Chapter 44: Reunite Again

1.9K 74 3
                                    

TRISTAN POV

Kanina ko pa hinihintay si Kent. Hindi ako mapakali basta gusto ko syang makita at maramdaman iyong presinsya nya. Sinandal ko ang sarili sa pintuan nang silid habang naghihintay sa kanya.

Ilang sandali pa ay nakita ko narin sya kasama ang isang pamilyar na lalake. Napabuntong hininga nalang ako habang palapit sa kanila upang salubungon si Kent. Pinagmasdan ko ang kasama nya na sa tingin koy baguhan sa unibirsidad namin.

Tika! Bakit sya nandito? Sa napag-alaman ko duon sya sa Manila nag-aaral. Hindi kaya nandito sya upang mag-aral? Ano kaya ang dahilan kung bakit dito sya mag-aaral? Hindi kaya sa Kent ang dahilan?

Nakatingin ako sa lalakeng kasama nya kaya nginitian ako nito. Tango lang ang sagot ko sa kanya at ibinaling ko ang atensyon kay Kent.

"Saan ka ba galing Kent? Kanina pa kita hinahanap" pag-alalang tanong ko nito.

Wala akong sagot na narinig sa kanya kahit man lang reaksyon. Nilampasan lang nila ako na para bang anino na hindi manlang magawang tingnan.

Nagkagulo ang buong silid dahil sa taong kasama nya. Sigaw at hiyaw ang narinig ko sa kanila habang piniktyuran ang sikat na binata. Nakisusyo narin ang ibang seksyon sa nangyari kaya mas lalong dumami ang tao sa luob nang silid at mas lalong umingay.

Nagsilabasan na rin sila nang dumating ang guro namin. Kaya tumahimik ang buong silid pero hindi parin maiwasan na kiligin ang mga babae na pasulyap-sulyap sa binata.

Nakatayo parin ako habang nakatingin sa pwesto kung saan umupo si Zach. Takte naman!! Sa lahat nang upuan dun pa sya sa inupuan ko.

Wala akong inaksayang oras kaya nakipagtalo ako sa kanya. Gusto kung agawin ang upuan ang inupuan nya dahil inagaw nya ang teretoryo ko. Umalis naman siya pero mas nalungkot ako dahil umalis din si Kent.

Aba!! Pati si Kent?

Nakigbangayan ako sa guro namin na wala syang karapatang ilipat si Kent dahil si mama lang ang may karapatang maglipat sa amin pero hindi parin umubra bagkus pinagbigyan parin nya si Zach.

Punyita!! Naiinis ako. Hindi ako mapakali dahil gusto kung makatabi Si Kent.

Buntong hininga nalang ng binitawan ko habang nakatingin parin sa kanila. nangliliit ako sa inggit dahil nakita kung ngumiti si Kent habang kinakausap sya sa katabi nya.

"Nagsisi ako kung bakit ko yun nagawa" mahinang bulong nang katabi ko. Randam ko ang pagsisi niya.

Hindi rin naman sya ang may kasalanan, kundi ako rin. Inuusig na nga ako sa konsensya pero hindi parin ako humingi ng tawad sa kanya.

"Ilang gabi na hindi ako makatulog dahil iniisip ko si Kent. Sa luob nang limang buwang nakilala ko sya ay iyon na yata ang pinakamasayang pagkakataong nangyari sa akin.Natuto akong ngumiti at natuto rin akong pahalagahan ang bagay-bagay. Kung hindi ko lang sana itinuloy ang balak natin nuon edi sana kami iyong nagtatawanan ngayon"mahabang litanya nito.

Hindi lang sya ang nagsisi pati rin ako. Halos tigtatlong oras lang ang tulog ko nuong mga nakaraang araw dahil sa kaiisip sa kaniya. Hindi rin naman kasi konsensya ang naramdaman ko pati narin ang namumuong kakaibang naramdaman para sa kanya. Hindi ko alam kung ano ito, basta ang alam ko lang. Hindi ako mapakali basta hindi ko sya makita.

Nang nagsimulang magsalita ang guro namin ay bigla nalang may pumasok na isang hindi pamilyar na babae. Subrang ganda nya at ang puti pa nito. Makinis ang balat at perpikto ang pagkahulma nang kanyang katawan. Maliit ang kanyang mukha at nababagay ito sa kanyang marikit na mata at matangos na ilong.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon