Chapter 1:Rose Andy Valencia

347 17 0
                                    

Rose Andy P.O.V

"Andy! Bumalik ka rito!" sigaw saakin ni Mama habang paalis ako sa mansion nya. Lumingon ako ng marating ko na ang pintuan

"Ma, wala ng dapat pag-usapan. Tanggap ko naman yung bagong pamilya mo" sabi ko sakanya habang walang emosyon na pinapakita.

Dumiretso nako at sumakay sa motor ko. Mabilis kong pinaharurot ang motor ko para umalis na sa mansion ng Mama ko.

May bagong pamilya si Mama, ayos lang. Nambabae si Papa, ayos lang. Alam ko hindi naman sila magbabalikan kung hindi ako magiging okay. Maybe kaya ako naging ganito dahil rin sakanila. Maybe, I was born to be like this.... to be a rebel girl....

Nagstop ako sa isang pamilyar na park. Kung saan kami nagfafamily bonding. Buo naman kami dati kaso ano bang nangyari? Umupo ako sa malalaking ugat ng isang puno. Biglang umihip ang napakalakas na hangin. I'm into perfect family picture, but now? I am just a lost cat in their own world....

"Hey" tinignan ko ang lalaking bumati saakin. My only boybestfriend, Luke...

"What are you doin' here?" tanong ko sakanya.

"Nakita ko kasi yung motor mo. Ang bilis mong mag-patakbo" ngumisi ako at tinignan sya. His dark eyes... his lips... his smile... Damn it! I can't admit that I fell inlove with my bestfriend.

"You really care about me, huh?" biro ko sakanya.

"Syemre, what are friends for. You know you're very special to me" then he winked at me. Lumipas ang limang minuto na tahimik lang ngunit binasag nya ang naghaharing katahimikan.

"Mind telling me about your problems?" alam na nya na lahat, wala ng kailangan pang itago. I sighed

"Pinakilala nako ni Mama sa bago nyang pamilya" biglang nangilid ang luha sa mga mata ko. Alam ko nanaman na meron na kaso masakit pala talaga kapag nandyan na.

Na alam mo na hindi na pwedeng mabuo kase wasak na talaga.

"Everything will be fine" sagot nya saakin. Magiging okay nga ba talaga? Kase wasak na wasak na ako sa loob. Ang sakit na talaga

"Shhhh... You're still the weak girl.. I knew" umiiyak na ako--- mali... Humihikbi na ako sa harap ni Luke. Bakit pag nandyan sya parang ang hina ko? Pag nandyan sya lahat ng sakit na pilit kong tinatanggal ay bumabalik! Maybe he was right.... I am still the weak girl, he knew..

"Hindi naman nawala sila Tita. Mahal ka parin ng mga yun. Sadyang kumplikado ang lahat dahil baka hindi sila para sa isa't isa. Na may ibang nakatadhana sakanila" tinignan ko si Luke ng sinabi nya iyon. Who will be my meant to be? I hope it is you.... Luke Ferrer

"Luke, ganyan ba yung iniisip mo satuwing nakikipagbreak ka sa mga ex mo?" I asked, suddenly.

"Hahaha dami mo naman iniisip. Tara na baka malate pa tayo" Shit! First day nga pala ngayon...

Mabilis kaming nagtungo sa Silver National High. New School ko to dahil nakick out ako sa dati kong school. I hope this school won't bore me.

"Ready?" tanong ni Luke ng nasa entrance na kami. I winked at him

"As long as I'm with you" bestfriend ang label namin pero higit pa roon ang turingan namin. I hope we'd end up together.... I really liked him... I really do

Nang ihatid nya na ako sa Classroom ko ay umalis na rin sya agad. Hinabilin nya na huwag raw akong mag ditch, tss.

Dahil first day of class ay puro pagpapakilala lang. Nakakaboring na talaga at kanting kati na ang paa ko na makaalis sa classroom namin. Nang tumunog na ang bell hudyat na lunch time na ay mabilis akong lumabas. Nakita ko si Luke na nasa labas ng classroom at pinagtitignan ng mga babaeng haliparot na dumadaan. Umirap ako at nagtungo sakanya

"Waiting for me?" sabay ngisi ko

"Always" then he winked at me. Nauna syang maglakad kaya napangiti nalang ako at dahil nauuna sya ay tumakbo ako palapit sakanya at inakbayan sya

"Luke, gwapo mo ngayon ah"

"Oo na. I'll treat you lunch" napangiti nalang ako at tinanggal ang kamay ko sa balikat nya. Mayaman naman ako. May-ari si Papa ng isang sikat na kompanya sa New Zealand. Doctor naman si Mama. Kaya nasusustentuhan nila ako ng sobra. Pero hindi ko gaano ginagastos ang mga binibigay nila. Pera nila yun, dba? Kaya ngayong araw na ito ay maghuhunting ako ng trabaho.

------

(May mga grammatical errors, typos, etc. Read at your own risk, but we tried our best to make this story better and understandable)

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon