*Tyler POV*
Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw. Ramdam ko rin ang sakit ng aking ulo dahil sa pagkahilo.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at laking gulat ko ng nakita ang aking sarili sa isang liblib na lugar na puno ng kagamitan. Ipinikit ko ang aking mga mata upang maalala lahat ang nangyari kagabi at bigla nasagi sa aking isipan ang isang matangkad na lalake na tumakip sa aking bibig na syang dahilan ng aking pagkahilo.
Napaisip nalang ako sa bilin ng aking ina kahapon at tyak nag-alala ito dahil hindi ako nakauwi sa mansyon. Kaya madaling lumakad narin ako papunta sa pintuan ngunit nakalock ito gamit ang isang cable wire.
" Tulong!! May tao ba dyan. Please?? Nagmamakaawa ako. Buksan niyo ang pinto!!" sigaw ko.
"Huhuhu parang awa niyo na.. Buksan niyo ang pinto!!"
Wala akong kamuwang-muwang kung nasaan ako. Kaya inilinga ko ang tingin sa paligid na tinatambakan ng mga sirang upuan at nga karton-kartong painting materials.
"Tulong!!! May tao ba dyan" sigaw ko ulit at nagbabakasakaling may tutulong sa akin.
Halos mapiyok na ang aking boses dahil sa kakasisigaw. Ilang besis ko narin itong ginawa pero wala paring tumulong sa akin.
Ilang saglit pa ay may narinig akong nagtatakbuhan papunta dito. Tinatangka nilang buksan ang pintuan pero hindi ito mabukas.
"Steady ka lang dyan iho.. Wag kang mag-alala. Nandito kami para iligtas ka" mahinahong sambit ng isang lalaki.
Isang mabigat na bagay ang pinukpok nila sa cable wire kaya lumuwag ang pintuan. Bumukas narin ito at tumambad sa aking harapan ang dalawang security guard. Kita ko rin ang pag-alala sa kanilang mukha ng nakita nila ang kalagayan ko.
"Sir Tyler!! Bakit kayo nandito?" nagtatakang tanong ng isang security guard.
Kilala kasi ako sa mga staff dito sa unibersidad dahil narin sa background ko.
"Kasi kagabi may dumakip sa akin at tinakpan nya ang aking bibig na syang nagpawalang malay ko. At ngayon, bigla nalang akong naalimpungatan at nadatnan ang aking sarili sa kwartong ito." salaysay ko.
"Huh? Ganun ba sir! Pero okey ka lang ba?, kasi namumutla ka." tanong nito na may halong pag-alala.
" Okey lang ako." tugon ko.
"Sino naman kaya ang gumawa sayo nyan sir. Kung gusto nyo, erereport natin ang pangyayaring ito sa punong panukulan ng unibersidad para malaman natin kung sino ang salarin" udyok nito sa akin.
"Hindi ko po alam kung sino siya pero basi sa mukha niya at tangkad ay magkasing edad lang po kami. Sa tingin ko po estudyante rin siya dito." buntong hiningamg salita ko sa kanila.
"Sir nakakaasa kayong ereport po namin ito sa guidance office para managot ang salarin. Wag kayong mag-alala gagawan namin ng paraan para mahanap ang may gawa sayo nito." assurance nila.
Sinabayan nila ako palabas ng paaralan. Buti nalang sabado ngayon kaya walang pasok. Nagpasalamat narin ako sa kanila at nagpaalam upang umuwi sa bahay. Tiyak nag-alala si Mommy ngayon dahil hindi ako umuwi kagabi.
Pumara narin ako ng taxi at sinimulan ang byahe papunta sa mansyon. Nang nakarating ako sa bahay ay labis akong kinakabahan. Hindi ako mapalagay kaya dinalian ko ang paghakbang papunta sa loob ng mansyon.
BINABASA MO ANG
Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)
RomanceHis ultimate crush pala ang kanyang sinaktan. Ano kaya ang reaksyon nya kapag malaman nya na ang binully at sinaktan nya ay ang idol pala nya. Tunghayan ang esturya nina Tristan at Tyler na magpa-iyak sa inyo at magbibigay leksyon. The Secret Billi...