*Tristan POV*
Hindi pumasok si Kent simula nung umaga pa. Alalang-alala ako sa kalagayan nya kaya hindi rin ako makapagpokus sa mga diskasyon ng aming mga guro. Ganun din si Fretz at kanina pa ito nakatingin sa trangkahan ng klasrom.
Hindi ako mapalagay kaya lumabas ako. Gusto ko kasing hanapin si Kent kaya nagpasyahan kung lumiban muna ng klase.
Linibot ko na lahat yata ang kabuohan ng unibersidad ngunit hindi ko sya nakita. Masakit narin ang balakang ko dahil halos dalawang oras ko na yata syang hinahanap. Kaya nakapagdesisyon akong tumambay muna sa isa sa mga kiosk.
Pero nanlaki ang aking mga mata dahil nakita ko duon ang taong kanina ko pa hinahanap. Isinandal nya ang kanyang sarili sa bubong ng kiosk habang ginapos nya ang kanyang mga kamay sa bag nitong dala. Nakapikit ito habang suot parin nya ang kulay gray nito na hoodie. Kita ko ang kanyang gwapong mukha na may ilang pasa at dugo na namumuo dito.
Ilang saglit pa ay bumuka ang kanyang mga mata. Nataranta ako ng saglit dahil nahalata yata nyang kanina ko pa sya tiningnan.
"Ke.nt masa.kit pa ba yang mga su.gat mo? Gus.to mo tu.lungan ki.tang gamu.tin yan." utal kung salita sa kanya na may halong pag-alala.
Pero wala akong narinig na respond galing sa kanya. Imbis tumingin ito sa akin ay mas ginusto pa nyang yumuko.
Napalingon nalang ako ng may narinig akong halakhak sa trangkahan ng kiosk.
"Oi nandito pala ang babe ko. Kumusta kana Tristan. Ang tagal na nating hindi nagkita, tuloy namiss ko na yung lambingan natin." masayang salita ni Charity para sa akin habang inilingkis nya ang kanang braso sa balikat ko.
Nakasunod rin sa kanya sina Fretz at Analie habang nakatuon ang pansin nila sa katabi ko. Kita ko sa mukha ni Fretz ang pag-alala.
"Aba nandito pala yung higad na bakla. Look ang daming pasa ng kanyang mukha. Mabuti rin yan sa kanya dahil ayaw ko kasi sa mga malalandi na bakla!" tusong sabi ni Charity kay Kent.
Hindi umimik si Kent. Nakayuko parin ito habang pinisil-pisil ang kamay niya.
" Kawawa naman si Bakla baka nabug-bug dahil may binabakla na naman. Ayan kasi ang mapapala sa mga assuming na bakla. Kung ako sayo sana magpakamatay ka nalang dahil wala ka namang silbi dito sa mundo!" dagdag sabi ni Charity sa kanya.
Biglang nag-iba ang awra ko ng narinig ko yung sinabi ni Charity. Kaya ang ginawa ko ay ibinalibag ang kanyang kamay na nakaakbay sa akin habang tinapunan sya ng masamang tingin.
"What? Tutoo naman diba na malandi yang bakla na yan! Isa rin sa mga biniktima nya diba si Fretz! Bestfriend mo ang biniktima Tristan eh bakit mukha yatang kinampihan mo ang bakla na yan!" pagalit na sumbat nito kay Tristan.
"Shut-up, Charity. Kung ayaw mong mapaalis dito kaya manahimik ka nalang!" galit kung sabi nito.
"Aba pati si Fretz nagayuma ni bakla. Ang lagkit kasi kung makatitig." biglaang sabi ni Analie na nakatingin kay Fretz.
Napalingon kaagad si Fretz kay Analie at tinapunan din ito ng masamang tingin. Halatang napatakot si Analie sa inakto ni Fretz kaya ayun tumahimik ito.
"Kent bakit may pasa ka. Sinong gumawa sayo nyan?" pag-alalang tanong ni Fretz kay Kent.
Hindi sumagot si Kent. Mas tinuon parin nya ang pagyuko.
Ilang saglit pa ay may narinig kaming tunog ng telepono. Kaya napatingin ako sa mga kasama ko baka sa kanila ang telepono.
Biglang kumilos si Kent at kinuha ang bagay sa luob ng kanyang bag. Hindi nya sinagot ito pero may tenype sya sa kanyang telepono.
BINABASA MO ANG
Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)
RomanceHis ultimate crush pala ang kanyang sinaktan. Ano kaya ang reaksyon nya kapag malaman nya na ang binully at sinaktan nya ay ang idol pala nya. Tunghayan ang esturya nina Tristan at Tyler na magpa-iyak sa inyo at magbibigay leksyon. The Secret Billi...