Chapter 26: Nang dahil sa bagyo

2.4K 89 1
                                    

unedited!!!!!

*Tristan POV*

Isang flower vase ang bumalagta sa aking harapan ng pumunta ako sa kusina. Nagkalat ang mga basag na bildo galing ng vase at ang mga bulak-lak nito yari sa plastik ay nagkalat rin. Kita ko ang mukha ni Kent na nakangiting parang iwan pero randam kung takot ito dahil sa nangyari.

Galit ang namumuo sa aking mukha ngayon. Ilang taon na kasing naka-display ang flower vase na'to sa dining table pero ngayon nabiyak na dahil sa kinagagawan ng panget na iyan.

Inangat ko ang kanyang sarili gamit ang kanang kamay ko na nakagapos sa kanyang liig. Napa-impit nalang ito sa sakit pero wala akong paki-alam dahil biniyak nya ang flower vase.

"Putang ina kang hayop ka! Ilang taong nakadisplay iyang flower vase dyan sa dining table, ikaw pa na careless at walang kwenta ang bumasag nito. Mas importante pa iyan sa buhay mo. Kahit ilang taon mo pa iyang pag-ipunan hindi mo iyan mabayaran!" galit kung sabi sa kanya pero hindi ko parin binitawan ang pagkasakal sa kanyang liig.

Takot at pangamba ang nakita sa kanyang mukha. Halos hindi na sya makahinga dahil sa ginawa ko. Binitawan ko narin ang pagsakal sa kanya at huminga ito ng malalim habang hawak nya ang mapulang liig nito.

"Pasinsya na po sa nangyari Tristan Hindi ko iyon sinasadya. Accidentally, natabig ko kasi ang dining table kaya iyon ang dahilan kung bakit nahulog ang flower vase nyo" pangdahilan nito sa akin pero hindi parin nawala sa kanya ang takot at pangamba habang nakatitig ito sa akin.

"Kahit hindi mo pa iyan sinasadya. Binasag mo parin ang vase na matagal na naming iniingatan. Cge, Pulutin mo iyan! Itapon mo iyan sa basurahan na duon ka nababagay!" galit ko paring salita sa kanya.

Pinulot narin nya ang basag na vase at inilagay sa iba ibang parti nito na hindi gaano nababasag. Umalis narin ako kanyang harapan at bumalik sa taas.

Napabuntong hininga nalang ako ng pumasok ako sa luob ng room. Humiga ako sa kama habang iniisip ang nangyari kanina.

Naalala ko iyong takot at pangamba ng kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Iyong pagpulot nya sa mga durog at basag na vase gamit ang kanyang kamay na nanginginig.

Rumerehistro rin sa aking isipan ang maamo nitong mukha. Iyong ngiti nya na wala ni-anumang bahid na kaplastikan. At iyong katawan nyang lumagaslas ang mga butil ng pawis.

Arggg!!! Bakit ko naman iyon iniisip. Diba galit ako sa panget na iyon. Wala iyong kwenta at isa pa wala iyong silbi sa akin. Isa sya sa mga koleksyon ko na gusto kung pahirapan. Wala akong paki-alam kahit magmakaawa sya na tigilan ko ang katarantaduhan na ginawa ko sa kanya basta masaya ako kapag nasaktan sya. Masaya? Shit! Bakit hindi ako masaya kapag ginawa ko ang mga pa-sakit na iyon. Nagi-guilty ako kapag nakita ko syang nasaktan.

Dapat lang iyon sa kanya. Konsinsya? Guilty? Dapat hindi sya kinonsinsyahan kasi nararapat syang saktan. Galit nga ako sa kanya diba. Weird nya kasi eh...

Ilang minuto ang nakaraan ay may kumatok sa aking pintuan. Binuksan ko ito at tumambad sa akin si Kent na nakayuko. Nakaramdam ako ng inis dahil sa kanyang pagyuko.

"Trist.. Gut..om ka.. na ba? P.unta ka na..lang duon sa ba..ba. Nakahanda na i.yong pagkain mo."utal-utal na nakayukong sabi nito sa akin.

Umalis narin ito sa aking harapan at pumunta sa cosina. Sumunod nalang ako sa kanya dahil gutom narin kasi ako.

Prenitong bangus, tinulang manok, fried egg, hotdog at kanin ang nakita ko sa dining table.

Umupo narin ako. Gusto ko narin kasing kumain dahil kanina pa ako nagugutom. Inilapag narin nya ang plato kasunod ang tinidor at kutsara sa aking harapan. Hindi parin nya inangat ang kanyang mukha habang pinagsisilbihan ako. Putik! Bakit ang bait nya sa akin. Sa kabila ng ginawa ko kanina, wala syang naramdaman ni anumang tensyon at takot sa kanya.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon