Chapter 25: The Traps

2.6K 92 2
                                    

TYLER POV

Pumasok ako sa loob ng kanilang bahay. Medyo malaki rin ito at may mga lumang figurine na maayos ang pagkadisplay sa lamesang yari sa mahogany. Ilang ulit akong mapalunok habang tanaw ang kaluoban ng bahay nila. Nakakatakot!! Mukhang may kasama yata sila dito.

"Takot ka noh?" bungisngis na salita ni Tristan sa akin.

"Parang ganun na nga Tristan!" seryuso kung sagot sa kanya habang nakatuon parin ang atensyon ko sa kaluoban ng bahay nila.

"Lahat ng mga multong gumagala dito ay kilala ko. Lahat sila ay nakakausap ko tuwing gabi pero hindi naman sila masama. Medyo ayaw lang nila sa mga taong tanga at lampa. Sinasakal kasi nila lalo na sa nga matakutin." panakot niya sa akin.

"Seryuso?" ikli kung tugon sa kanya pero alam kung nagbibiro lang ang luko.

"Hoy Tristan wag mo akong takutin dahil hindi ako matakutin! Sadyang nanibago lang ako sa bahay niyo kaya ganito ako makapagreact" diing sabi ko sa kanya pero nakangisi parin ang loko.

"Eyh sabi mo kasi, natatakot ka! Maiba nga, Bakit ang tagal mo?" baling nitong tanong sa akin.

"Tarantado ka kasi! Iyong binigay mo kasing lokasyon ay maling-mali. Napakaluko mo talaga Tristan! Ilang ulit mo na akong pinagtripan! Hindi ka ba nagsawa ha!" inis kung sabi sa kanya.

"Eyh malay kung pupunta ka duon. Alam mo namang hindi ako seryuso pero bakit naniwala ka parin!" ngising salita nito kaya mas lalo akong nainis sa kanya.

"Malay ko ring mali pala ang ibinigay mo. Sino ba kasing mag-akalang tarantaduhin mo ako ng ganun. Alam mo namang hindi ko kabisado ang lugar na ito." pailing kung sabi sa kanya.

"Maiba nga! Nasaan ang mama mo? Gusto ko siyang kausapin para masumbong ko lahat ang mga kagaguhang ginawa mo sa akin." inis kung salita sa kanya pero nakangisi parin ang loko.

"Wala si mama dito. May ginawa sila sa unibersidad kaya tayo lang dalawa ang nandito sa bahay. Pero may ibinilin siya sa akin. Bago mo daw gawin ang ipinagawa niya ay maglinis ka muna. Wala dito ang kasambahay namin  dahil umuwi ito sa probinsya. Kaya ikaw muna ang gagawa sa trabaho niya." dagdag sabi nito.

"Saan naman ako maglilinis? Sa laki ng bahay niyo ay hindi ko ito malilinis lahat." reklamo kung tugon sa kanya.

"Sinabi ko ba sayong linisin mo ito lahat? At isa pa, bawal magreklamo dahil ako ang amo mo ngayon. Dapat lahat ng inutos mo ay susundin mo." ngising salita nito sa akin kaya pamaktol ko itong tinitingnan.

"Niknik mo Tristan! Sa katamaran mo kaya ipinahid mo sa akin ang inutos ng ina mo sayo. Saan ka ba nagmana ha? Masipag ang mga magulang mo pero ikaw nuknukan ng katamaran!" nakamiwang kung salita sa kanya.

"Ang dami mung sinabi. Hindi bagay sayo ang kadal-dalan dahil ang panget mo!" kutya nito sa akin.

"Anong konek sa kapangitan at katamaran mo!! Hindi ko susundin ang utos mo kung hindi mo ako tutulungan. Paano  matatapos kaagad ang gagawin ko kung puro palaki ng itlog lang gagawin mo buong maghapon. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, tayong dalawa ang maglinis dito." ma-otoridad kung sabi sa kanya.

"Abir! Sino ba ang amo sa atin? Ikaw o ako? Sinuhulan ka ng magulang ko para gawin ang inuutos nila. At isa pa, hindi kita tutulungan dahil lahat ng kilos mo BINAYARAN ng mga MAGULANG KO!" bulyaw na sabi niya habang idiniin ang  katagang binayaran.

Kurimaw talaga ang loko. Lumubo ang ulo kaya lumaking hambog. Kung hindi lang talaga anak ito ng amo ko baka matagal ko na itong naumpog.

Padabog itong umalis at iniwan akong mag-isa sa sala nila. Umakyat ito sa ikalawang palapag at malakas na ibinalibag ang pintuan ng kumag. Loko talaga!

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon