Chapter 53: He Kiss Back

2K 80 3
                                    

TYLER POV



Iniwan akong mag-isa ng dalawa kung kaibigan dito sa inupuan ko. Wala na rin akong magawa pang sundan sila dahil hindi ko pa kayang harapin si Chad lalo na ang pinakamahal ko na ina.

Malaki ang aking dahilan kung bakit ayaw kung makita sila. May kasalanan rin naman kasi ako lalo na't hindi ako nagparamdam sa kanila ng mga ilang buwan.Tuloy hindi ko maiwasang ma-guilty sa sarili.

Maingay ang kaluoban ng silid dahil sa musikang pinatugtug. May kadiliman rin kaya nawala sa aking paningin ang dalawa kung kaibigan at ang aking kapatid.

Tanging party light lamang ang nagsisilbing ilaw kaya di rin maiwasang mawala sa aking paningin ang aking ina na kanina'y nag-uusap sa harap kasama ang dati kung naging amo.

Napabalikwas nalang ako dahil sa taong biglaang sumulpot sa harap ko. Nakangiti ito habang hawak niya ang nag-iisang plato ng may lamang pagkain.

Tatayo sana ako para umalis pero pinigilan niya ako.

"Wag kang umalis Kent. Dyan ka lang muna dahil may importante akong sasabihin sayo." seryuso nito salita habang inilapag ang pagkain sa lamesa.

Wala akong magawa pa kundi sundin ang sinabi niya. Naninibago ako sa kanya dahil naging maganda ang pakikitungo nito sa akin.

Naging maganda narin ang takbo ng pag-aaral ko dahil tumigil na ang nga estudyanting namba-bully sa akin. Simula kasing dumating ang dalawa kung kaibigan ay bigla nalang silang bumait lalo na ang taong kaharap ko ngayon.

Akala ko ay uupo sya sa harap
pero tumabi ito sa akin at kusang idinikit ang upuan niya sa upuan ko.

Nabuntong hininga nalang ako dahil sa ginawa niya. Umupo narin ito kaya dumikit ang mainit na balikat niya sa balikat ko.

"Para sayo lahat ang mga pagkaing ito. Alam kung gutom ka na kaya dinalhan kita nito." nakangiting sabi nito.

Mas lalong uminit ang pakiramdam ko dahil subrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Mata sa mata kaming nakatitigan at kita ko ang sari-saring emosyon ng mga ito habang nakatitig sa akin.

Ako ang unang umiwas at tahimik kong pinagmasdan ang pagkaing dala niya. Sinimulan ko narin itong kainin at di ko mapigilang mapamura sa sarap dahil lahat ng pagkaing dinala niya ay paborito ko.

"Masarap ba?"nakangiting tanong nito sa akin.

Tango lang ang naging sagot ko at ipinagpatuloy ang pagkain. Takam na takam ako sa pagkaing dala niya lalo na sa relyenong bangus na masarap ang pagkaluto.

"Ang sarap" nahinang salita ko habang linalasap ang pagkain.

Ilang saglit pa ay lumuwag narin ang pagkaupo ko dahil umalis si Tristan. Pumunta ito sa dining area at kumuha ng tenidor at kutsara.
Bumalik narin ito sa pwesto niya at sinaluhan niya ako sa pagkain.


Napatigil nalang ako sa pagkain dahil sa ginawa niya. Tumingin ako sa kanya habang takam rin ito sa pagkaing dala niya kanina.

Nagtataka akong nakatingin sa kanya dahil kinain rin niya ang pagkaing nakahanda sa nag-iisang pinggan kung saan ako kumuha ng pagkain.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon