NOTE: Hindi pa na-Edit
*TRISTAN POV*
Nandito ako ngayon sa kusina kaharap si Tristan habang ininum ang kaping gawa nya. Kahit ilang besis kung ikontrol ang sarili na hindi sya tingnan pero mas lalo yata akong naadik sa kanyang mukha. Higup at nakaw tingin sa kanya ang ginawa ko ngayon. Ilang ulit ko rin iyon ginawa hanggang sa nahuli rin nya ako na nakatingin sa kanya na syang itinaranta ko.
"Okey ka lang ba Tristan?" tanong nya sa akin. Namula tuloy ako dahil sa titig nyang may halong pag-alala.
Hindi ko sya sinagot bagkus mas tinuon ko ang pansin sa pag-inum ng kapi. Inikot-ikot ko ang kutsara sa kapi habang rinig ko naman ang bawat paghigop ni Kent sa kapi nya.
Ilang saglit pa ay tapus narin kaming magkapi. Sabay naming iniligpit ang aming mga tasa at sabay rin kaming pumunta sa lababo. Nang narating namin ang sink ay hindi sinasadya nagtama ang aming mga balikat. Nakaramdam ako ng kilabot sa aking dibdib na para bang kinuryente ako. Bumilis yata ang tibok ng puso nang tumingin ako sa kanya habang sya rin ay nakatingin sa akin.
Syet! Nabihag na yata ako sayo Kent. Ngayon ko lang natanto tung naramdaman ko sayo. Ilang babae narin ang ka-flingy ko pero wala akong naramdaman sa kanila ngunit ikaw, iba talaga.
Inalis ko narin ang pagdampi ng aming mga balikat at kusang inalayo ang aking sarili sa kusina. Napamura nalang ako sa sarili ng lumayo ako duon.
*Tyler POV*
Hindi ko maintindihan minsan tung ugali ni Tristan. Minsan mabait at minsan masungit. Minsan mainitin ang ulo at minsan misteryuso.
Napabuntong hininga nalang ako ng tiningnan sya palabas sa kusina. Akala ko galit sya sa akin dahil duon ako sa kwarto nya natutulog kagabi lalo na't katabi ko sya pero hindi pala. Wala kasi akong narinig na sumbat galing sa kanya ngayon kaya masaya ako dahil dito.
Sa mga sandaling iyon ay nagpasyahan kung magluto muna para sa aming pang-agahan bago ko tapusin ang nasimulan kung pag-eencode kahapon.
Hotdog, itlog at pork soup ang linuto ko. Wala kasi akong ibang maisip na e-cook lalo na't kulang ang ingredients nila sa freezer kaya iyon nalang ang linuto ko.
Ganun parin ang ginawa ko. Ipinaghanda ko sya ng plato at kutsara sa hapag nya. Linagay ko rin ang isang basong tubig sa harap nya para ready siya anytime na inumin ito kapag mabila-ukan sya.
Kumain narin kami pero nakaramdam ako ng ilang minsan sa kanya dahil sa nakaw tingin nito sa akin. Nginitian ko nalang ito kapag nakita ko syang nakatingin sa akin kahit subrang seryuso nya at walang paki-alam sa ngiti-ngiti ko.
Nang matapos kaming kumain ay iniligpit ko narin ang mga materyales na ginamit namin sa agahan. Pumunta ako sa sink upang hugasan ang mga iyon pero nagulat nalang ako dahil sa ginawa ni Tristan.
Idinampi nya ang dib-dib nito sa likod ko sabay yapus sa kanyang dalawang braso sa katawan ko. Randam ko ang hininga nya sa batok ko habang hinugasan nito ang mga kamay nya sa sink. Bumilis yata ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa nya.
Pero mas lalo yatang naging abnormal ang pagtibok ng aking puso nang idinantay nya ang baba sa balikat ko. Halos isang minuto yata na ganun ang aming posisyon pero hindi ko nalang iyon ininda at ipinagpatuloy ang ginawa kung paghugas.
Umalis narin ito at bumalik sa silyang inupuan nya kanina.
Tapos narin akong maghugas. Nang liningon ko si Tristan ay nakita ko naman syang nakatingin sa akin. Nginitian ko ito pero seryuso parin ang mukha at hindi rumerespond sa ngiti ko.
BINABASA MO ANG
Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)
RomanceHis ultimate crush pala ang kanyang sinaktan. Ano kaya ang reaksyon nya kapag malaman nya na ang binully at sinaktan nya ay ang idol pala nya. Tunghayan ang esturya nina Tristan at Tyler na magpa-iyak sa inyo at magbibigay leksyon. The Secret Billi...