Chapter 33: Ang Halik ni Hudas

2.7K 91 2
                                    

Note: Hindi pa na edit

*Tristan Pov*

Umalis narin kami sa opisina upang mananghalian. Ganun parin iyong pakikitungo ni Kent sa akin cold parin. Ilang ulit na rin akong nagpapansin sa kanya ngunit hindi umubra dahil puro yuko lang ang ginawa nya.

Nandito kami sa kanten ngayon at pumili ng iba't-ibang delicacy sa serving table. Hindi ko alam kung bakit prenitong bangus yung pinili ko basta gusto ko lang e-try eh ito kasi ang palaging binabalikan ni Kent. Umupo narin ako sa upuan habang mariing tiningnan ang mga binili kung pagkain. Hinintay ko munang umupo si Kent bago ko simulan ang pag-kain.

Inangat ko ang mukha upang tingnan si Kent. Nakapili narin ito pero hindi ito umupo sa table kung nasaan ako. Iba kasi iyong inupuan nya kaya nainis na naman ako dahil sa ginawa nya.

Kinuha ko yung mga pagkain sa lamesa kung nasaan ako at pumunta duon kay Kent. Inilapag ko ito katabi ng mga pagkain nya at tinabihan ko sya. Dumistansya sya ng kunti pero pokus parin ito sa kinain nya.

Ganun parin ang pinili nya. Prenitong bangus, pakbit at one scope of rice. Kinamay parin nya ito habang hiniwalay ang flesh ng isda at buto.

Gusto kung e-try ang ginawa nya kaya ganun din ang ginawa ko. Ngayon ko lang natanto na masarap palang kumain gamit ang kamay. Hiniwalay ko rin ang mga buto ng bangus at laman ng isda.

Mahirap rin pala kaya natagalan ako. Sinubo ko kaagad iyong mga laman ng bangus na naitabi ko. Ang iba ay ini-mixed ko sa rice. First time ko kasing gumamit ng kamay sa pagkain kaya hindi gaano ako kasanay. Namilipit iyong plastik na cover sa kamay ko kaya maraming nasayang na pagkain.

Nang inangat ko ang aking mukha ay marami palang nakatingin sa akin. Takang-taka yung mga taong kumain sa cafeteria kasi first time nilang nakita ako na kumakamay. Halos kasi sa mga taong kumain sa cafteria ay kilala nila ako. Im quite famous kaya ayun they know me.

Napangiti nalang ako habang itinuloy ang pagsubo ng pagkain. Isa sa mga dahilan kung bakit ko to ginawa dahil gusto kung magpapansin kay Kent. Gusto kung maibalik ulit yung dating sya na maalahanin, mabait at caring. Wala kasing katumbas yung pinakita nyang kabutihan sa akin kaya napabelib nya ako. Natutunan ko ring mahalin yung ginagawa niya at mas lalong gusto kung mapalapit sa kanya ulit.

Tumingin ako sa kanya habang sinubo ko iyong pagkain. Pero kahit ilang besis yata akong tumingin sa kanya ay hindi parin nya ako pinansin. Pokus parin ito sa kanyang pagkain at nakayuko parin.

Umalis narin ito at binayaran ang bill nya. Imbis hintayin nya ako ngunit umalis ito kaagad sa cafeteria.

Nabalot yata ng panghihinayang ang aking sarili kung bakit ko iyon nagawa. Kung maari lang balikan iyong pangyayari kahapon edi sana na tama ko na.

Huli na ang lahat. Huli na yatang mapalpit ulit ang luob ko sa kanya.

*FRETZ POV*

Tulala parin ako habang nakatingin ng kawalan. For the first time in my life ngayon lang ako nakafeel ng ganito. Gabi-gabi hindi ako makatulog dahil puro mukha lamang nya ang iniisip ko. Iniisip yung mga araw na masaya kami. Yung mga time na tumatawa sya kahit korne yung joke ko. Yung nakaakbay ako sa kanya na nagbibigay sa akin ng ibayong saya dahil may friend akong marunong makinig at nagbigay inspirasyon bawat araw.

Itutuloy ko ba yung nais kung gawin sa kanya o ipagpatuloy yung umusbong naming pagkakaibigan? Naguguluhan na ako kasi may misyon ako at kailangan kung ma-accomplish para maisakatuparan yung reward na naghihintay para sa akin.

Pero I think I need to finish this one dahil nasimulan ko na eh and Im happy with this quite easy mission. Ginanahan narin ako kaya why should I surrender.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon