Chapter 35: Pagsisisi

2.5K 95 5
                                    

Note: Hindi pa na-edit

*Tristan pov*

Buong magdamag hindi ako makatulog sa kakaiisip kay Kent. Inaalala ko yung nangyari kahapon na syang nagpakonsinsya sa akin at bumalot sa akin ng kalungkutan sa sarili.

Gusto kung punasan yung luhang pumatak sa kanyang mga mata ng lumabas sya sa cubicle. Gusto kung humingi ng tawad sa kanya at sabihing nagsisi ako sa ginawa ko ngunit wala yata akong nagawa kundi tingnan syang umiyak habang bumitaw ng pilit na ngiti.

Pinagsisihan ko yun lahat. Pinagsisihan ko yung mga bwesit na nagawa ko sa kanya kasi wala namang masamang ginawa si Kent kundi ipakita ang kagandahang luob para sa akin. Kung bigyan lang sana ako ng pagkakataon na itama ang mali ko baka naitama ko na.

Nakaupo ako ngayon sa silya katabi yung bakanting upuan ni Kent. Ilang ulit yata akong tumingin sa labas at sa mga taong pumapasok sa luob ngunit wala parin sya. Kahit nagsimula na yung klase namin ngunit hindi parin sya dumating. Wala kasi akong ibang ninais ngayon kundi makita sya at namimiss ko yung presinsya nya.

"Tristan kanina ka pa yata nakatingin sa labas. Sino ba ang hinihintay mo" biglang tanong ni mom sa akin kaya napalingon nalang yung mga kaklase ko sa banda ko.

"Si Kent" wala sa wisyo kung sabi sa kanya.

"Bakit mo hinanap si Kent? May kailangan ka ba sa kanya? Wala sya ngayon dahil linalagnat. Nandun sya opisina nagpahinga muna dahil hindi daw nya kayang pumasok ngayon." diing sabi ni ma'am sa akin.

Walang sabi lumabas ako ng room at tumakbo papunta sa opisina ni mom. Hindi ko alam kung bakit ganito ako ngayon basta gusto ko lang syang makita. Lakad takbo yung ginawa ko hanggang sa nakarating ako sa opisina.

Pinihit ko yung pintuan at pumasok sa luob. Nakita ko duon si Kent na nakaupo sa monoblock chair habang mariin parin itong nakayuko.

Pero bakit? Imbis nagagalak ako na makita sya ngunit nabaling sa lungkot yung sarili ko. Kasi hindi ko kayang makita sya na ganito ang kanyang ekspresyon. Nakayuko ito pero dama kung umiyak sya dahil pinunasan nya ang mga mata gamit yung suot nya na hoodie.

Napamura nalang ako sa aking sarili habang mariin parin akong tumingin sa kanya. Ako kasi ang dahilan kung bakit nagkaganyan si Kent. Ako ang puno't-dulo kung bakit nasaktan yung taong nagbigay sa akin ng importansya.

Umupo ako sa harap nya at linapit yung upuan sa kanya. Tumingin ako sa mukha nyang nakayuko pero wala parin itong imik. Hindi parin ito pumigil sa pag-iyak kasi nadinig ko yung paghingus nya sa tubig na tumulo sa kanyang ilong.

Gusto kung yakapin sya at ikalog. Nag-alala ako sa kalagayan nya. Lalo yata akong nakonsensya dahil kondesyon nya.

Hindi ko mapigilan ang sarili kaya hinimas ko yung buhok nya. Sinipo ko yung ulo nya na mainit hanggang sa inangat ko ang kanyang mukha upang tingnan ito.

Duon bumuhos yung mga luha ko na kanina pang nagbadyang tumulo habang mariin akong tumingin sa kanyang mga mata namumugto sa kapulahan. Hindi ko kayang makita sya na ganito kaya binitawan ko sya ng mahina at pinahiran yung luha na tumulo sa aking mga mata.

Lumapit ako ulit sa kanya at yinakap ko sya ng mahigpit. Wala ako naramdaman o nakitang pagtutol sa kanya pero wala parin itong imik habang niyakap ko sya.

Hindi parin sya nagsalita. Niyakap ko parin sya kaya nakaramdam ako ng saya dahil nagpa-ubaya sya sa yakap ko. Ilang minuto din na ganun ang aming posisyon kaya dinama ko ng lubusan yung mainit nyang katawan.

Ngayon ko lang napatanto na importante sya sa akin. Hindi ko gustong mawalay sya dahil sya ang pumuno sa pagkukulang ko. Sana bumalik ka sa dati Kent. Hindi ako sanay kapag ganito ko kasi namiss ko yung Kent na maalahanin at mapagmahal.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon