Chapter 59

2K 77 8
                                    

Malaking buntong hininga ang binitawan ng dalawa ng pumasok ito sa luob. Kita ko sa kanilang mga mata ang kagalakang makita nila ako ulit. Ngiyak-ngiyak itong lumapit sa akin at mistulang ilang taong nangulila dahil sa ipinakita nilang reaksyon.

Naging maingay ang luob dahil sa iyakan namin. Maging ang tatlo kung kaibigan ay nakiki-iyak narin.

"Tyler patawarin mo kami.. Lahat ng mga ginawa namin huon ay pinagsisihan na namin. Wala kaming ibang iniisip sa buong limang buwang pagkawala mo kundi ikaw. Mahal kita anak at patawarin mo ako dahil sa pagiging gago ko." hagulhul na salita ni dad sa akin. Nakayakap ito sa akin at ganun rin ang ginawa ko sa kanya.

"Wala akong ibang hinihiling pa kundi makasama ko kayo ulit. Nagkamali man kayo dad pero lahat ng kamaliang nagawa niyo ay nakalimutan ko na dahil mahal ko kayo. Matagal na kitang pinatawad dad at masaya ako dahil for the first time in my life ay ngayon lang kita nayakap." ngiyak-ngiyak kung turan nito kaya mas lalo itong humagulhul dahil sa sinabi ko.

"At ngayon nakita ka namin ay pupunuin ka namin nang pagmamahal. Salamat at pinatawad mo ako kahit malaki ang kasalanan ng daddy mo." emosyonal na diing nito.

Bumitaw narin ito sa pagyakap at nag-iwan ng napakatamis na ngiti. Nabaling ang aking tingin kay kuya na umiiyak parin habang nakatingin sa akin.

"Kuya pwede payakap?" ngiti kung salita nito kaya inambangan niya ako ng yakap. Mahigpit ang kanyang pagyakap kaya namimilipit rin katawan ko sa sakit.

"Dahan-dahan naman kuya. Masakit pa ang liig ko." mahinang reklamo ko sa kanya.

"Sorry.. Sorry " nakangiting turan nito at umalis sa pagkayakap.

"Ito naman si Kuya hindi mabibiro. Yakapin mo nga ako ulit dahil namimiss talaga kita." nakangiti kung sabi sa kanya kaya yumakap ito sa akin ulit. Naging maingat narin nitong idinampi ang kanyang mga braso sa katawan ko dahil sa natamo kung injury.

"Namimiss kita Bro!! Akalain mo dito kalang pala namin makikita.
Medyo nagtatampo ako sa mga kaibigan mo pati narin kay mom dahil hindi nila sinabi sa akin na nandito ka pala. Bro! Sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko nuon. Pinagsisihan ko lahat ng mga iyon at hanggang ngayon ay masasabi ko sa aking sarili na ang tanga-tanga ko dahil sinaktan ko ang nag-iisa kung kapatid." ngiyak-ngiyak nitong salita sa akin.

"Alam mo ba nuong nawala ka. Buong konsensya ko ay inuusig  dahil ako ang dahilan kung bakit pinalayas ka. Inaamin ko ang kamalian sa kanila kaya subrang galit nila ng nalaman nila ang masamang balak ko sayo nuon. Ilang araw yata akong hindi kinikibo ni mom. Buti nalang  na naging kaibigan ko ang dalawa mong SINUNGALING at BALIW na kaibigan kaya natuto akong baguhin ang aking sarili." dagdag sabi nito sa akin at diniin talaga ang description na salita patungkol kina Zach at Angela.

"Nga pala naiwan mo sa bahay. Kinokontak kita nuon para kumustahin at nagbabakasakaling sagutin mo ang aking tawag ngunit naiwan mo pala ang cellphone mo sa mansion. Hindi ko yan eno-open dahil alam ko ang salitang "privacy"." ngiting sabi nito at ibinigay sa akin ang Iphone 7 na naiwan ko sa mansion.

"Pero yung wallpaper mo nakita ko. Sino ba yung taong kasama mo duon. Medyo close kasi kayo basi sa ekspresyon nyong dalawa." nagtatakang sabi nito sabay punas sa mga luha nitong umuuga sa kanyang mga mata.

"Aie kuan!!! Si Zach yun. Wa.la kasi akong ibang malagay na wallpaper kaya iyon nalang. Gwapo kasi ako duon." pagsinungaling ko sa  kanya.

"Hindi naman si Zach iyon. Pamilyar sa akin ang mukha pero hindi ko matandaan." dagdag sabi nito.

"Chad.. Wag mo nang kulitin si Tyler kung sino ang taong iyon. Imbis moment natin ang pag-uusapan ngayon dahil sa wakas nakita natin ulit ang kapatid mo ay lumihis ka sa ibang usapan. Enjoyin natin ang pagkakataong ito." autoridad na sabi ni dad kaya natahimik si kuya.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon