Tyler POV
Tulala akong nakatayo sa harap ng lahat. Malalim na buntong hininga ang binitawan ko habang mariing nakatingin sa aming guro. Lahat ng atensyon nila ay nakatuon sa akin. Seryuso sila at pawang malagkit na titig ang ipinukol nila sa akin.
Syet! Bakit ko yun nagawa? Isinakripisyo ko ang sariling takdang aralin para maisalba siya. Medyo nanghihinayang ako sa score na nasayang ko. Naawa na kasi ako sa kanya kaya na itaya ko ang ginawa ko.
"Hindi ko po nagawa ang takdang araling ipinagawa niyo po sa akin mam. Medyo marami kasi akong ginawa kagabi kaya nakalimutan ko iyon. Pagpasinsyahan niyo po ako mam at hindi na po iyon mauulit pa." nakangiting rason ko sa kanya.
Ilang besis akong napaimpit dahil sa rason ko. Sa tutoo dalawa ang ginawa ko at ibinigay ko kay Tristan ang isa. Hindi lang niya tinanggap bagkus itinapon niya ito sa basurahan. Ang sama talaga ng ugali niya. Kung hindi lang talaga malaki ang pasinsya ko baka nailibing ko na siya ng buhay. Sa bagay hindi rin naman niya kasalanan ang lahat. Ang tanga ko kasi kaya nangyari ito.
Ang nais ko lang kasi na maging mabuti ang pakikipagtungo ko kay Tristan. Baka maibaling niya ang pakikitungo niya sa akin sa tuwid at kabaitan. Yun rin lang naman ang ninais ko kaya nagawa ko iyon.
"Naintindihan kita iho. Ang sa akin lang dapat maging responsable ka rin lalo na sa mga gawaing pampaaralan. Lahat naman tayo dito ay may mga priority na gawin lalo na kapag nasa labas tayo ng paaralan. Wag nyo lang kasi kalimutan na importante rin ang mga ipinagawa ko sa inyo dahil tinuturan ko kayong maging responsabli sa mga bagay-bagay. Sige! Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon. Sa susunod na gagawin mo ito ay malaki ang ikakaltas ko sa eskor na makukuha mo sa susunod na pasulit natin. Naunawaan kita iho kaya pwede ka ng umupo." seryusong salita nito.
Patuloy ang pangaral niya sa amin. Umupo narin ako at mariing tiningnan si Tristan. Nakangisi siyang nakatingin sa akin kaya ibinaling ko ang atensyon sa harapan dahil naasar ako sa kanya. Kahit thank you man lang hindi niya magawa.
"Kent? Anong nangyari? Diba magkasama tayong ginawa iyon Nasaan yung ginawa mo?" takang tanong ni Fretz sa kanya.
"Nawala kaya wala akong naipasa." asar na salita niya.
"Paano nawala! Baka nandyan sa bag mo? Hanapin mo kaya para maka-pasa ka rin." diing sabi ni Fretz sa akin habang ibinuklat ang luob ng bag ko.
"Tanga kasi!! Tskk... Hindi ko naman sinabi sa kanya na isakripisyo ang sariling gawa niya para sa akin. Ganun na ba ako kagwapo Kent kaya nagawa mo iyon? O patay ka lang talaga sa akin? Sa susunod kasi wag mo ng gawin yun dahil ikaw lang ang mapahiya. At.at yang kabaitang ipinakita mo ay hindi yan tatalab sa akin!" diing salita ni Tristan sa akin kaya naibaling ko ang tingin sa kanya.
"Ha? Are you joking Tristan!" sabat na salita ni Fretz sa kanya.
"Bro wala akong ginawang takdang aralin kaya expected ako sana ang tatawagin ni mam. Ano ba naman kasi ang nakain niya kung bakit isinulat niya ang pangalan ko sa sarili niyang gawa." seryusong salita ni Tristan sa kaibigan niya.
"Masama bang maging concerned sayo Tristan? Alam mo naman diba na last chance mo na ngayon. Kung tinanggap mo lang kasi yung binigay ko sayo kanina baka hindi ito nangyari sa akin. Kahit thank you man lang hindi pa magawa. Ang sama mo talaga!!" maktol kung salita sa kanya.
"At sinabi ko ba sa iyo na gawin mo iyon? At bakit naman ako magti-thank you sayo? Wala akong paki-alam sa mga ipinakita mo sa akin dahil ayaw ko sayo? Para sa akin duwag at wala kang kwenta! Tskk! Bakit ba kasi katabi kita? Nahawaan ako sa kalampahan mo!" anghang na salita nito kaya hindi na ako magbitaw ng salita pa.
BINABASA MO ANG
Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)
RomanceHis ultimate crush pala ang kanyang sinaktan. Ano kaya ang reaksyon nya kapag malaman nya na ang binully at sinaktan nya ay ang idol pala nya. Tunghayan ang esturya nina Tristan at Tyler na magpa-iyak sa inyo at magbibigay leksyon. The Secret Billi...