Chapter 21: Para sa Kanya

2.8K 104 9
                                    

*TRISTAN POV*


Matagal bumalik si Kent sa opisina ni mama. Kanina pa ako nababagot sa kaghihintay sa kanya dahil kailangan naming tapusin ang ginawa namin.

Pambihira! Ala Una y Media  wala parin siya? Saan kaya nagsusuot ang luko nayon.

Galit ako sa katulad nila! Gusto kung ibuntong sa kanya ang galit pero hindi ko magawa dahil iba siya sa lahat. Palaban kasi siya at hindi magpapatalo. Iba siya sa lahat ng mga pinagtitripan ko nuon.

Syet! Naiinis na ako! Dumaan ang ilang minuto ay hindi parin siya dumating. Hindi ba siya nag-iisip na may naghihintay sa kanya. Mamaya ka sa akin luko ka!!

Ilang sandali pa ay dumating na rin si Kent. Nakangiti itong nakatingin sa akin at agarang umupo katabi ko.

"Alam mo ba ha!! Kanina pa ako naghihintay sayo? Saan ka ba nagsusuot luko ka!" galit kung sumbat sa kanya.

"Ano naman paki-alam mo kung matagal akong dumating dito? Sinabi ko ba sayo na hintayin mo ako?" maktol nitong sabi sa akin.

Palaban ka talaga ha! Bwesit kang hampaslupa ka!

"Hindi pa tapus ang ginawa natin pero ang tagal mong dumating! Tama ang isasahod ng ina ko sayo pero ang serbisyo mo namumulubi! Pangatlong araw mo palang dito pero palyang-palya ka! Bakit ba kasi tumatanggap ang ina ko sa mga tanga at walang kwenta? Akalain mo magaan ang luob niya sayo!! Anong meron sayo kung bakit gustong -gusto ka ng ina ko? Ginayuma mo ba siya ha!" diing sabi ko sa kanya.

Nawala ang pagiging palaban ni Kent. Nagbago ang kanyang ekspresyon ng tumingin ito sa akin.

"Natapus ko naman lahat ang ginawa natin kanina. Wala ka naring pro-problemahin duon dahil tama lahat ang pinagawa ng mama mo sa akin. At bakit ba kasi galit ka sa akin? Kanina ang bait bait mo pero ngayon nagbago ang ugali mo!" mahinahon nitong salita sa akin.

Himala hindi niya ako sinumbatan. Nawala ang pagiging palaban niya! Tskk.. Ito lang pala ang kahinaan niya.

"Alam mo ba mabwebwesit ako sayo! Sa lahat ng mga pinagtitripan ko  ikaw lang ang may ganang kalabanin ako! Hindi ka ba takot sa akin? Matapang ka diba? Kaya ipakita mo ang tapang mo! Hahaha.. Pare-pareho rin lang pala kayo. Mga walang kwenta!!"  diing sabi ko sa kanya.

Puot itong nakatingin sa akin. Hindi ko akalain na sa ilang ulit kung pangtrip sa kanya nuon ay ito lang pala ang katapat niya.

"Tristan! Pwede naman tayong mag-usap ng matino. Wag lang sa ganitong paraan. Hindi ko kasi masikmura ang ipinakita mong ugali sa akin ngayon. Naalala ko sa katauhan mo ang aking ama at sa nag-iisa kung kapatid. Ayaw ko sa mga ganitong usapin Tristan!" nakayuko ng sabi nito.

"Wala akong paki-alam. Tama naman ang sinabi ko na wala kang kwenta! Wala kang selbi at duwag! Bwesit ka sa paningin ko! Nasusuka ako kapag nakita kita! Ang sagwa mo kasi!" nakangising kung sabi sa kanya.

Subrang tahimik niya. Pailing-iling itong sinikmura ang sinabi ko.

"Hindi ako duwag at may silbi ako Tristan! Pati ba naman dito maririnig ko yan? ." pailing-iling nitong salita sa akin.

"Ang malas ko naman! Ang malas ng buhay ko." dagdag sabi nito.

Ngayon ko lang nakita si Kent na nagkaganito. Sa ilang ulit kung pangtrip sa kanya ay naduduwag din pala ang luko. Akala ko matapang siya. Mahina rin pala siya. Pari-pariho rin pala sila.

"Nakalimutan ko kasing gumawa ng takdang aralin kagabi kaya ginawa ko muna kanina. At ginawan rin kita dahil alam kung kinalimutan mo rin yun. Ohh!! Sayo yan!" mahinang salita nito at inaabot sa akin ang takdang araling ginawa niya.

