Chapter 14: FIRE

2.7K 107 1
                                    

TYLER POV

Natapos ang mahabang pagtuturo ng guro namin. Nagsisiuwian narin ang mga kaklase ko pati narin si Tristan. Maktol itong lumabas sa silid at hindi hinihintay ang kaibigan niya.

Naiwan kaming dalawa ni Fretz. Medyo mahaba kasi ang pinakupya ng guro namin kaya natagalan kami. Mabagal kasi akong magsulat.

"Bakit mo ako hinihintay? Kung sumama ka kaya kanina kay Tristan. Baka bumabyahe na kayo ngayon" seryuso kung salita kay Fretz habang isinilid ang mga gamet ko sa luob ng bag.

"Eyh gusto kitang makasama. At tyaka na-enjoy ko kasi ang araw ngayon dahil sayo." ngising salita nito.

"Paano kung magagalit si Tristan dahil sa paghihintay mo?Alam mo namang hindi kami magkasundo ng lalaking iyon baka mas lalo pa yung magalit sa akin dahil sumama ka sa akin. " maktol na salita ko sa kanya.

"Wag mung intindihin yun. Sanay na ako sa ugali ng mukong na yun" ngising sagot nito sa akin habang isinaklay ang branded na bag niya sa balikat nito.

"Nga pala! Okey naba ang paa mo?" baling na tanong nito sa akin.

"Medyo may kunti pang kirot." nakangiti kung tugon sa kanya.

"Umupo kalang muna dyan ha dahil hihilutin kita." malumanay na salita nito at lumuhod sa harapan ko.

Dahan-dahan ang paghilod niya sa paa ko. Medyo masakit ang ginawa niya dahil namamaga ito.  Mahinang diing ang binitawan ko. Sunod-sunod na buntong hininga ang binitawan ko habang nakatingin sa maamong mukha niya.

Tapos narin ang ginawa niya. Tumayo narin ito at pinantayan ang tingin ko. Ang lapit ng mukha niya sa akin. Dama ko ang mainit na hininga niya na dumampi sa balat ng mukha ko. Nakangiti itong nakatingin sa akin habang dahan-dahang hinihimas ang buhok ko.

"Ang kyut mo talaga" mahinang salita nito.

"Alam ko." ikling tugon ko sa kanya.

Umalis narin kami at tuluyang lumabas sa labas ng silid. Nadatnan namin sa labas si Enrique hawak-hawak ang kanyang latest na I-phone. Anong ginawa niya dito? Akala ko umalis narin siya!

"Akala ko umuwi kana?" ngiti kung tanong sa kanya.

"Mamaya na ako uuwi. Nakakabagot kasi sa bahay." ngising sagot nito sa akin.

"Ahh okey! Sige! Mauna na kami sayo!" paalam ko sa kanya.

Agad kaming umalis. Medyo mahaba ang lakaran namin dahil sa lawak ng unibersidad. Nagkahiwalayan kaming dalawa nang dumating kami sa trangkahan ng paaralan. Maghihintay pa kasi ako kay Aaron kaya tinanggihan ko siya sa alok niyang ihatid ako sa amin.





Ilang minuto rin akong naghihintay sa kanya ngunit hindi parin ito dumating. Paulit-ulit akong tumawag o nagtext sa kanya pero wala parin akong natanggap na reply galing sa kanya.

Napagdesisyunan kung umuwing magisa. Kesyo naman kasing maghihintay sa kanya baka maabutan ako ng gabi sa kahihintay nito.

Rash Hour kaya matagal akong nakasakay ng jeep. Buti nalang may dumaang kunti ang pasahero kaya madaling sumakay ako duon. Puno narin ang kaluoban nito. Kalahati ng pwetan ko ang nakaupo sa mahabang upuan ng sasakyan. Ito kasing si manong kahit punong-puno na ang sasakyan niya, dinagdagan parin niya ng pasahero. Tuloy nangalalay ang balakang ko dahil dito.

"Nabalitaan kung may sunog daw sa baranggay Ermita. Halos buong baranggay daw ay kinakain ng apoy. Kaninang umaga pa daw yun nagsimula." seryusong salita ng katabi ko.

"Nabalitaan ko rin yan kanina. Kawawa nga yung mga taong nabiktima. Halos wala silang makuhang gamit dahil sa malaking apoy at usok. Kawawa naman sila. Buti nalang nagpasyahan kung lumipat ng apartment baka isa rin ako sa nasunugan." palingo-lingo nitong tugon sa katabi niya.

Gulat at pangamba ang naramdaman ko ngayon. Basi sa sinabi niya ay malaki ang pinsala  na pinupula ng apoy.

Hindi maari to! Sa baranggay Ermita kasi kami nakatira. Paano isa kami sa nabektima? Mawawalan ng kabuhayan at tirahan sina nanay Mig. Kailangan kung magmadali dahil nag-alala ako sa kalagayan nila.

Nang marating ko ang eskina ay malaki ang usok ang tumambad sa aking harapan. Kita ko sa malayo ang nagliliyab na apoy na kinakain ang mga kabahayan.

Nagtakbuhan ang lahat at ang iba ay kumuha ng litrato o video sa nangyari. Kahit maraming bombero ang rumerisbak na tigilan ang apoy ngunit hindi parin ito tumigil. Lalo pa nga yata itong lumakas dahil na rin sa mga bahay na dikitdikit na gawa sa mga light materials.

Ilang minuto rin akong nakatayo sa tapat ng eskwater area habang tiningnan na linamon ng apoy ang mga kabahayan. Wala sa sarili akong lumakad dahil nag-alala ako kina nanay Migs kaya nagpasyahan kung hanapin sila.

Umigting ang panga ko ng narinig ang malaking pagsabog ng isang bahay. Nataranta ako  kaya minabuti munang lumayo doon.

Nabigla ako ng tumunog ang telepono ko. Si Aaron ang tumawag kaya agaran ko itong simagot.

"Aaron nasaan kayo?" alalang tanong ko sa kanya.

"Tye nandito kami ngayon sa hospital." panghingos nitong tugon sa akin na siya namang ipinagtataka ko.

"Ha? Anong nangyari?" pag-alalang tanong ko sa kanya. Hindi sumagot si Aaron. Pawang malalim na hininga ang binitawan nito. "Sagutin mo ako Aron?Tangna! Nag-alala ako sa inyo." palinga-linga kung tanong sa kanya.



"Kent si Mama!" nanginginig na sagot ko sa kanya.

Kinabahan ako. Halos hindi ako makahinga dahil sa narinig ko. Anong nangyari kay nanay Mig. Lord! Wag naman sana!

"Saan kayo ngayon? Saang ospital Aaron dahil pupunta ako dyan." bilisang tanong ko sa kanya.

"Nandito kami ngayon sa Vicente Sotto Memorial Hospital. Alam mo naman ang lokasyon dito diba?" tugon nito sa akin.


Ilang buwan palang pagpanatili dito pero sa tutoo hindi ko alam kung saang hospital ito. Ngayon ko lang narinig ang pangalan ng hospital kaya wala akong kaalam-alam kung saan ito.

"Hindi ko alam Aaron kung saan yan. Paki-text nalang sa lokasyon dahil pupunta ako dyan." nanginginig ka salita ko sa kanya.

Malakas na pagtakbo ang ginawa ko. Kahit masakit ang mga paa ko  ay tinitiis ko. Subrang nag-alala ako kay nanay Mig. Sinunod ko lahat ang lokasyong binigay ni Aaron. Buti nalang isang sakayan lang ito kaya madali akong nakapunta duon.

"Aron saang ward kayo ngayon?"
nag-alalang tanong ko sa kanya.

"Nandito kami ngayon sa Private ward Room A" bilisang sagot nito at wala narin akong maisalita pa kaya pinutol ko narin ang tawag.

Nagmamadali akong pumunta sa lugar kung saan na confine si nanay migs. Tinatanong ko ang mga taong nakasalubong ko. Buti nalang alam nila ang lugar kaya natuntun ko kaagad ang ward.

Buntong hininga akong pumasok sa room. Malawak ang buong silid at may marami pang pasyente ang naruruon. Hinanap ko ang estasyon ni nanay Mig at hindi ako nagkamali na siya ang nasa kahulihang pasyente ang nanduon.







"Nanay Mig" alalang salita ko.







ITUTULOY

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon