Tristan POV
Isang buntong hininga ang binitawan ko ng tuluyan na silang unalis. Iyon na yata ang huling pagkikita namin at hindi maganda ang huling tagpong iyon.
Subrang sakit ang naramdaman ko sa mga oras na to. Parang sampal sa akin ang mga huling katagang binitawan niya.
Ganito pala ang naramdaman kapag binalewala. Ngayon ko lang ito na-experience at ang sakit pala.
Ito na yata ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko. Ang masaktan ng subrang-subra.
Ilang ulit kung pinahiran ang matang kanina pang bumabasa. Hindi ko kasi mapigilan ang pag-agus nito dahil sa kanya.
Mahal ko talaga si Tyler. Kahit ilang ulit kung pinigilan na hindi mahulog sa kanya ay hindi ko talaga mapigilan. Ganito pala ang ma-inlove. At ganito rin pala ang feelings kapag nasasaktan.Shit!! Fucking shit talaga!! Hindi makontrol ang mga luha ko. Ang sakit kasi!!
Wala na akong pag-asa pa sa kanya dahil sa huling katagang binitawan niya. Iyong sinabi niyang hindi niya ako gusto ay isang malakas na sampal sa akin.
Nasabi ko sa kanya na kapag hindi niya ako mapatawad ay susunod ako sa kanya hanggang sa mapatawad niya ako. Pero ngayon ay nawalan ako ng pag-asa. Napatawad nga niya ako pero alam kung hindi yun sensiro. Parang hindi yun matuloy ang pinaghugotan ko.
Naalala ko tuloy ang regalong binigay niya. Kahit hindi maganda ang huli naming tagpo ay meron naman siyang ibinigay sa akin at nagbabakasakaling may pag-asa pa ako. Iyon nga lang ay aalis na siya at hindi ko na siya makita pa.
Ito nalang yata ang naiwan niya sa akin. Ang munting regalo nito na hindi ko pa nakita kung ano ang laman.
Patuloy paring pumapatak ang mga luha ko habang mahinang binuksan ang maliit na supot na bigay niya. Iingatan ko ito at makakaasang tatagal ng ilan pang taon ang bagay na bigay niya.
Ngunit biglang umurong ang mga luha ko ng makita ko ang bigay niya. Para akong baliw dahil nakangiti akong umiyak habang hawak ito.
Isang maliit na sulat ang kasama duon at ipinasok sa bagay na matagal ko ng hinahanap. Tatlong buwan ko tung hinahanap pero nasa kanya pala.
Naka-ukit ang pangalan niya sa isang singsing na ibinigay niya sa akin nuong bata pa ako. Maliit man ito pero mahalaga ito sa akin.
Ito na ba talaga ang senyales na may pag-asa pa talaga ako. Kung wala siyang naramdaman sa akin bakit niya ito binalik.
Binuksan ko ang maliit na sulat kasama sa singsing. At nagbitaw ng isang malalim na buntong hininga habang binasa ang sulat na ibinigay niya.
Mas lalo akong naiyak ng nabasa ko ang sulat na gawa niya. Kahit dalawang litra ang nakasulat duon ay malaking impak na ito para sa akin.
"Take Care!!"
Ang dalawang litrang yan ay hindi ko makalimutan dahil kahit hindi niya ako gusto ay may pag-alala parin ito sa akin.
Pinunasan ko ang mga luha ko habang isinuot ang singsing na bigay niya sa akin. Nakangiti akong hinagud ito habang inaalala ang mukha ng taong nasaktan ko at iniibig ko.
Kung mabalik lamang ang panahon ay matagal ko ng naitama kamalian ko. Mamahalin ko siya kahit mali man sa mata ng mga tao dahil pareho kaming lalaki. Gagawin ko lahat para mapasaya siya at kailanman hindi ko siya sasaktan. Pero huli na ang lahat!! Ang tanga ko kasi!! Ang lupit talaga ng tadhana.
Natigil ang aking pag-iisip ng marinig ko ang ringtone ng isang sikat na brand ng cellphone. Hindi sa akin nanggaling ang ringtone dahil pinalitan ko ito. Mas hindi rin kina dad at mom dahil theme song nila ang eni-ringtone nila.
