Chapter 38: His Bestfried Explaination

2.6K 97 4
                                    

Tristan Pov

Takot at pangamba ang naramdaman ko ngayon nang tumingin ako sa taong nasaktan ko. Yakap nya ang gwapong ekstranghero na umiiyak dahil sa saya ng makita sya.

Isa lang ang masasabi ko. Nanghihinayang ako dahil sa pinagagawa ko nuon. Kung di sana ginawa yung mga kabalastugan sa kanya edi sana ako yung kayakap nya.

Shock parin kami sa nangyari ngayon. Kahit si Fretz hindi makapagsalita dahil sa nasaksihan nya.

Kita ko sa mukha ni Zach na nag-alala habang nakatingin kay Kent. Yung tipong malungkot pero masaya dahil nakita nya ang taong matagal na nyang hinahanap. Sino kaba Kent? Bakit kilala mo si Zach?

Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin parin sa kanila.

"Magpaliwanag ka naman kung bakit mo kami iniwan na walang dahilan. Gusto kung malaman kung ano ang punot dulo bakit naglaho ka na para bang bula. Pinag-alala mo kami."seryusong salita nito kay Kent habang mariin itong nakatingin sa kanya.

"At sinabi ko ba sa inyo na hanapin nyo ako?!! Diba hindi! Putik! Wala kayong paki-alam kung bakit gusto kung umalis na walang paalam dahil buhay ko to! Gusto kung manahimik! Gu..sto kung umalis dahil wala rin naman silang pakialam sa akin. Gusto kung mamuhay ng payapa pero pinagtabuyan nila ako. Bwesit! Kahit ilang ulit kung ipakita sa kanila na importante sila sa akin pero wala yata akong napala! Eh kasi tanga ako, walang kwenta, duwag, at walang halaga." galit na salita nito kay Zach habang tumulo ang kanyang mga luha.

Sa pagkakataong iyon ay nakita ko ang tunay na Kent na may pinaghuhugutan. Sumisikip yata ang dibdib ko at gusto kung sumabay sa kanya sa pag-iyak.

Hindi kami umimik. Wala din akong nakitang respond galing kay Zach pero may halong pag-alala ang rumerehestro sa kanyang mukha. Ganun din ang kasama ni Zach.

"Kung gusto nyo akong kausapin wag dito nakakahiya naman sa mga tao nandirito" dagdag nitong sabi at mabilisang lumabas ng kiosk.

Sumunod din sa kanya si Zach at yung kasama nya. Para kaming timang dito dahil kahit man lang kunting imik ng mga kasama ko ay wala akong narinig. Bakas parin sa kanilang mukha na gulat at shock sa nangyari.

Nakita ko naglalakad sa malayuan sina Kent at Zach papunta sa mamahalin nitong sasakyan. Kahit yung mga ilang kaklase ko at schoolmate ay gulat din habang nakatingin kay Kent kasama nito ang isa sa mga sikat at pinakama-impluwensyang tao sa bansa.

Sumakay narin sila sa sasakyan at pinaandar narin ito. Buntong hininga nalang ang nabitawan ko sabay tanaw sa mamahalin nilang sasakyan umaandar.




Tyler POV

Gulat parin ako ngayon dahil sa biglaang pagsulpot nila Zach at Aaron kanina. Kaya pala text sila ng text kanina kung saan ako dahil gusto nila akong matuntun. Munitk na yata akong mabuking kanina kung sino talaga ako buti nalang hindi sinabi ni Zach ang tunay kung pangalan.

Tika paano naman nagkakilala tung dalawang ulupong nato? Wala namang sinabi sa akin si Aaron na may kakilala sya na sikat at bigtime.

"Eheemmm!" pangigham ni Zach na para bang nanadya upang pansinin.

"I miss you"

"I miss you too"

Aba! Mukha yatang natamaan ako ng kalintikian ngayon. Bakit ba kasi sumagot ako sa respond nya. Diba galit ako sa kanila dahil sa biglaang pagsulpot nila sa Kiosk kanina na walang pa-alam sa akin.

Ngumiti si Zach ng nakakaluka at abut tinga yata ang ngiti nito.

"Sabi ko na nga miss mo narin ako." ikli nitong salita at pumrino ng malakas.

"Maiba nga? Paano mo nakilala si Aaron? Gulat nga ako kanina ng makita ko kayong magkasama." tanong ko sa kanya habang bumitaw ng ekspresyon na nagtataka.

"Wag nat.ing pag-usa.pan ya.n di.to. Duon natin yang pag-usapan sa mansyon" utal-utal nitong salita habang nakangisi parin.

