Chapter 56: His Secret Reveal (2)

2.7K 105 12
                                    

1 WEEK LATER


Tristan POV

Maraming tao ang nagsisigawan sa luob ng court. Ito narin kasi ang huli naming sagupaan laban sa Blue Warrior na isa rin sa pinakamagaling na manlalaro sa buong bansa.

Sigaw at hiyaw ang narinig ko sa mga taong nagmamasid. Mas lalong umingay ng dumating ang kupunan ng blue warrior.

"Let us all welcome.. The pride of Makati Campus!! BLUE WARRIOR!!"

Napakalakas ang hiyaw ng mga tao.
Magarbo rin ang palakpakan ang ginawad ng mga audience. Sikat rin kasi ng mga ito kaya hindi mawawala ang maraming tagahanga nila.

"Nakita nyo ba si Kent?" pag-alalang tanong ni coach.

Kibit-balikat kaming tumugon kay Coach. Ilang minuto nalang kasi ay magsimula na ang Final Games.

"Coach!! Kanina ko pa siya hinanap pero hindi ko siya nakita." salita ni Fretz na may halong pag-alala.

"Ano ba yan? Malapit na ang laro pero wala parin siya." inis na sabi ni coach.

"Tristan!! Tawagan mo si Kent!!" utos nito sa akin.

"Dalian mo dahil malapit nang magsimula ang laro" dagdag sabi nito.

"Coach w.ala po akong nu
.mber niya. Baka si Fretz meron po." taranta kung sabi kay coach.

"Coach kanina ko pa sya tinawagan pero hindi sya macontact." mariing sabi ni Fretz at lahat kami naglilingunan na baka sakaling makita si Kent.

"Okey dahil wala pa si Kent kayo muna Tristan ang maglalaro. Wag muna tayong aasa sa kanya dahil alam kung kaya niyong talunin sila. Kailangan nating magtulungan para manalo tayo. Iyon rin naman ang gusto natin diba ang mai-uwi ang tropeyo. Pagbutihin nyo ang laro dahil sa inyo nakasalalay nag pangalan ng paaralan natin." pangaral ni coach sa amin.

Ilang sandali pa ay narinig namin ang tunog na umalingawngaw sa luob ng court at hudyat na magsisimula na ang paligsahan. Nagsimula naring pumasok sa korte ang kupunan ng kalaban at ganun rin kami

"Parang namumukhaan ko yang isa? Diba kapatid yan ni Tyler!!" manghang salita ni Goerge sa isa naming kalaban.

Nanlaki ang aking mata dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin kalaban namin ang kapatid ng taong hinahangaan ko.

Binaling ko ang tingin sa taong binanggit niya at tama nga ang sinabi niya dahil ang tao na ngayo'y seryusong nakatangin rin sa akin ay walang iba kundi si Chad Demien Pielago-ang nag-iisang kapatid ni Tyler.


Ibig sabihin may tsansang nandito rin ang kapatid niya. Baka nga isa rin ito sa kasama niya at maging kalaban din namin. Kung sa ganun ay ikinagalak kung makalaro ang inidolo ko.. Pero wag nalang sana dahil kung yun ang magiging kalaban namin ay tyak talo kami sa huli.

Nagsimula naring magsalita ang announcer at hudyat iyon upang magsimula ang laro.

Magaling ang kalaban namin kaya tudo ang aming depensa upang hindi makuha ang bolang hawak ng kasama ko. Malinis ang kanyang pagdribble at maayos rin ang kanyang depensa kaya lahat ng kilos nito ay sinubaybayan ng kalaban namin. Ilang saglit pa ay pinasa niya ang bola sa akin kaya naghihiyawan ang mga tao habang isinisigaw ang pangalan ko.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon