Chapter 105

26 2 0
                                    

Chandria P.O.V

Malapit na akong umalis at hindi ko pa nasasabi kay Sebastian ang tungkol sa pagalis ko alam ko naman kasing baka hindi siya pumayag

At sa mga araw na mag kasama kami lalo ko pang pinaramdam sakanya ang pagmamahal ko

Nagtatanong pa nga siya minsan kung okay lang ba daw ako dahil ang weird ko

Gusto ko lang naman kasing lagi niya akong maalala kapag nasa ibang bansa na ako

Inaya ko siyang mamasyal mamaya ang weird nga kasi dati siya yung nagaaya tapos ngayon ako na

Ngayon ko narin sasabihin sakanya ang tungkol sa pagalis ko nakaipon na ako ng lakas ng loob para sabihin sakanya

Nakabihis at ayos na ako hinihintay ko nalang siya para makaalis na kami

Ilang minuto lang tumunog na ang doorbell

Lumabas na ako at nakita ko ang napaka gwapong boyfriend ko kaya ko bang hindi makita o makausap to? Hindi mayakap o mahalikan man lang? Hindi ko kaya! Pero kaylangan....

Ng tutulo na ang luha ko agad akong lumapit sakanya at yumakap ng mahigpit

"Are you okay my love?" Tanong niya saakin

"Oo namiss lang kita" sabi ko naman at pasimpleng pinunasan ang mga luha ko

"Haha silly kakakita lang natin kahapon ha?"

"Oo nga pero namiss padin kita e" sagot ko naman at hinalikan siya

"Ang sweet naman ng mahal ko" sabi niya at hinalikan ako sa nuo

Habang nagdadrive si Sebastian papunta sa Enchanted Kingdom wala akong ibang ginawa kung hindi titigan siya

"I love you" sabi ko sakanya

"I love you more my love" sabi niya at hinalikan ang kamay ko

Ilang oras din kaming nagbiyahe ng makarating na kami duon

"Oh fcking sht" mura niya ng hindi niya makuha ang teddy bear

"Bunganga mo" bawal ko sakanya at pinalo ang bibig niya

"Sorry" sabi siya at hinalikan ako sa nuo

"Lipat nalang tayo" sabi ko at hinihila na siya

"Last na lang" sabi niya at sa wakas nakuha niya nadin

"Thank you!" Sabi ko at niyakap siya

Niyakap niya din ako pabalik "Tara dun naman tayo" yaya niya saakin

Pumunta kami sa booth na kapag nabato mo ang limang bote sa isang bato lang ng bola  makukuha mo ang malaking teddy bear

"Yun ba yung gusto mo my love? Tanong niya at tumango ako

I'll get that" sabi niya at sabay kuha ng bola sa kuyang nagbabantay

May nakasabay kaming mag laro na couple din at narinig ko ang pinaguusapan nila

"Tss ang yabang yabang e hindi naman gwapo" sabi niya na nagpainit ng dugo ko

'E anong definition ng gwapo para sakanya yang mukha niya? Yang mukha niyang mukhang paa na nilagyan lang ng mata at bibig?' Naiinis na sabi ko sa sarili ko

"At tignan mo yung babae mhine kow ang pangit pangit haha wala man kinalahati sa ganda ko tsaka ang landi landi" sabi naman nung girl

Magsasalita na sana ako dahil sumusobra na siya ng narinig kong nag salita si Sebastian

"Isa pang salita niyo at putok yang dalawa niyong nguso" sabi ni Sebastian at hinila ako lalo palapit sakanya

"Aba siga tong mukhang unggoy na to" sabi niya habang dinuduro duro si Sebastian

Hindi nalang pinansin ni Sebastian at nag concentrate sa kanyang nilalaro

"Hayaan mo na mhine kow kunin mo nalang yung teddy bear na yun unahan mo siyang makuha yun tutal nag-iisa nalang naman e" sabi ng kanyang girlfriend

Sabay nilang napatumba ang mga bote ng nagsalita nanaman yung lalaki

"Ako ang nauna ibigay mo sa girlfriend ko yan" sabi niya sa nagbabantay

"Pero sir sabay po kayo e" sabi ni kuyang nagbabantay

"Osige isang game pa sigurado namang akin din mapupunta y-" naputol ang sinasabi niya ng nagsalita si Sebastian

"Ang dami mo pang sinasabi hindi mo nalang patunayan" sabi niya at kinuha na ang bola

Nakailang ulit sila at sa huli si Sebastian din ang nanalo

"Yes! Thank you my love" sabi ko at niyakap siya

"Tss hayaan mo mhine kow ang papangit naman nila hanap nalang tayo ng iba" sabi ng girlfriend niya

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsalita nadin ako

"E kung pangit kami kamusta naman kayo? E ang salitang pangit nga hindi pa sakto para sa mukhang paa niyong itsura"

Sabi ko at hinila si Sebastian na hindi mapigilan tumawa

"Hahaha hay nagutom ako dun ah kain muna tayo" sabi niya saakin at pumasok kami sa café dito

After naming kumain inaya ko si Sebastian na sumakay sa mga rides nung una ayaw niya pero napilit ko padin

Una naming sinakyan ay ang viking napansin kong parang namumutla si Sebastian

"Okay lang?" Tanong ko sakanya

"Yup" tipid na sagot niya

Ng nakasakay na kami wala akong narinig mula kay Sebastian samantalang ako ay namamatay na kakasigaw

Pagkababa namin duon palang siya nagsalita "Fck nahihilo ako" sabi niya

Umupo muna kami sa mga bench dito "Bibili muna ako ng bottled water" sabi ko sakanya at iniwan muna ang teddy bear na dala ko sa tabi niya

"No, 'wag na" sabi naman niya pero bumili padin ako pagkabalik ko duon wala na siya

Nilibot ko ang mata ko at nakita ko siyang palabas galing c.r

"Fck that viking nahihilo padin talaga ako" naiinis na sabi niya gusto ko sanang tumawa kaso pinipigilan ko baka kasi magalit siya

"Dapat kasi sinabi mong nahihilo ka kapag sumakay ka sa mga rides na ganun para hindi na kita pinilit" sabi ko sakanya ng nakaupo na ulit kami

"Okay lang sumaya ka naman e" sabi niya sabay akbay saakin

"Tss nahihilo kana nga nakuha mo pang bumanat ng ganyan" sabi ko at pabirong kinurot siya sa tiyan

"Bakit lagi mo akong kinukurot sa tiyan? Gusto mong hawakan ang abs ko no?" Nangiinis na tanong niya

"Tse! In your dreams!" Sabi ko naman sakanya

"Sus nahihiya ka pa alam mong sayong sayo ako kaya 'wag kanang mahiya okay?"

"Hindi nga kase!" Nakapout na sabi ko sakanya

"Sus pakipot ka pa hawakan mo na oh" sabi niya at pilit kinukuha ang kamay ko para ipahawak ang abs niya

"Isa!" Kunwaring naiinis na sabi ko sakanya

"Haha joke lang halika nga dito my love na baby ko" sabi niya saakin at niyakap ako ng mahigpit

"Ang korny mo!" Natatawang sabi ko

"Sayo lang." Sabi niya at bumulong saakin ng 'I love you'

"I love you more" sabi ko ng nakatingin sakanyang mukha

'Sana lagi nalang tayong ganito Sebastian walang problema lagi lang masaya. Yung walang aalis lagi lang mag kasama'

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon