Raven P.O.V
Hindi ko alam kung bakit hindi kami nagpapansinan ni Alexis. Hindi niya ako pinapansin at hindi ko naman siya sinusuyo. Siguro dahil cassanova ako dati and there's still me feeding my ego. Parang kung hindi siya makikipagusap saakin ay hindi ko siya papansinin. Ewan ko rin. Lately parang wala ako sa sarili. Nakakainis dahil parang totoong nagaaway kami kahit na walang dahilan.
"Mr.Victor, are you listening?!" sigaw sakin nung lec ko.
"Sorry, sir" yun nalang ang nasabi ko. Badtrip.
Mabilis lang nagdaan ang oras dahil lunch na agad. Wala man akong ganang kumain ay pupuntahan ko ang table ng mga barkada ko. Pero napahinto ako sa nahagip ng mata ko.
Si Alexis kasama si Blake. What the f*ck!
"Pre, tignan mo kasama ni Alexis yung ex nya" sabi Nathan sabay akbay sakin. Wala pa pala siya sa table namin.
Bigla nalang akong nag walk-out. Pumunta akong parking lot para umalis pero may biglang humila sakin at hinalikan ako. Tangina.
Alexis P.O.V
Pinuntahan ako ni Blake sa room ko at inaya akong kumain pero tumanggi ako dahil kasama ko ang mga kabanda ko, kaya sabi niya ay ihahatid niya nalang daw ako sa cafeteria. Kaya sabay kaming naglakad at napagkwentuhan namin ang pagalis niya next week. Tanggap niya narin daw na wala nang pag-asa.
Pero sakabila ng pagkukwentuhan namin ay nakita ko si Raven na paalis sa cafeteria. Dalawa kase yung daanan dito at hindi pa kami parehas ng way. Kainis!
Sinundan ko sya, pagkadating ko sa parking lot, nakita ko siyang nakikipag halikan kay Angelyn biglang sumabog ang puso ko sa sakit. Hindi ko inakala na kaya nya kong saktan, tumalikod ako at umalis. Pupunta ako sa cafeteria at sasabihin to sakanila. Pero bago pa ako makapunta ay mag babunggo ako.
"Sorry" usal ko.
"Uy, Alexis, napano ka?" bigla ako napatingin sa nagsalita, nakita ko yung mga kabanda ko at ang StoneCold band pero wala si Raven, nandun kase siya nakikipaghalikan.
"Suko na ako. Ang hirap pala nung makita mo siya na may kasamang iba. Sasabog na yung iniisip ko. Sa sobrang dami ay hindi ko na alam ang uunahin" mahina kong sabi pero biglang nanlabo ang paningin ko at nawalan ng malay.
Chandria P.O.V
Nakita nalang namin si Alexis na natumba kaya dali dali kaming tumakbo para isugod sya sa Clinic.
Karating namin sa clinic, tinawagan agad namin ang Dean kaya dali dali rin syang pumunta sa Clinic.
"Anong nangyari kay Alexis?" bungad ng dean samin.
"Hindi po namin alam, agad nalang po siyang nawalan ng malay" saad ni Mikaela.
"O baka buntis sjya" biro ni Shane, sinamaan lang sya ng tingin ni Andy.
"Joke lang, kahit may pagkamalandi si Alexis hindi naman magagawa ng kaibigan natin yon" seryosong sabi ni Shane.
Biglang hinawi nung nurse yung kurtina kaya nakita namin si Alexis. Nilagyan siya ng dextrose, infairness parang hospital tong clinic namin.
"Kamusta si Alexis, Miss? Kamusta buntis ba?" biglang sabi ni Shane. Nakakahiya sa Dean!
"SHANE!" sigaw namin sakanya.
"Asan si Alexis!" may biglang sumigaw sa likod, si Raven lang pala.
"Over fatigue, dean. But she's now okay" saad ng nurse o doctor? I can't say it, para siyang nurse na doctor. I don't know.
BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Teen Fiction"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...