TYLER POV
Ilang ulit kung inuunanat ang lukot-lukot kung uniformi. Hindi parin nagbago ang itsura ng sinuot kaya ilang besis kung kinapa at hinimas ang nadumihan kung uniformi.Bwesit na Tristan na yan? Kung hindi lang sana niya ginawa yun kanina. Hindi sana ito mangyayari. Nakakabadtrip naman!
"Hyst!! Anong nakain ng tarantado na yun bakit biglaan niya akong hinubaran. Kung nagtrip siya bakit sa ganun pa na paraan." maktol kung salita sa katabi ko.
"Mas lalong lumalala ang trip nya sayo Kent. Pati ba naman uniformi mo pinagdiskatsahan niya. Hahahha... Buti nalang may tinatago kang pandesal kaya napahiya siya." ngising salita niya habang linagok ang bottle water na hawak niya.
"Ganun ba talaga siya mang-trip sa mga taong binubully niya nuon? Subra na siya!! Ang sama talaga ng ugali ng tarantadong iyon!" diing sabi ko sa kanya.
"Sa palagay ko. Sayo lang niya ginawa iyon. Medyo iba ka sa mga pinagtripan niya. Palaban ka kasi kompara sa mga binubully nya nuon. Yan nga ang nagustuhan ko sayo dahil masyado kang madaldal at walang inuurungan." ngising salita niya.
"Natatakot nga ako minsan sa mga sinasabi niya. Mas lalo siyang naging masama kumpara nuong mga nakaraang araw. Tuloy hindi ko maitanggol minsan ang sarili ko dahil ayaw ko kasing kalabanin siya lalo na't maliit lang ang kanyang pasinsya." pag-aamin ko sa kanya.
"Maliit lang talaga ang pasinsya niya Kent. Kung hindi lang talaga mataas ang pasinsya ko baka hindi kami magbestfriend ng kumag na iyon." ngising salita niya.
"Maiba nga! Hindi ba nagagalit si Tristan sayo sa tuwing sasama ka sa akin? Baka kasi magseselos siya dahil nahati ang atensyon mo sa akin." kiringking kung tanong sa kanya.
"Hi.ndi naman. Wala kasi siyang paki.alam kung sino ang gusto kung kaibiganin." utal na salita nito sa akin.
Umalis narin kami. Wala narin kasi kaming klase kaya nag-paalam na sa akin si Fretz dahil may pupuntahan daw siya.
Napagdesisyunan kung pumunta sa opisina ni mam Cha. May sasabihin daw kasi siya sa akin kaya pumunta ako sa opisina niya. Buntong hininga ang binitawan ko ng pumasok sa luob ng opisina ng guro."Oi nandyan ka na pala Kent? Nga pala may sasabihin ako sayo." ngiting salita nito at umupo narin ako sa harap niya.
"Bukas pumunta ka sa bahay dahil may ipagagawa ako sayo. Medyo besi kasi ako kaya kailangan ko ang tulong mo." seryusong salita niya sa akin.
Syet! Ayaw ko pa naman makasama ang anak niya. Kung pwede lang sana umurong sa utos niya baka umayaw na ako ngayon. Malaki ang respreto ko sa kanya kaya titiisin kung pakisamahan ang kanyang anak.
Ilang sandali pa ay dumating narin ang lalaking kinainisan ko. Prenting nakaupo siya katabi ko habang madiing nakatingin sa akin.
"Anong pinag-uusapan niyo mom!" seryusong tanong niya nito.
"Besi kasi ako bukas Tristan kaya napagdesisyunan kung papuntahin si Kent sa bahay bukas. Wala kasi akong maasahan sayo kaya siya nalang ang uutusan ko." maktol na salita ng ina niya.
"Malapit na ang Accreditation kaya puspusan ang aming paghanda.We need more manpower para mabilis matapos ang aming ginagawa." dagdag sabi niya.
"Okey na po mam. Makakaasa kayong dadating ako sa bahay niyo. Ang problema po ay hindi ko alam kung saan ang lokasyon ng bahay niyo. Pwede po ba akong humingi kahit sketch man lang?" ngiting reklamo ko sa kanya.
"Hahahha!! Oo nga pala.. Tristan pakisulat sa index card ang numero ko at ang sketch ng bahay natin." utos ni mam cha sa anak niya.
Ginawa rin naman kaagad ni Tristan ang inutos ng kanyang ina. Pagkatapos niyang isulat ang lahat ay ibinigay niya ito sa akin.
BINABASA MO ANG
Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)
RomanceHis ultimate crush pala ang kanyang sinaktan. Ano kaya ang reaksyon nya kapag malaman nya na ang binully at sinaktan nya ay ang idol pala nya. Tunghayan ang esturya nina Tristan at Tyler na magpa-iyak sa inyo at magbibigay leksyon. The Secret Billi...