magkaibigan na kaming tatlo. Sila iyong tipong kaibigan na hindi nakakasawang kasama.

Bata palamang ako ay kilala ko na si Zach. Mahilig din siya sa sport pero nahihirapan siya sa basketball. Ilang ulit ko narin siyang tinuruan pero hindi parin ito natuto kaya tumigil na ako sa pagtuturo sa kanya.

Mahilig itong mangolekta ng sasakyan. Sa tingin ko ay siya ang nag-iisang tao sa bansa na nag-aari ng isa sa pinakamahal na sasakyan sa buong mundo. Ang yaman rin naman kasi nila at nag-iisa siyang anak kaya ayun nabibili niya kung anong gusto niya.



Si Angela naman ay anak rin ng isang kilala na doctor sa lalawigan namin. Nag-iisang anak rin siya kaya di rin maiwasang mabili niya ang mga pagkaing gusto niya. Malaking babae si Angela. Sa tingin ko umaabot ng dalawang daang pounds ang katawan niya.


Simula highschool ay humahanga na ito sa kapatid ko. Subrang baliw niya kay chad at halos gagawin niya para mapansin ito. Eyhh kahit ilang besis siyang bastosin ni Chad ay hindi parin ito tumigil sa pagsuyo dahil sa tindi ng pagnanasa niya sa kapatid ko.


My life was full of chios pero dahil sa mga taong naging importante sa akin ay patuloy parin akong nakikibaka kahit hindi ako sigurado kung saan ako dadalhin ng tadhana.











=============

Paunawa:

Ang esturya na binabasa niyo ay maraming mali. Sana maunawaan niyo dahil hindi po ako perpektong manunulat.



ITUTULOY

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon