Mia P.O.V
Tatlong araw na simula nung namatay si Luke. Lahat kami ay naghihinagpis sa pagkawala niya. He was my bestfriend, my only boybestfriend. Hindi na ako magtataka kung bakit nainlove si Andy sakanya.
Nandito ako sa bahay nila Mommy Rosie. Sinabi nila saakin na i-convince ko daw si Andy na lubas na sa kwarto niya. Nung nawala saamin si Luke ay hindi na siya lumabas pa sa kwarto niya.
"Andy?" sabi ko sabay katok "Andy, tara puntahan natin si Luke. He's waiting for you. Puntahan mo naman siya" sabi ko sakanya pero hindi ko mapigilang hindi maiyak. Wala na talaga siya. Ang sakit. Ang sakit sakit.
"Andy, I have something to tell you" nabigla ako ng binuksan niya ang pinto. Mugto ang kanyang mata. She's a mess right now.
"Anong sasabihin mo?"
"All about Luke. Bago siya mawala ay sinabi niya saakin na basahin mo daw yung sinulat niya sa laptop niya. That file named My Love. Baka sakaling puntahan mo na siya" sabi ko. Pansin ko na nagalinlangan pa siya pero pumayag parin. Umalis na ako duon at sinabi kay Mommy Rosie na lalabas na si Andy.
Rose Andy P.O.V
Pagkatapos kong hindi alagaan ang sarili ko ng tatlong araw ay ngayon ko lang naisipan na maligo ulit. Hindi parin pala ako kumakain hanggang ngayon. Tinignan ko ang sarili ko na nakasuot ng simpleng white t-shirt at isang simpleng pantalon lang rin.
Dumiretso na ako sa bahay nila Luke. Nangilid ang mga luha ko nang marahang bumalik ang mga ala ala ko na kasama siya.
Pinagbuksan ako ng gate ng katulong nila. Sinabi na wala daw tao roon. Ang sabi ko lang ay may titignan ako sa kwarto ni Luke.
Nang makarating na ako sa kwarto niya ay mabilis kong nakita ang laptop niya. Mabilis ko lang rin nahanap ang file na ipinapahanap saakin.
Nagsimula na akong basahin ito...
Dear, Love.
Alam ko wala na ako habang binabasa mo to. Sorry. Sorry if I have to make you cry. Please smile while reading this.
Napangiti nalang ako na parang napasunod niya kahit sulat lang.
Ngayong lumulubog na ang araw at muling sisinag, patawad dahil wala na ako sa tabi mo, niyo. Huwag mong isiping corny to, hirap magtype at mag-isip, darling.
Napatawa nalang ako habang umiiyak dahil nagawa niya pang magbiro. I miss you, Luke.
Hoy, Love huwag kang umiyak, ah? Huwag mong iyakan ang patay na. Hindi ko kase makikita at hindi man lang kita mapapatahan. Pero hayaan mo na yakapin ka ng kaluluwa ko.
Miss mo na ako no?
Sobra. Sobra, Luke.
Please, mamiss mo lang ako ng konti ay okay na. Huwag mong hayaan na lagi kang malungkot dahil malulungkot rin ako.
Pumikit ka. Pumikit ka at alalahanin mo lahat ng pinagsamahan natin.
Napapikit nalang ako habang inaalala ang lahat ng ginawa niya para saakin. Walang tigil ang luha ko sa mga ala alang yun. Ipinagpatuloy ko na ang pagbabasa.
Umiiyak ka nanaman no? Huwag mo nga akong iyakan. Sa lugar kung nasan ako ay wala ng sakit, wala ng lungkot. Pasensiya na talaga. Pagod na ako e.
Kung nararamdaman mo na mag isa ka dahil pati ako'y iniwan ka. Tawagan mo yung mga kabanda mo o kaya naman ang iba mong kaibigan. They will ease the pain. Huwag mong ikulong mong ikulong ang sarili mo sa kwarto at sarilihin ang sakit. Kaya mo yan, okay? Kaya mo.
Mamaya ko na ituloy tong sulat dahil nagpapahatid ka saakin sa SNH.
Ito na ako ulit. Itutuloy na. Andy, mahal kita. Alam ko na ganun ka rin. Mahal natin ang isa't isa pero bakit hindi naging tayo? Sana sa susunod na buhay ay maging tayo. Yun ang huling ko bago ako kunin.
