New Friend

2.8K 107 11
                                    

*TYLER POV*

"Gising ka na pala. Dalawang oras kanang nakatulog. Kumusta na ang pakiramdam mo ngayon. Okey kalang ba" bungad na tanong ni Fretz sa akin.

Nakaramdam ako ng uhaw. Punyetang Tristan na yan. Kung hindi niya sana ginawa ang pagblocking niya sa akin kanina wala sana ako ngayon sa school clinic. Nakakabadtrip naman! Unang araw ko sa eskwela ang malas. Kagagawan kasi ito ni Tristan.

"Okeey keeyo!!" ngiti kung tugon sa kanya.

Taas kilay itong tumingin sa akin. Nagtataka ako kung bakit sinamahan niya ako. Sa napag-alaman ko hindi pa naman kami prend.

"Nauuhaw ako Fretz. May tubig ka ba dyan?" maktol na tanong ko sa kanya.

"Meron naman! Oh inumin mo to. kabibili ko lang nyan. May sakit pa ba sa katawan mo?" alalang tanong nito sa akin sabay abut sa tubig na hawak niya.

"Malamang! Sino ba namang taong hindi malumpo sa ginawa ng kaibigan mo kanina. Ang lakas kaya ng pagkabagsak ko. Buti nalang hindi nauna ang ulo ko." inis na salita sa kanya sabay lagok sa tubig na binigay niya.

"Nga pala bakit ka nandito. Diba may klase ka?" takang tanong ko sa kanya.

Malaki ang ngisi niya. Mas lalong pumugi si Fretz dahil lumabas ang ngipin niyang puti at pantay.
Anong koneksyon sa tanong ko at sa ngisi niya? Hindi lang pala ako ang weird dito pati rin pala siya.

"Malamang binabantayan kita." ikling tugon nito sa akin.

"At sino namang nagsabi sayo na bantayan ako? Hindi tayo close noh! Nagsasayang kalang ng oras sa pagbabantay sa akin. " irap na sabi ko sa kanya at unti-unting inubos ang tubig na hawak ko.



"

Pasalamat ka nga dahil pogi ang nagbabantay sayo. Gwapo rin at hot!! Sino ba naman ang makahindi kung ang nagbabantay sayo ay mukhang artista. Aminin mo na kasi na gusto mo akong maging tagabantay mo." ngising salita nito.


"Concieted much ang loko! Oo na! Oo na! Gwapo at pogi ka! Mula ulo! Mukhang paa!" tawa kung sabat sa kanya.

Tumawa rin siya! Anak ng tipaklong! Kung makahampas sa balikat ko parang pumalo ng isang daang lamok. Masakit ksi eyh..

"Aray naman! Wag mo naman akong paluin. Alam mo namang masakit ang katawan ko, dinagdagan mo pa." puot kung sabi sa kanya.


"Sorry na kasi. Kyut mo talaga kapag naasar ka. Tika! Parang peki yata yan ang buhok mo. Buhaghag kasi." takang salita niya. Napahimas kasi ito sa buhok ko kaya hindi niya mapigilang manghinala.

Syet! Pakialamiro ka talaga kutong lupa ka! I need explaination para hindi niya ako mabubuking.

"Malamang galing sa disgrasya kanina kaya magulo ang buhok ko. At tyaka hindi ko kasi ugaling magsuklay kaya ganito itsura ng buhok ko." pagkukunwaring salita ko sa kanya.

Naniwala naman ang loko. Sa bagay mukha rin naman kasing tutuo ang wig ko kaya wala narin siyang tinanong pa ukol dito.

"Oh mukhang gising na pala ang pasyente! Kumusta ang kalagayan mo iho? Wala nabang masakit sa katawan mo." bungad na salita ng school nurse habang bumitaw ng napakalaking ngiti sa katabi ko.

Sa tingin ko nasa mid 20s pa ito. Maganda naman siya pero kapag tiningnan ng matagalan nakakaumay.


Aba! May gusto yata ang babaeng ito sa kasama ko. Kung makatitig wagas. Gwapo rin naman kasi ang loko kaya hindi maikala na maraming nagkagusto sa kanya.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon