Chapter 61

2.1K 76 4
                                    

Walang humpay ang sayawan  kasama ang mga kaibigan ko. Sumasabay sa tugtug ang mga katawan namin dahil medyo maganda ang pinatugtug ng dj.

Kaharap ko ngayon sina Angela at kuya na kanina pa naghaharutan. Ganun din sina Aaron at Zach na walang humpay ang pagiging sweet.

"Anak medyo lasing kana. Wag mo na kasing tanggapin ang shot na ibinigay ng mga kaibigan mo. Baka sasakit ang ulo mo niyan kapag nasubraan." biglaang tanong ni Nanay Migs sa akin kaya nakangiting humarap ako sa kanya.

"Nay, Wag po kayong mag-alala dahil mataas po ang tolerance ko sa alcohol. Minsan rin naman ito mangyari kaya tinudo ko na po ang pag-inom." nakangiti kung sabi sa kanya.

"Aba anak baka nakalimutan mo nuon na uminom ka tapus subrang lasing mo. Hindi mo nakontrol ang sarili mo kaya buong magdamag mong kinulong sa braso si Zach. Kahit kanino ka nakayakap at ayaw kung maulit iyon." concerned na sabi nito sa akin.

"Hindi mo parin yun nakalimutan nay hahaha.. Oo nga!! Buti nalang to the rescue si Zach baka nahalay na ako nung gabing iyon." ngising sabi ko sa kanya.

"Kaya dahan-dahan sa pag-inom.. Nga pala anak. Humingi na ng tawad sa akin yang kapatid mo kanina. Medyo nanibago lang ako sa kanya dahil ang laki ng pinagbago niya. Masaya ako sa kanya at para rin sayo anak." nakangiti rin nitong sabi.

"Iyon nga po nay ang ikinagalak ko. Medyo madaldal narin kaya nanibago rin ako. Iba talaga kapag nahawaan ng kabaliwan ng dalawa kung kaibigan" nakangiti kung sabi sa kanya.

"Yun nga po anak. Pero naparito talaga ako para balaan kang wag subraan ang pag-inom. Dahan dahan sa pag-inom anak ha. Aalis muna ako dahil gusto akong kausapin ng ina mo." huling sabi nito at umalis narin.

Patuloy ang kasiyahan at patuloy din ang pag-inom ko. Medyo nahihilo narin kaya umupo muna ako. Minsan lang ito mangyari kaya tinudo ko na.

"Lasing na tayo ahhh!!" biglang salita ng taong kakarating lang at umupo katabi ko.

"Wala kang paki!!" sumbat ko sa kanya.

"Pre!! Ito pa ohh!!" singit ni Goerge sa usapan namin at ibinigay ang isang shot ng bacardi. Hindi ito natuloy dahil pinigilan ito ng katabi ko.

"Wag na pre baka malasing yan." sabat nitong salita kaya di ko mapigilang mainis.

"Akin na yan!! Wag mo nga akong pigilan. Wala kang paki kung iinom ako." sumbat ko sa kanya.

"Mabuti pa pre kung samahan mo kami sa pag-inom. Subrang dami pa dun kaya itudo na natin to. Minsan rin naman ito mangyari." nakangising salita ni Goerge sa kanya kaya napatango nalang ako tanda na sumasang-ayon ako sa sinabi niya.

"Tumitigil na ako sa pag-iinom pre. Medyo malakas kasi ang impak ng ganyang inumin sa katawan ko lalo na't mababa ang tolerance ko sa mga ganyan." salaysay nya pa.

"Ikaw pre basta eenjoyin namin ang moment nato." nakangiting tugon nito at tinanggap ang empty shotglass na wala ng laman. Nainom ko na kasi.

Tristan POV

Suray-suray na sumayaw si Kent kasama ang mga kaibigan niya. Ganun din ang mga kaibigan nito medyo nakainom rin.

Hanggang ngayon ay hindi parin niya ako pinatawad. Ang laki talaga ng galit niya sa akin pero patuloy parin akong hihingi ng tawad sa kanya kahit ilang ulit niya akong itataboy.

Ilang sandali pa ay lumakad ito papunta kina Fretz. Nakangiti silang nag-uusap habang ang isang kamay nito'y nakaakbay sa balikat ng binata.

Aba!! Magkasundo na talaga ang dalawa. Malaki rin ang kasalanan ng gago na yan. Bakit ako hanggang ngayon di parin ako napatawad. Walangya!!! Ang unfair naman niya.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon