NOTE: NOT YET EDITED
#4 PHtimeawards
#5 wattyawards
#26 pride
#30 watty.....
....*TYLER POV*
Hindi parin pumigil ang pagpatak ng ulan. Mas lalo pa nga itong lumakas na may kasamang kulog at kidlat. Ayun sa pag-asa, ito daw ay isang bagyo na tinatawag na bagyong Ruping. Nasa state calamities daw ang cebu at inaasahang makaranas ng cignal number-2. Nagdadala daw ito ng malakas na ulan, pagkulog at pagkidlat' at malakas na hangin.
Nandito kami ngayon sa sala nanunuod ng TV. Pokus kami sa pano-nuod ng balita kahit hindi kami nag-iimikan. Naiilang din ako minsan kay Tristan dahil sa kanyang titig na hindi ko maintindihan.
8:30 P.M nang echenick ko ang orasan. Gusto ko ng matulog dahil pagod kasi ang katawan ko katatrabaho kanina. Tumingin ako kay Tristan at ganun din sya sa akin. Magtanong sana ako sa kanya kung saan ako matutulog. Wag sana dito sa sala dahil subrang creepy natatakot ako dito lalo na sa mga lumang picture na nakasabit sa bibing.
Napabalikwas nalang ako ng nagsalita sya.
"Anong tingin-tingin mo dyan?" sabi nito sa akin na may halong galit ang tuno. Ibinaling ko ang tingin sa sahig na may halong hiya.
"May itatanong lang ako sayo Tristan. Pagod narin kasi ang katawan ko at kailangan ko ng magpahinga. Saan ba ako matutulog nito?" seryusong tanong sa kanya. Pinisil ko ang sariling kamay habang inangat ang mukha ko upang tingnan sya.
"Dito ka lang sa sala. Wala sa akin ang susi ng Guest Room dahil dinala ni mom. Bibigyan lang kita ng kumot at unan para narin komportable ka sa pagkahiga mo dito." walang kaemo-emosyon nitong salita.
"Pero Tristan natatakot ako dito. Eh kasi ang creepy ng bahay nyo. Pwede duon lang ako sa kwarto mo. Kahit sa sahig lang ako. Okey na sa akin basta may kasama lang ako. Hindi kasi ako sanay matulog lalo na sa sala." honest kung sabi sa kanya.
"Hindi pwede! Baka anong gawin mo sa akin. Bakla ka diba? Baka hahalikan mo ako ulit gaya ng ginawa mo kanina." sumbat nito sa akin na syang ikinabigla ko.
Hindi ko naman iyon sinasadya. Aksidente lang ang nangyari.
"Pasinsya sa nangyari kanina Tristan. Hindi ko iyon sinasadya at isa pa h.indi ako ba.kla" mahina kung sabi sa kanya.
Ilang besis narin nyang sinabi sa akin na bakla ako. Paulit-ulit rin iyong rumerehistro sa aking utak lalo ng ipinahiya ako sa iba gamit ang mga katagang iyon.
"Hindi ka bakla? Nagmamaangan ka pa! Eh feel na feel mo nga iyong paghalik sa akin kanina." mariing sabi nito sa akin.
Nainis ako sa kanyang sinabi. Sino ba ang nakapikit nung nagdampi ang aming mga labi. Diba sya? Feel na feel pa nga nya yung moment na'yon. Hindi ko nalang sya pinatulan kasi ang babaw ng pasinsya nya.
Walang sabi umalis ito sa inuupuan nya. Pumunta ito sa taas at pumasok sa kanyang kwarto. Ilang minuto ang nakaraan ay bumalik ito dala ang isang maliit na kutson, unan at kumot.
"Ilapag mo na iyan sa sahig at dyan ka matutulog. Wala akong pakialam kahit mumultuhin ka dito. Cge matulog ka na! Aakyat narin ako sa taas upang magpahinga narin." mariing sabi nito sa akin at umakyat narin ito sa taas.
Buntong hininga ang ginawa ko nang inilapag ang kutson sa sahig. Inilagay ko narin ang unan at kumot duon. Humiga narin ako pero nakaramdam ako ng ibayong kaba ng inilinga ko ang aking paningin sa paligid. May pagkadilim kasi sa may bandang kusina nila at dinagdagan pa sa bombilya nilang halos pumiyok na.
Takte naman to! Hindi kasi ako sanay matulog sa sala lalo na kapag wala akong kasama. Dinagdagan pa sa ambiance sa kanilang bahay na pang-haunted house ang dating.
BINABASA MO ANG
Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)
RomanceHis ultimate crush pala ang kanyang sinaktan. Ano kaya ang reaksyon nya kapag malaman nya na ang binully at sinaktan nya ay ang idol pala nya. Tunghayan ang esturya nina Tristan at Tyler na magpa-iyak sa inyo at magbibigay leksyon. The Secret Billi...