Ang cute talagang piktusin nang Zach nato. Hindi parin nagbago may pagka-utal parin nya minsan kapag ako yung kausap nya.

"Punta tayo sa mansyon nyo? Mukha yatang nakakaexcite yang balita na yan." insert na salita ni Aaron na nasa likod namin.

"Cheeh! Hindi kita isasama. Baka mahawaan ako sa kapangetan mo." biro nitong kay Aaron habang umiirap ito ng dirty finger sa kanya.

"Wow.. Ang choosy naman nya. Ilang babae na yata ang nagmamakaawa sa akin at lumuhod. Eh isa ka pa nga sa mga iyon. Kung hindi lang ako naawa sa iyo edi sana matagal na kitang itinakwil." biro nito kay Zach habang pinisil ni Aaron ang mukha nito.

"Wag mo nga akong guguluhin dito nagdadrive ako. " maktol na salita nito kay Aaron habang pukos parin ito sa pagdadrive.

Aba! Mukha yatang magkasundo ang dalawa. Para bang ang tagal na nilang magkakilala.

Ilang minuto ang nakaraan ay narating narin namin ang mansyon nila. Gara talaga ng mansyon nila. Pumasok narin kami at umupo sa mamahaling sofa.

"Matagal na kaming magkakilala ni Aaron. Magkaklase kasi kami nung elementary kami at dito kasi ako nag-aaral sa cebu nuong elementary pa ako. Masaya nga ako na nagkita kami ulit kasi miss ko narin tung ulupong nato. At higit sa lahat masaya ako dahil duon ka pala nanirahan sa kanila."panguna nitong salita sa amin habang bumitaw ng matamis na ngiti.

"Nuong pumunta ka dito. Sinundan kita gamit yung auto ko na hindi gaano kamahal. Hanggang sa nakita kitang pumasok sa cover court at bumati kay Aaron. Nalaman ko rin nuon na isa pala kayo sa nabiktima ng sunog kaya nagdonate ako ng ilang milyong peso para makapagsimula kayo. Pero ang mas kinasaya ko nuong araw na yun ng malaman kung ligtas ka at nasa mabuti kang kamay. Gusto nga kitang kausapin pero ipinagtabuyan mo ako dito kaya hindi nalang kita kinausap tutal alam ko namang masaya ka sa piling ng pamelya ni Aaron." mahabang litanya nito sabay bitaw ng buntong hininga.

Tumingin sya ng bahagya kay Aaron at binaling narin nito ang tingin sa akin.

"Simula nuon ay palage narin kitang sinundan. Ilang araw ko rin yun ginawa at ilang besis din kitang nakitang masaya kasama ang bago mong pamilya kaya linukob din ako ng saya dahil nakita kitang nakangiti. Pero hindi ko na kaya kasi takot ako baka makalimutan mo na kami ng tuluyan kaya kinausap ko si Aaron na puntahan ka duon sa unibersidad." nakangiti nitong salaysay sa amin pero bumitaw ito ng malungkot na titig sa akin.
"Gulat nga si Aaron ng nakita nya ako dahil matagal-tagal narin kaming hindi nagkita at mas ikinagulat nya nang malaman nyang magkakilala pala tayo."
"Ilang besis yata kaming tumawag o nagtext sayo pero hindi mo sinagot buti nalang may pagkatalas din ang tingin ni Aaron kaya nakita ka namin duon sa kiosk. Subrang saya ko ng nakita kita at hindi ko nga alam kung ano yung gagawin ko kasi halo-halo yung emosyon ang sumakop sa aking sarili sa pagkakataong iyon. Pero umiba yata ang awra ko ng nakita kitang may maraming pasa sa mukha mo."malungkot na salita nito.

"Pero ngayon kasama na kita kaya gusto kung sabihin sayo na handa akong magpakamatayan sa mga taong gumawa sayo nyan dahil importante ka sa akin Tyler. Hindi ko palalagpasin ang pagkakataong pahihirapan sila." sambit ni Zach sa akin habang kinuyom ang kamao nya.

"Paano mo naman ipaglaban si Tyler kung hindi ka naman marunong sa self-diffense. Sa napag-alaman ko, ikaw yata ang pinakaduwag na tao ang nakilala ko." irap ni Aaron sa kanya sabay bitaw ng mapang-asar na ngiti.

"Wag ka ngang umipal dyan tipaklong! Baka masampulan kita" sabi nito kay Aaron sabay suntok ng kanyang kamao sa hangin.

Napangiti nalang ako sa asaran ng dalawa. Mas close yata sila kompara sa akin pero masaya ako dahil may mga natitira pala akong kaibigan na nag-alala parin sa akin.

Short update..

ITUTULOY








Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon