*TYLER POV*
Hindi ako makapokus sa aking dahil sa taong kaharap ko ngayon. Ilang araw narin buhat nuong nagkita kami sa jeep ay kaharap ko naman siya ulit ngyon. Taka ang namumutawi sa kanya. Nanginginig narin ako dahil sa kaba at mga pawis ay nag-umpisa naring tumulo.
Tudo yuko ang ginawa ko at iniwasang tumingin sa kanya. Kahit sang angulo niya ako tingnan ay makilala rin niya ako.
"May problema ba?" bruskong salita nito.
"Wala s..ir.. Pero pasinsya na talaga dahil maling tahanan ang napuntahan ko. Hindi napo uulitin sir. A..alis na po ako." nakayuko kung salita sa kanya.
Malalim ang buntong hiningang binitawan ko. Kahit malamig ang buong mansyon ay inulan ako ng pawis. Tumalikod ako sa kanya at dahan-dahang umalis sa harapan ni Zach.
"Sandali!!" sigaw nito kaya napaharap ako sa kanya. Gulat ang rumehistro sa kanyang mukha ng nakita niya ang kabuohan ng mukha ko. Syet!! Buking na buking na talaga ako nito.
"May kailangan po ba kayo sa akin sir?" takang tanong ko sa kanya. Pilit kung inipit ang boses ko para hindi niya ako mahalata. Siguroy nagtataka siya dahil hindi pangkaraniwang boses ang narinig niya. Para kasi akong iwan sa binitawan kung salita.
"May problema ba sir!" paos akong salita sa kanya. Ngiting pilit ang ibinitaw ko sa kanya habang mariin parin niya akong tiningnan.
"Ganyan kaba talaga magsalita? Para kasing inipit ang boses mo at isa pa ay hindi ka makatingin ng deritsahan sa akin. May tinatago ka ba?" takang tanong nito sa akin.
"I.nubo po kasi ako sir kaya ganito po ako mag.sa.lita. Tiyaka mahiya.in lang po ta.laga akong tao at isa pa ay kaha.rap ko po ngayon ang inoodolo ko. Ang.. gwa.po niyo po pa.la sa per.sonal." utal-utal kung salita sa kanya. Bwesit! Pinagpawisan parin ako.
"Alam kung may tinatago ka kaya kinakabahan ka ngayon. Bihira lang kasing may napadpad dito dahil pribado at ekslusibo ang mansyong ito! Guard!! Guard palabasin niyo ang impaktong ito. Kapahin niyo rin ang buong katawan niya baka may ninakaw siya." sigaw nitong sabi kaya gulat ako sa huling sinabi niya. Lumapit ito sa akin at madiing hinawakan ang kamay ko. Ang lakas niya! Bwesit! Mukha ba akong magnanakaw.
"Aalis na nga ako.. Kupal mo naman. Hindi ako magnanakaw at wala sa bukabularyo ko ang pagnanakaw. Pambihira!" galit kung salita sa kanya. Naibulas ko sa kanya ang tutoo kung boses. Eh ginalit kasi niya ako.
"Ginago pa nga ako ng Tristan na yun at dito pa sa mansyon mo ako napadpad. Pambihira namang buhay to oh!! Kung minamalas ba naman." bulas ko sa kanya.
Nanlaki ang kanyang mata dahil sa binitawan kung salita. Ilang besis siyang kumurap habang dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko. Kasabay ng pagbitaw niya ay dumating rin kaagad ang mga gwardyang tinatawag niya.
"Tinatawag niyo daw po kami sir. May ipapagawa po ba kayo?" ngiting bungad nito sa kanya.
"Diba sabi ko sa inyo wag kayong magpapasok ng tao na walang pahintulot sa akin. Paano kung magnanakaw yan!! O espiya!! Hindi ba kayo nag-iisip.." galit nitong salita sa gwardyang kaharap niya ngayon.
"Hinanap niya kasi ang ama mo sir. Si si..rr Tristan.. Sabi niya daw may asikasuhin daw sila at importanti daw kaya nakapasok siya dito.. Pasa.ylua (patawad) kaayo me sir.." pahumanhin nito sa amo niya.
Syet!! Kung mamalasin ba naman. Nakalimutan kung Tristan rin pala ang pangalan ng ama niya. Tangna! Bakit hindi ko iyon naisip.
"Ang sabi ko nga sayo hindi ako magnanakaw. Nagkamali lang naman ako ng tahanang pinapasukan. Diba aalis na ako kaya wag mo na akong pigilan ha. Sorry sa isturbo Zach! Promise! Hindi na ako aapak dito." sarcastic kung salita sa kanya. Padabog akong umalis sa harapan nila at magmamadaling lunakad papunta sa labas.
BINABASA MO ANG
Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)
RomanceHis ultimate crush pala ang kanyang sinaktan. Ano kaya ang reaksyon nya kapag malaman nya na ang binully at sinaktan nya ay ang idol pala nya. Tunghayan ang esturya nina Tristan at Tyler na magpa-iyak sa inyo at magbibigay leksyon. The Secret Billi...