His Waiting

3.3K 114 1
                                    


TYLER POV

Pangamba at takot ang naramdaman ko ngayon. Yumuko ako at lumakad na para bang wala akong nakita. Alam kung sa mga sandaling iyon ay nakatitig sya sa akin.



Malakas na buntong hininga ang binitawan ko nang linagpasan siya. Madalian ang aking pagbaba sa hagdanan dahil naasiwa ako sa presinisya niya. Bwesit!!. Sino ba namang hindi maiinis sa ginagawa niya. Sumunod kasi siya sa akin.

"Sandali!!" sigaw niya habang dahan-dahang bumaba papunta sa akin. Nakapamulsa itong papunta sa akin.


"Anong kailangan mo?" irap na sabi ko sa kanya.

"Ikaw!! Obvious ba?" ngising salita nito.

"Ano naman ang kailangan mo?" taas kilay na paulit kung tanong sa kanya.

Syet!! Hindi ko mapigilang mapalunok ng inilapit niya ang mukha sa akin. Gwapo talaga ng bakulaw na to! Kung hindi lang kita....... Tangna! Wala akong paki-alam sa kanya. Ungas kasi eyh..


"Ikaw ang unang taong nakilala ko na may ganang taasan ako ng boses. At ayaw ko ang ginawa mo! Naintindihan mo ba?" diing sabi nito habang mariin ang kanyang pagtingin sa akin.

"You look so familiar? Nagkita na ba tayo?" baling na salita nito.

What? Hindi maari! Sana hindi niya ako makilala. Tago muna ang identity ko hanggang sa maari. Kaligtasan ang nakasalalay dito. Kahit sino pang ponsyo pilato ang kikilala sa tunay kung katauhan ay hindi ko isasabi sa kanila dahil malaki itong sekreto.

"Ako lang naman yung taong minumura mo sa mall. Ang bastos mo naman kasi! Sino ba namang tao ang hindi magalit sa ginawa mo. Nawala kasi ang galang mo"  baling na salita ko sa kanya.

"What the fuck! Kaya familiar ka sa akin! Alam mo ba napahiya ako sa ginawa mo? Tangna! Dito kalang pala kita makita. Shit! Paksyet! Tang-ina mo! Gagawin kung impyerno ang buhay mo dito. Kilala akong nuturious bully sa paaralang ito kaya humanda ka." ngising salita nito.

"Mahilig ka ba talagang magmura! O sinasadya mo lang talaga! At isa pa.. Bagay din naman sayo ang ginawa ko sa mall. Ang bastos mo kasi! At por yor inpormesyon! Hindi ako takot sayo! Tskk.." palingolingo kung sabi sa kanya.

"Talaga ha!" inis na salita nito at mahigpit na hinawakan ang mukha ko. Bubo lang talaga ang tarantado! Mas mabuti sana sa liig niya ako sinakal. Mukha ko talaga pagtitripan niya.

"Syet! Familiar ka talaga sa akin. Parang nakita na kita dati." diing sabi nito.

Kinilatis niya ang buo kung mukha. Pero nadapo ang tingin niya sa labi kung namumutla na.

"Pwede ba kitang halikan!" ngising salita nito.

"Sige!" wala sa wisyo kung sagot sa kanya. Tarantado! Ako talaga ang pagtripan niya.

"Lasang strawberry!!" ngising salita nito ng hiniwalay niya ang labi nito sa akin.

What? Nawala ang katinuan ko! May iniisip kasi ako. Hinalikan niya ako! pirs kiss ko yun.

Bugsh!! Tinuko ko lang naman kasi ang gitna ng hita niya kaya napamura siya sa sakit.

"Aray naman!" bungisngis na sabi niya.

"Bakit mo ako hinalikan?!" diing sabi ko sa kaniya habang siya naman ay namimilipit sa sakit dahil sa ginawa ko.

"Gusto mo naman diba. Confirm bakla ka nga! Namumula ka kasi." ngising salita nito.

"Tarantado! Hindi ako bakla. Mas ikaw ang bakla dahil nanghahalik ka ng lalaki." inis na sabi ko sa kanya.

"So what? Hindi kawalan sa akin ang halik kanina. Eyh ano naman ang kung hinalikan kita! May mawawala ba sayo?" irap na sabi nito sa akin.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon