Note: Hindi pa na-edit
*Tristan Pov*
Hindi ko alam kung ano tung naramdaman ko ngayon. Kasi paulit-ulit na sumasagi sa aking isipan ang mukha ni Kent. Hindi ako makatulog buong magdamag dahil sya lamang ang laman ng utak ko.
Alas dos y media na ng umaga ay hindi parin ako dinalaw ng antok. Pagsisisi at mukha lamang nya ang rumerehistro sa aking isipan. Kahit ilang ulit ko yatang pinilit na matulog pero hindi parin ako makatulog. Pabaling-baling yata ang aking posisyon sa kama habang iniisip yung inosenteng pigura ni Kent.
Para akong timang na nakangiting mag-isa habang iniisip yung nangyari sa amin ni Kent dito sa hinigaan ko. Inisip ko yung mga panahon na ikinalog nya ako sa bisig nito habang pinatahan dahil takot ako sa dilim. Inisip ko rin yung nakapatong ako sa kanya habang pinagmasdan ang kanyang maamong mukha at mapupulang labi.
Naalala ko rin yung mga panahong inalagaan nya ako. At yung mga pagkakataong hinalikan ko iyong mapupula nyang labi. Tuloy napahawak ako sa aking mga labi at mukha yatang nais ko yun maulit pa.
Nakaramdam narin ako ng antok kaya ayun nakatulog na ako. Kinabukasan ay takang-taka si mom dahil ang laki daw ng eyebags ko. Enirason ko naman sa kanya yung paggawa ng school paper kaya ayun naniwala naman sya.
...............
...............Naging abnormal na naman ang pagtibok ng aking puso nuong nakita ko ulit si Kent sa opisina. Nakaupo sya sa silya habang mariin parin itong nakayuko.
Mas lalo pa nga itong lumakas ng palapit ako sa kanya. Para bang may mga paru-parong nagsiliparan sa tyan ko. In my whole life existence in this world ay ngayon ko pa lang ito naramdaman at sa kanya lang.
After a while ay dumating narin si mom. Wala na daw syang ipagawa sa amin ngayon dahil tapos na daw lahat yung mga ipinagawa nila sa amin. So far naayus narin nila ang mga documents for the upcomming preparation ng AACUP accreditation so wala na yata kaming ikabahala pa.
Kanina pa ako tingin ng tingin kay Kent ngunit hindi parin nya inangat ang kanyang mukha. Puro yuko lang ang kanyang ginawa habang isinuot parin nya ang kanyang hoddie.
Nakasunod ako sa kanya papunta ng klasrom. Apat na metros yata ang layo namin pero sa tutuo gusto ko talagang lumakad katabi sya. Pero sinakop ako ng hiya dahil narin sa nagawa ko sa kanya.
Napatigil nalang ako ng may narinig akong isang malakas na sapak sa harapan ko. At yun nakita ko si Kent na nakahandusay sa sahig na yari sa tiles.
Itinuko nya ang kanyang kaliwang siko sa sahig habang ang kanyang kanang kamay ay nakahawak sa banda ng kanyang mukha na tinamaan ng suntok.
Hindi ko alam kung ano yung gagawain ko. Gusto ko syang tulungan pero pinangunahan ako ng takot.
"Bakit hindi ka tumingin sa dinaanan mo bakla! Ang tanga-tang mo. Hindi lang tanga. Wala ka ding kwenta!!" sumbat ni Goerge kay Kent.
Hindi lang si Goerge ang nandun pati narin yung mga kagrupo nya na kagrupo ko rin. Bale lima sila lahat at tuwang-tuwa pa nga sila dahil sa nangyari kay kent.Kaibigan ko si Goerge. Isa rin sya sa mga buddy ko kapag may binabully kami at katuwang ko sya tuwing may pinagkatuwaan kami.
"Oi Bro. Nandyan ka pala!! Magpainit muna tayo wala na kasing gingamet ang kamao ko ngayon. Gusto mo pagtripan natin ang baklang ito" nakangising sabi nito sa akin.
"Pass muna ako pre. Kayo nalang muna." sabi ko sa kanya.
Bakit? Bakit yun lang ang sinabi ko. Gusto kung protektahan si Kent. Gusto kung tulungan sya pero ano tung ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)
RomanceHis ultimate crush pala ang kanyang sinaktan. Ano kaya ang reaksyon nya kapag malaman nya na ang binully at sinaktan nya ay ang idol pala nya. Tunghayan ang esturya nina Tristan at Tyler na magpa-iyak sa inyo at magbibigay leksyon. The Secret Billi...