Chapter 20: His Reason

2.8K 98 7
                                    


FLASHBACK CONTINUATION

Hinanap nila kami pero mas nangibabaw parin sa amin ang takot na baka makuha nila ulit kami.

Sa masukal na kagubatan kami nakatago ni Tyler. Magkahawak parin ang aming kamay habang binabaktas ang mabatong lupa. Kumikirot ang aming mga paa dahil wala kaming tsinelas na sinusuot.

"Nandito sila!!"sigaw ng isang lalaki kaya nabigla kami lalo na't kami ang punterya nila.

Kumaripas kami ng takbo. Hindi parin binitawan ni Tyler ang kamay ko. Pahingos  kaming pumunta sa makapal na talahiban. At nagmamadaling pumasok narin duon.

Lalong kumakapal ang talahiban at mas lalong dumilim ang paligid. Kami nalang dalawang natira ni Tyler at hindi ko alam kung saan ang iba naming kasama. Takot ang lumukob sa akin nuon dahil susuongin namin ang madilim na talahiban. Takot ako sa dilim! Takot na takot!

Isiniksik ko ang sarili sa lalaking kasama ko. Subrang natatakot ako dahil sa dilim.

"Tyler wag kang umalis sa tabi ko! Takot ako sa dilim" iyon ang nasabi ko habang siniksik ang ulo ko sa dibdib nya.

"Shh... wag kang mag-alala. Nandito lang ako." pag-alalang sabi nito habang inilingkis ang kamay niya sa biwang ko.

"Nadakip na namin ang tatlong bata master. Iyong dalawa nalang ang hindi namin nakita" sigaw ng lalaki na narinig namin sa labas ng masukal na talahiban.

"Hanapin nyo ang mga batang iyon dahil sayang lang ang pinapaguran natin. Halughugin nyo ang buong talahiban at wag kayong babalik kung hindi nyo makita ang dalawanang bata." galit ng sumbat ng isang lalaki na sa tingin ko pinuno nila.

Lakad takbo ang ginawa namin. Kumakati ang aming katawan at sumasakit ang mga paa namin. Ilang sandali pa ay tumigil kami dahil sa liwanag ng flashlight. Muntikan na kaming makita kaya isiniksik namin ang sarili sa tuyot makapal na talahiban.

Ilang minuto rin ang nakaraan ay nawala rin ang ilaw ng flashlight kaya buntong hininga nalang ang aming binitawan at nakapagdesisyon kami na dito muna magpalipas ng gabi.

"Alam mo kapag nakabalik ako sa amin ay kakain ako ng maraming cake tapus bangus na prenito. Kasi paborito ko iyon" panimulang salita ni Tyler sa akin.

Ngumiti ito ng bahagya at mariin tumingin sa akin habang nagkahiga kaming dalawa.

"Isa sa mga mamimis ko kapag nakabalik ako sa bahay ay ikaw. Isa ka rin sa mga taong hinugutan ko ng lakas lalo na ngayon. Sabi ko sa sarili na sana hindi ka magbabago pagdating natin duon sa syudad. Ikaw parin ang Tyler na nakilala ko na mabait, gwapo at higit sa lahat ang pagiging caring mo. Mamimiss kita" sabi ko sa kanya sabay yakap rito.

"Ilang araw lang kasi ang panatili namin dito sa cebu at babalik kami ulit sa manila kaya hindi narin kita makita. Mamimiss tala kita Tristan. Kahit sa munting panahong nakilala kita ay hindi kita malilimutan." ngiyak-ngiyak nitong sakita at yumakap rin sa akin.

"At wag kang mag-alala Tristan!Pangako hindi ako magbabago. Iingatan kita ng buong puso kapag magkikita tayo ulit. Hindi ako magbago kailanman pagdating sayo."dagdag nitong sabi sa akin habang hinihimas ang manipis kung buhok.

"May ibibigay ako sayo palatandaang nandito lang ako palagi sa tabi mo. Iingatan mo yan ha. Naka-ukit ang pangalan ko dyan. " ngising salita nito habang idinikit niya ang singsing sa hintuturo ko.

"Regalo yan ng mommy ko. Importante ka sa akin kaya ibinigay ko yan sayo. Kapag magkita tayo ulit wag mong kalimutang isa-uli sakin ang bagay na yan. Dahil papalitan ko ng bago ang sing-sing na yan para sayo. Papakasalan pa kita!" seryusong salita nito kaya ngisi ang naging tugon ko sa kanya.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon