TYLER POV
Isang malakas na hilik ang narinig ko ng nagising ako at tumambad sa akin ang katawan ng isang lalaking nakatalikod habang nakapulupot ang kanang kamay ko sa dibdib niya. Dahan-dahan kung inalis ang kamay ko at inaalala ang nangyari kagabi.
Shit!! Bakit ang sakit ng ulo ko?? Malakas talaga ang tama ng ininom ko kagabi. Plus hindi ko maalala yung mga nangyari. Ang naalala ko lang iyong panaginip ko kasama si Tristan na may ginagawa kaming kababalaghan. Hystt.. Akalain mo kahit sa panaginip sinusundan parin niya ako.
Umupo ako sa kama habang nakatingin sa hubad na katawan ni Zach. Nakatagilid kasi itong nakahiga kaya hindi ko nakita ang kabuohan ng mukha niya.
"Isa ka talagang maasahan na kaibigan Zach. Salamat dahil hanggang ngayon ikaw parin ang tagapagligtas ko tuwing nalalasing ako." mahinang sabi ko sa kanya.
Tumayo narin ako at parang lantang gulay na lumalakad papunta sa CR. Bulalas akong humarap sa salamin at ilang ulit na inayos ang magulo kung buhok.
Napahilamos narin ako para bawasan ng kunting hang-over. Ilang ulit akong napakurap dahil nahihilo pa ako ng kunti.
Tika!! Bakit pumula ang liig ko. Wala naman akong allergy. At.. at meron pa sa bahagi ng katawan ko. Pati sa kanang utong ko meron rin. What the Heck!!
Napasabunot nalang ako at bumalik sa kwarto.
What? No way!! Hindi si Zach ang kasama ko!! Si..si Tristan!!
Anong ginawa niya dito?? .Really?? Nanlaki ang aking mata dahil sa naisip ko. Damn!! Sa tingin ko tutuo ang panaginip ko kagabi.
"HOY!!!! GUMISING KA!!" sigaw ko sa kanya kaya napilitan itong gumising at umupong tumingin sa akin.
"May nangyari ba sa atin kagabi?" galit kung tanong sa kanya.
"Sa natandaan ko kagabi meron naman" ngising salita nito at tumingin sa katawan ko.
"That kiss marks.. Ako ang gumawa ng lahat na yan. At salamat dahil pinatulan mo ako." dagdag sabi nito.
Halos sasabog na ako sa inis ng narinig ko ang sinabi niya. Hindi lang inis dahil galit rin ako.
"What's that expression?? Ginusto naman natin ang nangyari at subrang nag-eenjoy ka pa nga." ngiting sabi nito at lumapit sa akin.
"Gusto mo ulitin natin ang nangyari kagabi. I want to heard your moan again at yung sinabi mong I want to made love with you". ngising salita nito.
"So sino sa atin ngayon ang bakla? Ilang ulit mo sa akin sinabi yan nuon pero ikaw pala kumakain sa sarili mong salita." galit kung sumbat sa kanya.
"So what? I dont care dahil sayo lang ako nababakla at yung ginawa natin kagabi ay hindi ko yun pinagsisihan. Pinatikim mo kasi ako ng langet." diing sabi nito.
"Its a big mistake na pinatulan kita. Hindi mo ba alam ha!! Na halos lahat ng ka-inosentihan ko ay kinuha mo!! Ninakaw mo ang una kung halik at nainis ako dahil doun.At . at kagabi.. Yun rin ang una kung karanasan sa pagtatalik. Napakababoy mo!! Kaya di kita mapatawad kailanman!!" sumbat ko sa kanya pero hindi parin umiba ang ekspresyon niya bagkus patuloy parin itong ngumisi.
"At masaya ako na malaman yan. Ako pala lahat ang una." ngising dagdag nito kaya mas lalo akong nainis dahil sa ipinakita niyang ekspresyon.
"Lumayas ka dito!! Wag kanang magpakita pa sa akin dahil nababanas ako sayo!! Nadagdagan ang inis ko sayo lalo na sa nangyari kagabi!!" bulyaw ko sa kanya.
Printi itong nakaupo at nakangisi parin ito. Makapal talaga ang apog ng taong ito. Kahit tinaboy ko na, hindi parin umalis.
"Hindi ko naman kasalanan kung tumugon ako sa halik mo. Nabigla nga ako kung bakit mo ako hinalikan pero nadala ako sa banayad mong halik kaya tinugon ko. Alam mo namang may gusto ako sayo kaya opportunity ko narin yun. Hindi rin naman ako ang may kasalanan sa nangyari kagabi. Pati rin naman ikaw." nakangiting pahayag nito.
BINABASA MO ANG
Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)
RomanceHis ultimate crush pala ang kanyang sinaktan. Ano kaya ang reaksyon nya kapag malaman nya na ang binully at sinaktan nya ay ang idol pala nya. Tunghayan ang esturya nina Tristan at Tyler na magpa-iyak sa inyo at magbibigay leksyon. The Secret Billi...