TYLER POV
Nandito ako ngayon sa loob ng opisina ng guro at hinihintay ito dahil daw may pinuntahan. Nagpasyahan kung ialiw muna ang sarili sa pamagitan ng paglaro ng mobile phone.
Bumukas ang pintuan at tumbad ang pawisang pagmumukha ni Tristan. Wala talagang mudo. Kahit katok man lang hindi niya magawa.
Hindi ako umimik at binaling ang tingin sa selpon. Wala akong pakialam sa kanya tutal hindi naman kami kaibigan. Minumura pa nga niya ako.
Umupo sya sa silya na nasa katabi ko at randam kong tumingin sya sa akin. Hindi ako mapakali dahil narin sa presinsya nya.
Pero hindi ko rin mapigilan ang aking sarili na hindi tumingin sa kanya. Ang daming pawis na tumulo sa kanyang mukha at wala yatang pakialam tung bakulaw na pahiran ang kanyang mukha ng panyo o di kaya tissue.
"Oh panyo! hindi ko pa yan nagamit. Gamitin mo muna yan" walang kaemosyong salita ko sa kanya.
Kahit panget ang ugali niya ay hindi ako tarantado gaya niya. May awa parin ako sa katulad niyang demonyo.
"Anong gagawin ko dyan?" irap na salita niya sa akin.
"Edi kakainin mo. Minsan lang din akong maging mabait kaya lubusin mo na lalo na sa mga demonyong katulad mo."irap ko ding sabi sa kanya.
"Hindi ko kailangan yan! Lumayo ka nga sa akin." diing sabi nito at tinabig ang kamay ko.
"Edi wag! Pahiran mo nga ang mukha mo. Nagmumukha kang gusgusin." seryuso kung salita sa kanya.
"Wala kang paki-alam!" pout na sabi nito.
Bwesit tung kutong lupa nato. Pwes! Kung ayaw mo ako ang gagawa.
"Matanda kana Tristan kaya wag kang pabebe. Kahit pagpahid lang ng pawis ipagawa mo sa iba. Gusto mo bang magkasakit ha? Mahal ang panghospital kaya ingatan mo ang sarili mo." seryuso kung salita sa kanya habang inangat ang mukha niyang pawisan. Dahan-dahang inilapat ko sa mukha niya ang mabango kung panyo. Buti nalang hinayaan niya ako.
"May pera naman kami." maktol na salita nita. Buti hindi ka masungit ngayon.
"May pera nga kayo. Eyh paano kung malala ang sakit mo. Baka maubos ang pera niyo. Alagaan mo ang sarili mo. Simpling pagpahid lang nang pawis hindi mo magawa." irap na sabi ko s kanya.
Inangat ko pa ng kunti ang mukha niya kaya tumambad sa akin ang makinis niyang liig. Seryuso itong nakatingin sa akin habang patuloy ang ginawa ko.
"Tapos na!" ikli kung salita at maktol na umupo katabi niya.
"Anong ginawa mo?" late reaksyon niyang tanong. Tanga lang ha!!
Ilang minuto ang nakaraan ay bumukas ang pintuan at iniluwa doon ang hinihintay namin na si mam Charmaine.
"Nandito na pala kayo. Pasinsya na mukhang kanina pa kayo naghihintay. Pumunta kasi ako sa Admen dahil may inaasikaso ako kaya natagalan ako."pangdahilan nito at umupo narin sa kanyang silya. Kaharap namin sya ngayon. Prenting naka-upo ito sa silya niya.
"Kent Alexander Montenegro ang pangalan mo diba?" tanong nito sa akin.
"Opo mam" ikli kung sagot nito.
"Anyway ako pala si Charmaine Cruise at pasinsya na hindi ko naintroduce ang pangalan ko kanina" pakilala nito sa akin sabay lahad kanyang kanang kamay.
BINABASA MO ANG
Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)
RomanceHis ultimate crush pala ang kanyang sinaktan. Ano kaya ang reaksyon nya kapag malaman nya na ang binully at sinaktan nya ay ang idol pala nya. Tunghayan ang esturya nina Tristan at Tyler na magpa-iyak sa inyo at magbibigay leksyon. The Secret Billi...