EPILOGUE

3K 77 13
                                    

TYLER POV

Pitong taon na ang nakaraan ay wala paring kapantay ang pagmamahalan naming dalawa. Marami man ang pagsubok na dumating sa buhay  ay patuloy parin kaming nakikibaka kahit wala kaming kasigaraduhan sa darating na panahon.

Binigyan kami ng dalawang malusog na anak kaya labis kaming nagpasalamat sa puong maykapal dahil sa kanila. Mahal ko ang aking mga anak at ganun din sa naging asawa ko.

At hindi kompleto ang buhay ko kung wala sila dahil sila ang pumupuno sa kulang kung katauhan.

Isang buntong hininga ang binitawan ko habang nakatingin sa dalawa kung anak at sa asawa kung nagtatakbuhan sa isang malawak na buhanginan. Nagyayakapan at nagtatawanan sila habang naglalaro sa alon ng karagatan.

"Bae hali ka dito. Sumali ka sa amin!!" ngiting sigaw ng asawa ko habag kinalog niya ang dalawa naming anak.

Tango lang ang naging tugon ko at hinakbang ang aking mga paa papunta sa kanila. Ilang dipa palang ang layo ko sa kanila ay sinabuyan na nila ako ng tubig dagat.

"Ang gwapo mo talaga daddy" nakangiting salita ng anak ko at patuloy parin ang pagsabuy nito ng tubig dagat.

"Swerte natin dahil may daddy tayong gwapo." dagdag sabi ng isa ko pang anak.

Limang taon na sila at swerte namin dahil biniyaan kami ng dalawang malusog na kambal.

"At ang swerte ko rin dahil ikaw ang naging asawa ko." sabat na salita ng asawa ko at lumapit sa akin.

Nakatingin ito sa akin at hinawakan ang pumupula kung pisngi. Hanggang ngayon ay hindi parin nagbago ang damdamin ko para sa kanya. Subrang mahal ko ang asawa ko.

"Lahat ng katangian mo ay nagustuhan ko. Hindi ako nagsisi na ikaw ang naging katuwang ko sa buhay. Ang pagmamahal ko sayo ay hindi magbabago at buong buhay ikaw lang ang iibigin ko." dagdag sabi nito at mariin niya akong hinalikan.

"Alam ko.." ngiti kung tugon sa kanya.

Nakipaglaro din ako sa kanila at walang humpay ang paglaro namin sa dalampasigan. Hindi parin mawala ang pagiging sweet ng aking asawa na kumakalog parin sa akin.

"Daddy pwede po ba pabuhat." nakangiti sabi ng isa kung anak laya kinarga ko ito.

Ganun din ang ginawa ng asawa ko. Binuhat niya ito ng walang pang-alinlangan at lumapit sa amin.

"Ang ganda ng sunset noh?? Parang ikaw lang." nakangiti kung sabi sa katabi ko.

"Mambubula ka talaga!! Hanggang ba ngayon binubula mo parin ako." nakangising sabi nito sa akin.

Nakangiti akong nakatingin sa kanya at ganun din sa anak kung besing-besi sa paglalaro sa buhok ng asawa ko. We move closer again at umupong magkatabi habang tanaw ang palubog na araw.

I sight deeply until one of my friend set beside me. Nakangiti itong tumabi sa amin at nakipaglaro sa anak ko na ngayoy akay ko.

"Buti pa kayo nagkaanak!! Kailan pa kaya kami bibigyan ni Aaron. Baog daw kasi siya sabi ng doctor." seryusong sabi nito kaya hindi ko mapigilang tumawa sa sinabi niya.

"Shuta ka dre!! Di yun magkaanak dahil pareho kayong may bayag" natatawa kung salita sa kanya.

"Ito naman hindi magbibiro. Aie.. Congratulation pala pre sa anniversary nyong dalawa. Its been 5 years na pala kayong kasal. Stay strong parin ha." ngising salita nito.

Naging maganda ang tagpo ng buhay magkaibigan namin simula nuong pitong taon na ang nakaraan. May sarili na kaming pamilya at ganun parin ang trato namin.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon