Chapter 3: Ang Salarin

4.4K 140 6
                                    


Chad POV

Maikli ang pasinsya ko at alam ni Tyler iyon. Hindi ko alam kung bakit kumukulo ang dugo ko sa kanya. Mabuti naman ito sa akin at maalagang kapatid. Medyo nilamon ako sa selos kaya ganun nalang ang naging trato ko sa kanya.

Nagseselos ako sa kanya dahil simula bata pa kami ay sa kanya lahat ang atensyon ng mga taong naging importante sa akin. Para sa akin inagaw niya lahat.

Galit ako sa kanya dahil siya ang palaging bida sa mata ng lahat at ako iyong kuntrabida na walang ibang ginawa kundi malasin ang buhay ng inidolo nila.

Kaya nakaisip ako ng paraan para malasin ang magandang buhay niya.

Tinawagan ko si Manong Jaime kanina upang sabihin sa kanya na hindi magpasundo si Tyler sa paaralan. Binilin ko rin sa kanya na duon ito sunduin sa Mall na pagmamay-ari ng ama ko dahil iyon ang utos kuno ni Tyler. Walang kus-kus balungos ay pumunta ito kaagad sa nasabing lugar.

Alam kung may practice sila ngayon dahil malapit na ang interschool compitation kaya tudo ang insayo nila. Inutusan ko kaagad si Brandon na dukutin ang magaling kung kapatid. Magaling siya sa larangang ito at malinis itong magtrabaho. Ilang ulit ko narin itong inutusan sa mga pinagtitripan ko nuon pero hindi talaga ito pumapalya.








Binigay ko na rin ang eksatong lugar kung saan niya ito dukutin at ganun rin ang gantimpala sa trabahong ipinagawa ko sa kanya.

Pagsapit ng alas syete ng gabi ay tumawag sa akin si Brandon dahil sisimulan na niya ang kanyang trabaho. Isang makabuluhang tawa ang binitawan ko gumagana ang naging plano ko.

Tumawag ulit ito sa akin at sinabing naging successful ang kanyang misyon kaya ibinilin ko sa kanya na dalhin ito sa stock room na nasa gilid ng teacher department office at doon ilagay ang walang malay na katawan nito.


=========




Naging advance ang aking pag-iisip sa planong hindi ko sanang gustong gawin. Alam kung mag-alala ang aking ina para sa kanya pero ito rin ang natatanging paraan para makaganti ako.

Alas dose y medya ng gabi ay randam ko ang malakas na katok sa aking pintuan na syang pumukaw sa aking pagtulog. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang nag-alalang mukha ng aking ina.

" Chad? Bakit wala pa si Tyler. Ilang oras na yata ang dumaan pero hindi parin siya dumating. May dinner sana tayo ngayon sa labas kaso wala pa siya. Hindi ako mapakali anak dahil nag-alala ako ng lubusan sa kapatid mo" nag-alalang sabi ni mom.

"Ha? Hindi pa nakauwi si Tyler? Sa. Sa. Ganitong oras wala pa sya sa bahay. Tangna!! Nag-alala rin ako para sa kanya mom. Ngayon lang yata nangyari ito na hindi nakarating ng maaga si Tyler sa bahay. Baka..baka may nangyaring masama sa kanya mom." pakukunwaring sabi ko sa aking ina.

Pahingus at ngiyak-ngiyak ang naging reaksyon ng aking ina. Subrang pag-alala ang rumihistro sa mukha niya.

"Wag sana, ti.tinanong ko si Manong Jaime kanina at sabi niya na tumawag ka raw sa kanya na duon sunduin si Tyler sa mall tapos sabi niya dalawang oras daw syang naghihintay pero wala daw si Tyler. Mga ilang ulit rin niyang tinawagan ito pero hindi ito makontak." aliga-ga nitong tanong.




Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon