Chapter 31: Pagbitaw ng Pangako

2.5K 92 7
                                    

Note: Hindi pa na-edit


*TRISTAN POV*

Wala sa wisyo nang pumasok ako sa unibersidad. Ang sakit kasi ng ulo ko at mukha yatang lalagnatin ako nito. Pumunta ako sa office ni mommy upang duon magpahinga muna.

Pagdataing ko duon ay nakita ko si Kent na nakaupo sa silya. Takot at kaba ang namumuo sa kanyang sarili ng maramdaman nyang pumasok ako sa luob.Umigham ako upang kunin ang kanyang atensyon ngunit hindi parin nya inangat ang kanyang ulo kaya nainis ako dahil duon.

"Nakita mo ba si mom?" panimula kung salita sa kanya.

Wala akong narinig na respond sa kanya kahit tango lang. Hindi parin nya inangat ang kanyang mukha kaya pumunta ako sa harapan niya at sapilitang inangat ang kanyang mukha.

Mariin akong tumingin sa kanyang mata. Kita ko ang takot at pangamba ng tumingin ako sa kanya. Tinapunan ko sya ng masamang tingin kaya mas lalo itong natakot.

"Bakit hindi ka sumagot! Pipi kaba?" galit kung salita sa kanya habang diniin ko ang paghawak sa kanyang dalawang pisngi. Pabaling-baling din ang kanyang tingin sa ibang parte ng aking mukha. Kaya lalo akong nainis dahil hindi nya ako tiningnan sa mata ng deritsuhan.

Wala parin syang sagot sa tanong ko kaya binitawan ko sya ng pabalibag. Yumuko parin ito habang pinisil-pisil ang kanyang kamay.

Hinayaan ko nalang siya tutal galit rin naman ako sa mga katulad nya at wala akong paki-alam kahit hindi pa nya ako pansinin.

Umupo ako sa upuan ni mama at isinandal ang aking ulo sa desk. Ang sakit kasi ng ulo ko kaya I need to rest for a while para makapagrelax din ako.

Nagising nalang ako nang may tumapik sa aking balikat. Inangat ko ang aking mukha at tumambad sa aking harapan si mom. Nag-alala ito base sa tingin nya sa akin.

"Okey ka lang ba Tristan" tanong nito sa akin habang dinampi nya ang palad sa ulo ko.

"Mukha yatang linagnat ka anak. Saan ka ba kasi sumuot kahapon. Nagpaulan ka ba?" pag-alalang tanong nito sa akin at hindi parin nya binitawan ang pagdampi ng kanyang palad sa nuo ko.

Hindi ko sinagot ang katanungan ni mom. Inilinga ko ang aking tingin sa paligid upang e-check kung nandito pa ba si Kent. Wala na siya dito baka lumabas.

"Mom nakita mo ba si Kent?" tanong ko kay mom.

Shit! Bakit iyon ang tinanong ko kay mom. Bakit ba kasi hinanap ko pa iyong Kentot na iyon e wala naman akong paki-alam sa kanya.

"Nagtataka nga ako kung bakit ang bilis nyang lumakad kanina papunta sa labas ng paaralan. Nakita ko kasi sya kanina sa gate nang pumunta ako sa Education Department. " salaysay nito sa akin habang inililapag nya ang attendance sheet sa bag nya.

"Wag ka munang pumasok Tristan. Dumito ka lang muna para makapagpahinga ka rin. Pumunta ka sa school clinic mamaya upang makapag-check-up ka. Humingi ka ng medical Certifcate sa kanila as evidence na absent ka ngayong araw na ito. Aalis muna ako dahil may klase pa ako." bilin ni mom sa akin at lumabas narin sa office.

Isinandal ko ulit ang ulo ko sa desk. Dinama ko iyong sakit ng ulo ko at panginginig ng aking katawan. Nang pinikit ko ang aking mga mata upang e-relax ang sarili ay napabalikwas nalang ako ng marinig ang pagbukas ng pintuan nang opisina. Hindi ko muna inangat ang aking mukha kasi nais ko munang magpapanggap na tulog.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon