Tyler POV
Simpleng hoody at maong na jeans ang suot ko ngayon. Wala narin kasi akong ibang masusuot pa kaya ito nalang muna ang susuotin ko sa party ni mam Charmaine. Imbitado kasi ako kaya minabuti kung ayusin ang aking sarili.
Mga ilang minuto narin akong nakababad sa salamin dahil nahihirapan akong ayusin ang peking buhok ko. Ang gulo narin kasi kaya sinuklay ko ito upang komportableng suotin.
Nang maayos ko na ang bagay ay sinuot ko na rin ito at hinanda ang sarili upang pumunta sa nasasabing selebrasyon.
"Nasaan na ba kayo?" malakas na sabi ko sa taong tinawagan ko ngayon.
Nasabi kasi sa akin ni mam Charmaine na pwede daw akong magdala ng kaibigan sa birthday party niya kaya inimbitahan ko sila. Buti nalang hindi sila tumanggi sa akin kahit hindi nila gaano kakilala ang taong pupuntahan namin.
"Parating na kami dyan." sagot ni Zach sa kabilang linya.
Ilang minuto ang nakaraan ay narinig ko ang bosina ng isang sasakyan sa labas. Dali-dali akong lumabas at nagpaalam narin sa mga kasamahan ko sa bahay.
"Tye? Pakisabi kay Zach na hindi muna ako sasama ngayon dahil may gagawin akong proyekto. Bukas na kasi ang deadline kaya tudo ang pagkayud ko para matapos iyon. At pakisabi rin sa kanya na mag-ingat siya" singit na sabi ni Aaron at bumitaw ng nilalanggam na ngiti.
"Mag-ingat ka anak at wag kang magpa-gabi ha." singit ring sabi ni nanay migs.
Tango at ngiti lang naging sagot ko at tuluyan naring lumabas sa bahay. Ilang saglit pa ay nakita ko ang dalawa kung kaibigan na ngayo'y nakangiting nakatingin sa akin.
"Oh sya pumasok na tayo sa kotse at simulan ang pagbyahe" seryusong sabi ni Angela.
Ilang ulit kong tiningan ang magarang kaluoban nang kotse ni Angela. Parang pamilyar sa akin ang sinasakyan namin at sa tingin koy nakasakay na ako nito nuon.
Inayos ko narin ang sarili at sinimulang ikabit ang seatbelt pero hindi maiwasang nahihirapan ako sa pagkabit nito.
Nasa backseat si Zach habang ako nama'y katabi ni Angela sa front seat. Binuhay narin ni Angela ang makina at napatingin sa gawi ko.
"Zach alam mo na ang gagawin mo." buntong hiningang sabi ni Angela at itinuon ang atensyon sa harapan.
Ilang sandali pa ay randam ko ang isang bagay na kumakalabit sa katawan ko. Dama ko rin ang dalawang kamay ni Zach na ngayo'y besi sa pag-ayos ng seatbelt. Nang matapos niyang ayusin ang pakay nito ay umupo narin siya at bumitaw ng nakaka-asar na ngiti. Kita ko ang kabuohan ng kanyang mukha sa front mirror.
"Kahit kailan ay hindi ka parin marunong mag-seatbelt. Malaki talaga ang hinala ko nuon na ikaw talaga si Tyler nang pumunta ka sa mansyon ni Zach. Ikaw lang kasi ang kilala ko na nahihirapan sa pagkabit ng seatbelt." nakangiting sabi nito sa akin.
Nabigla ako sa sinabi niya. Kaya pala pamilyar sa akin ang sasakyan dahil siya pala iyong babaeng tumulong sa akin nuong nagkamali ako sa pagpunta sa mansyon nila ni Zach.
Siya rin ang nagpa-muntik sa akin na mabuking ako dahil sinambit ko sa kanya ang buo kung pangalan."Tama nga ang hinala ko na ikaw iyon. Nuong una ko kasing nakita ka ay talagang pamilyar sa akin ang boses mo pate mukha. Kaya ang hinala ko nuon na ikaw ay si Angela. Pero nagdadalwang isip ako na baka hindi ikaw dahil sa pagkakilala ko sayo ay isa kang matabang babae na walang ibang magawa kundi kumain ng kumain." nakangiting sabi ko sa kanya. Puot lang ang naging tugon nito.
"Buti nalang ay nahatid kita sa bahay ni Zach at malaki rin ang pasalamat ko sa araw na yun dahil naging hakbang iyon upang matuntun ka namin." sabi nito.
"Ang laki talaga ng mundo noh? Oh siya!! Umalis na tayo baka mahuli tayo sa selebrasyon." dagdag sabi nito at simulang paandarin ang sasakyan.
Subrang ingay namin habang bumabyahe. Sumabay kasi sila sa kanta na pinatug-tug ni Angela kaya di maiwasang yumanig sa luob ang sintunado nilang mga boses.
Ilang sandali pa ay narating narin namin ang magarang bulwagan ng hotel kung saan gaganapin ang selebrasyon. Pinatay narin ni Angela ang makina ng kanyang sasakyan at bumaba narin. Nagtatawanan kaming pumasok sa bulwagan ng hotel at magsimulang lumakad papunta sa nasasabing lugar.
Maingay ang kaluoban ng lugar. May mga ilan-ilan ding mga tao sa labas na nag-uusap at payapang umiinom. Pumasok narin kami sa luob at bumungad sa amin ang isang magarang selebrasyon na animo'y pinaghandaan talaga.
Malaki-laki din ang lugar at tantya ko'y umokupa ito ng dalawang daang katao. Subrang daming dumalo sa nasasabing selebrasyon at ang ilan sa kanila ay minsan ko naring nakita sa unibersidad.
Umupo narin kami sa isang bakanting upuan at payapang minamasid ang taong nasa harap namin habang hawak nito ang isang wireless na mikropono.
"Magandang Gabi sa inyong lahat. Ako poy lubos nagpapasalamat dahil sa pagpunta nyo sa importanting araw ng aking asawa. Labis din akong nagpapasalamat sa mga taong nasa likod ng selebrasyong ito dahil kung wala kayo ay hindi namin magagawang maging maganda ang kalabasan ng aming munting handaan.
Sa dalawampo't limang taon ng pagsasama kasama ang aking asawa ay lahat ng ito'y labis kung ikinasaya dahil siya ang kauna-unahang babaeng nagpapatibok ng aking puso. Siya lamang ang babaeng mamahalin ko habang buhay.
At nais ko ring magpasalamat dahil binigyan niya ako ng isang gwapong anak na kamukha ko at isa pang anak na ngayo'y nabuboo na sa sinapupunan ng asawa ko."
Nabigla ako sa rebelasyon ni sir Edward. Ibig sabihin buntis si mam Charmaine.
Nakangiting nakatingin parin ako sa harapan at itinuloy ang pakikinig.
"Tatlong buwang buntis na ang aking asawa. Subrang saya ko nong nalamang buntis siya dahil sa wakas ay nasundan narin ang pinakamahal kung anak na si Tristan. Matagal ko narin itong hiniling sa puong-maykapal" ngiyak-ngiyak nitong sabi.
Hindi ko rin mapigilang maging mapaluha sa nasaksihan. Maging ang ilang besita ay naging emosyonal rin habang nakikinig sa magandang balita ng propesor.
Napalingon ako sa kaibigan ko na ngayo'y nakatingin sa kabilang bahagi ng inuupuan ko. Dama ko ang bigat ng emosyon nila habang pokus parin ang kanilang tingin sa isang tao na ngayo'y naka-upo sa isang upuang gawa ng kahoy.
Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa dilim ng paligid pero may pagkapamilyar ang dating at awra nito.
"Anong ginagawa niya dito?" gulat na sambit ng kasama ko habang nakatuon parin ang kanyang atensyon sa lalake.
"Iyon rin ang katanungan na gusto ko itanong." gulat na salita rin ni Zach.
Pagtataka ang namumutawi sa aking isipan dahil sa naging reaksyon nila ng makita ang isang tao na ngayo'y besi sa paghawak ng kanyang mamahaling cellphone. At hindi rin maiwasang kabahan ako dahil sa naging ekspresyon nila.
"Ibig sabihin kilala nyo ang lalake na yan?" sumbat ko sa dalawa habang hindi parin mawawala ang pagtataka.
"Nagbibiro kaba!! Kahit nakatalikod o nakatagilid ang tao na yan ay alam ko kung sino yan. Kahit utot niya at hininga ay alam ko rin dahil..." napatigil siya sa pagsalita ng itinutok ang spotlight sa taong pinag-usapan namin.
Nanginginig ang buong kalamanan ko habang nakatingin sa taong naging parte ng buhay ko. Sari-saring emosyon ang bumabalot sa aking sarili dahil ang taong tinutukoy nila ay iyon pala ang kuya ko.
"Kuya" mahinang sabi ko.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)
Любовные романыHis ultimate crush pala ang kanyang sinaktan. Ano kaya ang reaksyon nya kapag malaman nya na ang binully at sinaktan nya ay ang idol pala nya. Tunghayan ang esturya nina Tristan at Tyler na magpa-iyak sa inyo at magbibigay leksyon. The Secret Billi...