Now, I'm asking you to let me go. Bitawan mo na ako dahil wala na ako. Let go, Love. Just let go.
~Luke Ferrer
Humagulgol ako ng napakalakas. Ang sakit. Napatulala nalang ako pagkatapos kong basahin yun. Pumatak muli ang luha ko at dahan dahan ko itong pinunasan.
"Hi" mahinang sabi ni Mia, boses niya e. Hindi ko alam kung bakit nandito na siya basta bigla nalang siya sumulpot. "Alam mo Andy ang swerto mo sakanya, I mean kay Luke" sabi niya habang naiiyak rin.
"Nung akala mo na niloloko ka namin kaya ka niya iniwan? Psh halos lumuhod siya sa harap ko huwag ko lang sabihin sayo. Niyakap niya nga ako nun e. Nakakahiya dahil sa school pa yun" sabi niya. Kumunot naman ang noo ko. Yun ba yung nakita namin sila ni Shane? "Lagi ka niyang sinusundan kahit saan ka man magpunta. Sinabi sakanya na magstay lang siya sa hospital pero nagpupumilit parin siya na puntahan ka. Lahat ng lugar na pinupuntahan mo ay nandun siya, binabantayan ka. Sinabi ko sakanya na puntahan ka na, na lapitan kana pero ayaw niya. Hindi ko alam yung dahilan niya" mahabang sabi niya habang umiiyak.
"Naalala mo ba nung sinagot mo na si Axel? Nandun siya at nanunuod sainyo habang masaya ka. Sabi niya favorite mo daw ang fire works. Sinabi ko na umalis na kami duon pero sabi niya ay papanuorin ka daw niyang maging masaya, minsan ka lang daw maging masaya na ganun. Buong loob niyang pinanuod ang eksenang yun. Alam ko nasasaktan siya kaya nasasaktan rin ako para sakanya" gaya ni Mia ay napaiyak narin ako.
"Pero mabilis rin namin nilisan ang lugar na yun at pumunta sa Hospital dahil medyo sumakit daw ang puso niya. Nagawa niya pa ngang magbiro, broken hearted daw siya. Andy, ang swerte mo dahil mahal ka niya. Mahal ka niyang talaga. Naalala mo pa nung umiiyak ako sa hospital? Saakin niya lang sinabi na may taning na ang buhay niya. 1 month to live. Pero iba ang sinabi niya kila Tita Luciana, kailangan operahan ang puso niya para mabuhay siya ng matagal. Tinanong ko ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi ang totoo, sabi niya baka daw sabihin nila sayo. See? Mawawala na nga lang siya ay ikaw pa ang iniisip niya. Sa inis ko sakanya ay sinabi ko na sayo. Nagalit siya saakin at hindi niya ako kinausap ng ilang araw. Basta nalaman ko nalang na aalis kayo at pupunta ng U.S para magpagamot. Sinabi niya lang kila Tita na may taning ang buhay niya nung nasa U.S na kayo. Andy, gusto kong malaman mo na hindi ka talaga iniwan ni Luke. Ayaw ka lang niyang masaktan bandang huli. Pasensya kung itinago ko sayo..." napuno ng malalakas na hagulgol ang kwarto ni Luke. Hanggang sa natahimik kaming dalawa.
"Mahal ko rin si Luke simula nung bata pa kami. Lahat ng kalokohan ko ay lagi niyang pinagtatakpan kaya ang ending ay siya ang mapapagalitan"
"Satingin ko ay ganyan nga si Luke. I envy you"
"Gusto mo ba siya? Nagustuhan?"
"Oo e. Hindi naman kase mahirap ang mahulog sakanya."
"I'm deeply falling. I'm slowly breaking down. I really miss him. Mia, miss ko na talaga siya" mabilis akong niyakap ni Mia. Sa ngayon ay mas malakas siya kesa saakin. Nabigla kasi ako sa pangyayare samantalang siya ay napaghandaan niya.
"Kung nasan man si Luke ngayon ay nasa mabuting kalagayan na siya. Hindi na siya mahihirapan pa" tinatak ko ng mabuti ang sinabi ni Mia. Nasa maayos na si Luke. Hindi na siya mahihirapan.
BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Teen Fiction"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...