Tyler POVIsang linggo na ang lumipas ng umalis ako ng manila. Nandito ako ngayon sa cebu kasama ang pamilya ni nanay Mig. Kahit masakit sa akin ang umalis pero kailangan ko munang magpakalayo sa kanila. Simple lang naging buhay ko dito sa cebu. Hikahos man sa buhay pero kontento na ako sa pinakitang pagmamahal at pag-aaruga nila sa akin.
Tatlo lahat ang anak ni nanay. Ang dalawang anak nito ay nag tratrabaho bilang factory workers. Ang isang anak naman ni nanay ay nag-aaral pa.
May sariling gulayan ang asawa ni nanay Mig sa Carbon Market. Habang si nanay naman ay may maliit na karendirya sa harap bahay niya.
Mabait ang pakikitungo ng pamilya ni nanay sa akin. Naikwento narin nito lahat sa kanila ang dahilan kung bakit ako nandito. Taos puso nila akong tinanggap at tinuring na kapatid.
........
Isang malalin na buntong hininga ang binitawan ko habang inaayos ang hinigaan ko. Alas cinco y media palang ay gising na ang bunsong anak ni nanay Mig.
Kaya sumunod ako sa kanya upang tumulong rin sa gawaing bahay.Dalawang palapag ang bahay nila. Gawa sa lumang kahoy at tagpi-tagping yero. Maayus naman ang luob ng bahay nila pero delikado sa sunog lalo na't nasasakop ito sa pinakamalaking eskwater area ng Cebu.
"Napaaga yata ang gising natin?" ngiting salita ng katabi ko habang naghahain ng kanin.
"Nakakabagot kasi kapag walang ginawa. Tutulungan nalang kita." ngiti kung salita sa kanya.
Ang kausap ko ngayon ang bunsong anak ni nanay Mig. Magkasing edad lang kami nito at gwapo rin ang mukong. May ipagyayabang rin ito dahil sa mukha niyang pang-artista. Batak ang katawan at matangkad rin na lalaki katulad ko.
"Ganun ba! Cge kung yan ang gusto mo? Tyler matanong nga? Diba sa Exford University ka nag-aaral? Kilala mo ba si Zacharrean Redira?" tungangang tanong nito.
"Si Zach ba kamo!! Tsk!! Namiss ko na nga ang mukong na iyon. Hindi nga ako nakapag-paalam sa kaniya ng umalis ako. Sana hindi siya galit sa akin." maktol kung salita sa kanya.
Gulat itong tumingin sa akin. May nasabi ba akong mali?
"Ibig mong sabihin magkakilala kayo?" gulat parin nitong sabi.
"Ha?? Tinatanong pa ba yan? Sino ba namang hindi makakilala sa taong iyon eyh subrang sikat pa nga nun. Mas sikat pa nga yun sa akin. Plus bestfriend ko ang mukong na iyon kaya subrang kilala ko siya."
ngiti kung salita sa kanya."Really? Alam mo ba na........." salita nito pero hindi ko narinig ang huling sinabi niya. Pabulong kasi.
"Pasinsya na pero hindi ko narinig ang huling sinabi mo? Ano nga iyon?" ngising salita ko sa kanya.
"Wala!! hahahha.. Ipagpatuloy mo muna ang ginawa mo. Tatawagin ko lang si mama saglit" seryusong sabi nito at umalis narin.
"Cge umalis ka na! Wag kanang bumalik ha" biro kung sabi sa kanya.
"Aie sos!! Nagsalita ang may-ari ng bahay. Ayusin mo yan baka ipapaulit ko sayo ang ginawa mo kapag mali yan." ngising salita nito.
"Anak ng tukwa!! Umalis ka na nga!!"
Tinawanan ako ni Aaron. Simula kasi ng dumating ako dito ay nagpakita na ng kadaldalan si Aaron sa akin. Mas lalo ko itong nakilala sa mga ilang araw ang nagdaan dahil mas close kami nito kumpara sa dalawa niyang kapatid. Palabiro kasi ang mukong. Parang si Zach lang.
BINABASA MO ANG
Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)
RomanceHis ultimate crush pala ang kanyang sinaktan. Ano kaya ang reaksyon nya kapag malaman nya na ang binully at sinaktan nya ay ang idol pala nya. Tunghayan ang esturya nina Tristan at Tyler na magpa-iyak sa inyo at magbibigay leksyon. The Secret Billi...