Tulala akong nakatingin sa ginawa niya. Isang pirasong papel na halos lahat ng espasyo ay may sulat. Syet! Ito naman ang kabaitan niya! 

"Anong gagawin ko dyan?" kibit balikat kung salita sa kanya

"Ano sa tingin mo ang gagawin mo dyan?" seryusong salita nito.

Malaki ang binitawan kung ngisi para sa kanya. Mas lalong natulala siya habang nakatingin sa  nang-aasar kung mukha.

"I dont need your help! At isa pa ayaw ko ang ginawa mo dahil alam kung lahat yan ay mali. Nagsasayang ka lang ng oras!" ngising salita ko sa kanya habang ilang ulit na pinunit ang ginawa niya at itinapon sa basurahan.

Malalim na buntong hininga ang binitawan niya habang nakatingin sa ginawa ko. Alam kung galit siya pero kenokontrol niya ang sarili para kalabanin ako.

Kiukuyom niya ang kanyang kamao habang nakatingin sa pira-pirasong papel sa basurahan. Nakangisi akong nakatingin sa kanya habang siya naman ay patuloy sa ginawa niya.

"Alis muna ako!" mahinang salita nito at iniwan akong mag-isa sa luob.

Wala akong pinag-aksayahan ng oras kaya sumunod ako sa kanya.   Deritsahan ang kanyang paglakad habang nakasunod ako sa kanya.

Ilang sandali pa ay dumating narin kami sa silid kung saan gaganapin ang klase namin. Walang ganang umupo siya katabi kay Fretz at ganun din ang ginawa ko. Subrang tahimik niya.

~*~

"Okey class! As I remember may ipinagawa pala akong takdang aralin sa inyo kahapon. Gusto kong sabihin sa inyo na ang takdang araling iyon ay inkoneksyon sa itatalakay natin ngayon. Malaki ang puntos na makukuha ninyo dahil ang score na makukuha ninyo ay ita-tally ko iyon sa quizzes ninyo. Malas sa mga hindi nakagawa dahil may diduction kayo sa susunod na quiz. Alam nyo namang ayaw ko talaga sa mga estudyanting tamad at walang ganang gumawa ng takdang aralin." seryusong sabi ng guro namin.

Napalunok ako sa sinabi niya. Sa ikatlong pagkakataon ay wala na naman akong maipasa sa kanya. Syet! Binabalaan niya pala ako kahapon na kapag wala naman akong takdang araling maipasa sa kanya ay isusumbong daw niya ako kay mama. Pambihira! Kapag nalaman ito ni mom ay tiyak babawasan na naman ang baon ko.

"Ipasa ninyo ang inyong ginawa dahil babasahin ko ang mga pangalang gumawa ng takdang aralin. Congratulation dahil bibigyan ko kayo ng 20 points para sa susunod na quiz natin. At pasinsya na sa mga tamad dahil babawasan ko ang puntos niyo." seryusong sabi nito habang prenting naka-upo sa harapan.

Nakatingin ako sa ipinasang papel ng mga kaklase ko. Ako lang yata ang walang ginawa kaya patay talaga ako nito. Kung tinanggap ko kanina ang ginawa ni Kent ay malamang may naipasa sana ako ngayon.

Ini-record na ng guro namin ang ginawang takdang aralin nila. Maktol akong nakatingin sa harap habang nakikinig kay Fretz na masayang kinakausap ang katabi namin kahit tango lang ang naging tugon nito sa kanya.

"Okey class. Sasabihin ko sa inyo kung sino ang mga estudyanting hindi gumawa ng kanilang takdang aralin. Ay hindi pala!! Isa lang pala ang hindi gumawa  kaya inaasahan ko ang explaination mo kung bakit hindi mo nagawa iyon." poker face na salita nito at sa akin nakatingin.

Patay!! Kung hindi ko lang sana tinapon ang ginawa ni Kent kanina ay hindi sana ako hahantong sa ganito. Takot pa ba naman ako sa guro na ito dahil malakas siya sa mga magulang ko.

"Kent Alexander Andulana!! Tumayo ka at e-explain mo sa amin kung bakit hindi mo nagawa ang simpling sanaysay na ipinagawa ko sa inyo! Three paragpaph lang naman ang hinihingi ko pero hindi mo parin
magawa! " diing sabi nito.

Syet!!! Bakit siya? Pambihira! Hindi kaya!









ITUTULOY

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon