Napabuntong hininga ako ng pumasok sa trangkahan ng gate. Isang panibagong araw na naman ang aking haharapin. Ang araw na hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari.
Nakapagdesisyun na rin ako sa alok ni Mam Charmaine na maging student assistant nya. Ito lang kasi ang tanging paraan upang makatulong kina nanay Mig lalo na't kailangan namin ng pera para makapagsimula.
Dumating ang oras ng aming klase. Hindi parin nawala ang mga tukso ng aking mga klasmet at mga pambubully nila. Who care? Wala akong paki-alam dahil hindi naman tutuo sinabi nila. Ang gwapo ko kaya.
Limang araw na ang nagdaan ay isa lang talaga ang naging friend ko sa mga kaklase ko. Malabo kasing si Enrique yun dahil ilap siya sa akin. Parang may malala akong sakit dahil palagi itong dumistansya sa akin. Buti nalang nandito si Fretz. Kahit papaano ay may kaibigan at kausap din ako.
Nakapagtataka lang dahil hinayaan ni Tristan ang kaibigan niya na maging kaibigan ko. Ang mas malala pa ay matalik na kaibigan niya. Okey lang ba sa kanya na sa akin nakatuon ang atensyon ng bestfriend niya? Nawalan na kasi sila ng oras dahil sa akin.
Isang mahabang pasulit ang ginawa namin. Nainis ako sa katabi ko dahil ang kulit talaga. Kanina pa kasi tanong ng tanong kung ano ang sagot ko sa mga sinagutan ko.
"Bahala ka dyan! Kung nag-aral ka sana edi may sagot ka sa pasulit ngayon." bungisngis na salita ko sa kanya.
"Tang-ina ka! Yung number 10 lang naman ang hinihingi kung kasagutan pero hindi mo maibigay. Ang damot mo naman!" maktol na salita nito sa akin.
"Close ba tayo? Hindi tayo close kaya sa iba ka himingi ng sagot." inis kung salita sa kanya.
Yamot na nakatingin si Tristan sa testpaper niya. Manigas ka! Bakit ba kasing ipinanganak kang tamad! Yan tuloy ang napapala mo.
....
Natapos ang mahabang pasulit ay nagpadesisyunan namin ni Fretz na kumain sa cafeteria. Buti nalang kunti lang ang kumain duon kaya maraming bakante sa amin.
"Nandito rin pala kayo! Himala sa kanten kayo kumain." seryusong salita ni bakulaw habang dala-dala ang pagkain niya.
Kadalasan kasi sa mini park kami kumain ni Fretz. Nag-aya kasing manglibre ang isa kaya ayon sinamahan ko siya.
"Wala kang pakialam kung dito kami kumain. Tsupi!!" inis kung sabi sa kanya.
Umalis narin ito at sinamahan ang mga barkada niya. Bali tatlo silang lahat..Kaklase ko rin ang mga kasama niya kaya kilala ko sila lahat.
...
Malakas ang buntong hiningang binitawan ko habang inilapag sa lamesa ang binili namin. Kaharap ko si Fretz at nasa likod niya ang mga tipaklong. Bwesit! Kanina pa kasi sila tingin-tingin sa lamesa namin.
Unang subo hanggang sa naging lima. Ang sarap talaga ng kinakain ko. Paborito ko kasi ang binili namin.
"Masarap ba?" ngiting tanong ni Fretz sa akin.
"Subra!" ikli kung tugon sa kanya at dahan-dahang sinubo ang prenitong bangus na paborito ko.
Pokus ako sa kinain ko. Wala akong paki-alam sa mga tao na nasa paligid ko. Ganito kasi ako kapag masarap ang kinakain ko. Subrang takaw ko talaga!
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang mainit na katawan na nasa likod ko. Nakadantay ang kanyang kamay sa balikat ko.
Pabango pa lang niya ay alam ko kung sino ito. Pambihira! Pati ba naman dito pagtitripan ako."Ang takaw mong kumain! Para kang bata. Ang daming dumi sa mukha mo. Tumalikod ka nga!" seryusong salita nito.
Patuloy parin ako sa kinakain ko. Ang ayaw ko sa lahat yung isturbuhin ako lalo na kapag kumain ako.
BINABASA MO ANG
Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)
RomanceHis ultimate crush pala ang kanyang sinaktan. Ano kaya ang reaksyon nya kapag malaman nya na ang binully at sinaktan nya ay ang idol pala nya. Tunghayan ang esturya nina Tristan at Tyler na magpa-iyak sa inyo at magbibigay leksyon. The Secret Billi...