Hinahanap ko ang pinanggalingan ng tunog. Medyo malakas kasi ang volume kaya madali ko itong nahanap.
Naguguluhan ako kung sino ang may-ari ng selpon na hawak ko. Hindi naman sa nangingi-alam ako lalo na sa privacy ng may-ari pero kailangan ko talagang buksan para malaman ko kung kanino talaga ito.
Sana walang password para mabuksan ko kaagad. I opened the power buttom at tumambad sa akin ang natural na wallpaper ng Iphone.
Buti nalang na hindi ito nilagyan ng password ng may-ari. May mga calls din galing sa isang familiar na cellphone number.
Tika! Mukhang tumawag sa kanya si Fretz. So ibig sabihin na ang may-ari ng teleponong hawak ko ay si Tyler. Siya lang kasi ang close ni Fretz sa mga bisita namin kanina kaya hindi ko mapigilang manghinala.
Nanginginig kong hinalukay ang mga messages sa cellphone niya. Mali ang ginawa ko pero patuloy parin ang pagswipe ko dito. Tama nga ang hinala ko na sa kanya ang teleponong naiwan sa lamesa.
Mga ilang messages lamang ang rumerehisto duon. Kadalasan ay kina Zach at Angela, at kasama na duon ang mga messages ng mga network na ginagamit niya.
Bumalik ako sa homescreen at pumunta sa Gallery niya. Medyo marami syang mga picture na nakasave sa kanyang cellphone at kadalasan duon ay mga quotes ng mga sikat na basketbolista.
Mga ilan-ilan lamang ang nakita kung mukha ng kasama niya maging sa mga kaibigan nito dahil kadalasan ay mga cute na pusa ang nakasave duon.
Meron din naman siyang selfies ngunit mga ilan-ilan lamang ang nakita ko sa gallery niya.
Ngunit nadapo ang aking tingin sa isang files na halos isang libo ang nakasave na photos. Kahit hindi ko pa ito binuksan ay alam ko ang bilang ng images dahil nakalagay ito sa ilalim ng file lists.
Medyo nahiwagaan kasi ako dahil ang titulo ng files na iyon ay nagbibigay sa akin ng ibayong curiosity.
"My obsession" iyon ang nakalagay sa files niya.
Binuksan ko ito ng madalian hanggang sa nakita ko ang mga pictures na hindi ko inaasahang makita duon.
Alam ko kung sino ito...
At mas lalong alam ko ang buong pagkatao ng kinahumalingan niya.
Halos lahat ng mga images na nanduon ay familiar sa akin.
"Ang lalaking nakasuot ng basketball suites na may tatak na 06"
"Ang lalaking nakahubad habang dala-dala ang bolang paborito niyang laruin."
May ilan din siyang pictures ng batang lalake na naglalaro sa isang playground at kahit stolen shot iyon ay alam ko kung sino ang batang nasa picture.
Ganun parin ang imaheng nakita ko. Halos lahat ng mga pictures ng nakasave sa gallery niya ay nakasurveillance sa isang tao lamang.
Nanginginig akong nakatingin sa mga imahe. Hindi ko alam ang nardamdaman ko dahil sa nasaksihan ko.
Ilang ulit kung hinalukay ang mga imahe sa files na yun at mariing tiningnan ang sarili ...
ang sarili....
kung mukha.
Bakit??? Bakit halos lahat ng mga pictures ay ako!! Naguguluhan ako. Sari-saring emosyon ang bumabalot sa aking sarili.
Mas lalong akong nagulantang ng makita ko ang isa kundi hindi lang isa dahil marami pang imahe na sinadyang nakaphoto collage kasama ako at siya.
Lahat ng mga iyon ay may nakalagay ng texto na pumukaw sa aking atensyon. Hindi ko mapigilan ang aking naramdaman. Nangingilid ang luha ng makita ang katagang iyon. Ang katagang naka-ukit sa mga imahe.
"I LOVE YOU SINCE I MEET YOU..."
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)
RomanceHis ultimate crush pala ang kanyang sinaktan. Ano kaya ang reaksyon nya kapag malaman nya na ang binully at sinaktan nya ay ang idol pala nya. Tunghayan ang esturya nina Tristan at Tyler na magpa-iyak sa inyo at magbibigay leksyon. The Secret Billi...