Chapter 40: Namumuong Damdamin

2.8K 105 6
                                    

*Tyler Pov*

Buong magdamag yata akong hindi makatulog dahil sa kakaisip sa sinabi ni Tristan kahapon. Humingi sya ng paumanhin sa kanyang nagawang kasalanan pero iniwan ko sya duon na nag-iisa at umiiyak. Pinangunahan kasi ako ng galit kaya hindi ko sya napatawad.

Pero randam kung pinagsisihan nya ang kanyang ginawa base sa kanyang ekspresyon kahapon. Na-emagine ko tuloy yung mukha nyang nagsisi at seryusong nakatingin sa akin.

Ilang saglit pa ay nakatulog narin ako. Pagud narin kasi ako sa kakaiisip nya.

Kinabukasan ay nagising nalang ako dahil sa tunog ng aking telepono. Mukhang may tumawag sa akin kaya tiningnan ko ito upang echeck kung sino ang tumawag.

Sino naman kaya ito? Unknown number kasi ang rumerehistro sa telepono kaya ayun sinagot ko nalang.

"Hello" panimula kung salita nito.

"Si Ken ba to?" diritsahan nyang tanong sa akin.

"Upo si Kent nga po ito. Bakit po kayo napatawag?" nagtatakang tanong ko rin sa kanya.

"Kent si mam Charmaine mo ito. Pwede bang humingi sayo ng pabor. Ano kasi Kent. Gusto ko lang sanang pumunta ka dito sa bahay dahil may ipapagawa ko sayo. Ang dami ko kasing gawin at hindi ko kayang gawin itong mag-isa. Kailangan ko yung tulong mo" mahinag salita nito sa akin habang bumitaw ng buntong hininga.

Magsalita sana ako pero binabaan na nya ako ng telepono. Putik! Pwede bang wag nalang. Kasi makikita ko naman ulit si Tristan. Iniiwas ko pa naman sya. Eh ang tanga ko kasi. Nakalimutan ko palang assistant ako ng kanyang ina.

Sinabi ko kasi kay mam Cha na hindi muna ako makapunta sa kanila ngayong week-end dahil may gagawin ako pero mukha yatang minamalas ako. Seryuso kasi ang sinabi ni mam Cha kanina at mukha talagang kailangan nya ng tulong.
Pero gusto kung iwasan si Tristan? Tama! Paano kayang sasabihin ko nalang sa kanya na may lagnat ako.

Mabisa kayang planong ito? Tskk...

Ilang saglit pa ay naramdaman kung tumunog ulit yung telepono. Kinuha ko ito at diritsahang sinagut ang tawag.

"Hello?" panimula ko ulit.

"Ahm Kent. Nakalimutan ko palang sabihin sayo na may lagnat ako. Nanghihina ang aking katawan at hindi ko yata kayang kumilos mag-isa. Tatlong araw narin kasi tung lagnat ko at kailangan kung magpahinga. Pero pipilitin ko paring kumelos kahit may trangkaso ako. Kailangan ko yung presinsya mo dito Kent at nakaka-aasa akong pupunta ka dito." salita nito sa akin habang bumitaw ng ubo kuno.

Binabaan na naman nya ako kaya hindi ako nakapagsalita. Putik! Iniwasan ko pa naman si Tristan.

"Wag ka ngang tanga Tyler. Hindi si Tristan ang punta mo duon kundi yung trabaho na ipapagawa sayo ni mam Cha." salita ko sa sarili habang bumitaw ng buntong hininga.

****************
****************

Ilang besis ko ring penindut yung doorbell nila upang pagbuksan ako. Labing-limang minuto na yata ako dito at nakailan narin ako sa pagpendut ng doorbell nila kaso hindi parin ako pinagbuksan. Tuloy nangangatog na yung tuhod ko sa kahihintay sa kanila.

Penindot ko ulit yung doorbell nila at nagbabakasakaling pagbuksan ako. Ilang saglit pa ay narinig ko yung pagbukas ng pintuan nila at mga yapak ng paa papunta sa gate ng bahay nila.

"Agang-aga nambwebwesit! Wala kayong galang sa natutulog tuloy nadisturbo nyo ako!" salita nito habang palapit ng palapit sya sa gate.

Nakaramdam ako ng kaba ng marinig ko yung tinig nya. Galit kasi sya base sa mga binitawan nyang salita. At mas lalong kinabahan ako dahil si Tristan ang taong iyon.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon