TYLER POV"Wag mo akong kilitiin diyan. Weakness point ko yan" mahinang halak-hak nang lalaking kasama ko ngayon dahil sinundot siya sa katabi nito.
"Ang likot mo kasi. Kanina ko pa sinabi sayo kung kailan natin gawin yung 1st baby natin. Excited na ako." asar nang isa kaya binatukan siya ng katabi nito.
Nagtatawanan silang dalawa sabay yakap sa isa't-isa. Tahimik lang kami ni Angela na nagmamasid kay Aaron at Zach. Tuloy nilanggam kami dahil sa kasweetan nila.
Nagpaliwanag narin sila tungkol sa nasabi nila kanina. Matagal na raw may relasyon sina Zach at Aaron pero ngayon ko lang nalaman ang lahat. At isa sa mga dahilan kung bakit nandito siya sa cebu ay si Aaron.
Naging mag-kaibigan sila nuong elementary at madalas daw silang magkasama nuong bata pa sila. Bestfriend ang turing niya kay Aaron hanggang sa hindi inaasaan ay nahulog ang luob ni Zach sa kinakapatid ko.
Hindi niya inamin ang naramdaman sa binata kaya senekrito niya ito nang ilang taon. Pero naunahan siya ni Aaron dahil ito ang unang umamin sa naramdaman niya. Masaya siya dahil pareho lang pala sila na may naramdaman sa isa't-isa.
Pasekreto silang nagkita kahit nuong nasa manila pa kami. Matagal na pala sila at mag-lilimang taon na ang relasyon nila."Oh ba't ang tahimik mo diyan?" biglang salita ni Angela sa akin.
"Wala lang, nabigla lang ako sa binunyag niyo" mahina kung tugon kay Angela habang patuloy na nagmamasid sa dalawa.
"Ilang buwan na pala kayo ni kuya?" dag-dag tanong ko nito.
"Magdadalawa narin." ikling sagot niya sabay bitaw nang nakakalukang ngiti. Kita ko sa kanya ang kagalakan sa mata nang pinag-usapan namin si kuya.
"Nuong umalis ka ay pinagsisihan ni Chad ang lahat na nagawa sa iyo. Paghihinayang at kalungkutan ang namumuo sa kanyang dibdib at hanggang ngayon ay hindi niya mapatawad ang sarili dahil sa ginawa niya. Nagbago si Chad at naging positibo ito dahil ikaw daw ang naging inspirasyon niya." salaysay nito sa akin at bumitaw nang buntong hininga.
"Simula nuon ay nag-eexcel sa academic si Chad at naging magkaibigan kaming tatlo. Halos bukang bibig ka nga sa kanya kapag kasama namin siya. At di rin maiwasan na mapahanga ako sa taglay niyang kabaitan at ang laki nang pagbabago ng ugali niya kaya mas lalo akong nahulog sa kanya kasi maalaga siya sa akin." nakangiti nitong sabi sa kanya
"At yun nga, sa luob ng dalawang buwang pagkakaibigan namin ay mas naging close kaming tatlo. Kaming tatlo ang nag-dadamayan at katuwang kapag may aktibidadis kami sa paaralan. Masaya siyang kasama at masaya rin siya na naging kaibigan niya kami." napatigil siya sa pagsalita pero randam kung kinikilig siya.
"Hanggang sa inamin niya na gusto raw niya ako. Hiningi niya ang pag-ibig ko kaya ibinigay ko naman sa kanya. Bakit ko naman sayangin eyh gusto ko naman diba. Ang saya ko nga dahil nuon hinangaan ko lang siya pero naging akin din sa huli." nakangiti nitong salaysay sa akin.
Natapus narin ang salaysay ni Angela at ayun nahimas-himasan rin dahil nasabi narin nila ang mga sekretong palihim na tinatago nila. Masaya ako sa pagbabago ni kuya Chad at ikinagalak ko ring naging karelasyon niya si Angela.
..............
.............Ilang sandali pa ay nagpasyahan naming pumunta sa basketball court. Namiss narin kasi naming maglaro nang basketball kaya ayun napag-usapan naming maglaro muna. Ilang buwan narin yata akong hindi nakahawak nang bula kaya ito nang tamang panahon upang ibalik ang dati kong bisyo-ang paglalaro ng basketball.
Nang narating namin ang kaluoban ng court ay bumungad sa amin ang team nina Tristan na pawisan habang nakaupo sa bench ng court. Kakatapus lang nilang maglaro kaya humingi kami ng permiso upang hiramin ang bulang ginamet nila.
Nakatingin sa akin sina Tridtan at ganun din ang kasama niya. Nandun din si Fretz pati narin si Goarge kaya di maiwasang ilangan ako sa titig nila. Tumigil din sa pagsasalita ang coach nila at nakatuon ang kanilang atensyon sa amin. Ibinaling ko ang tingin sa ring habang sinimulan ni Zach ang pagdribble sa bula.
"Game" nakangiting sigaw ni Zach sabay tapun nang bula papunta sa akin. Mabilisan ang pagsalo ko sa bula at bumitaw nang ngiti sa dalawa.
"Game!!" mahina kung salita at sinimulan ang laro.
Short Udate :)
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)
RomanceHis ultimate crush pala ang kanyang sinaktan. Ano kaya ang reaksyon nya kapag malaman nya na ang binully at sinaktan nya ay ang idol pala nya. Tunghayan ang esturya nina Tristan at Tyler na magpa-iyak sa inyo at magbibigay leksyon. The Secret Billi...